Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad

Ang Palengke Chronicles, si Aling Mertha at ang limang taong gulang na anak nitong si Buding ay pawang mga kathang isip lamang.

***

Antok na antok ako kasi nabusog ako sa kinain naming tanghalian tapos ang init-init pa ng panahon. Napipikit-pikit na’ko tapos bigla akongΒ nagulat sa bulyawan nitong sila Sione. Aba kung mga makatili ay akala mo may sunog. Tapos biglang tumakbo sa’kin ‘tong si Buding na humahagikihik.

Anong nangyari anak? Tanong ko. Tumawa lang si Buding tapos pinakita yung palad n’ya nang biglang lumapit si Sione. Hala Ate Mertha binasa ni Betcha yung palad ni Buding.Β 

Eto nga palang si Betcha eh bagong kasambahay ng amo nila Sione na galing probinsyaΒ pa daw. Marunong daw s’yaΒ magbasa ng palad. Hindi sya marunong magbasa ng libro ha dahil grade 1 lang daw ang inabot n’ya pero marunong s’ya magbasa ng palad.

Naghahatid s’ya ng kanin at ulam tuwing tanghali para sa amo nila Sione at sa kanilang mga tindera. Kaya tuwing tanghali ay nagkakagulo yung mga tindera sa pagpapabasa ng mga palad nila.

Ate Mertha sabi ni Betcha, maglalakbayΒ daw ‘yang si Buding pagtanda n’ya. Tapos daw magkakaroon s’ya ng unang asawa pero magkakahiwalay sila dahil paghihiwalayin sila ng magiging pangalawang asawa n’ya.

Hay anu ba ‘yan! Sabi ko. Kung anu-ano ang pinaparinig n’yo sa bata. Hindi naman totoo ‘yang mga ganyan-ganyan. Kaya pala nananakbo kanina at humahagikhik ‘tong si Buding eh kung ano-ano ang pinagsasabi ng mga ‘yun sa anak ko.

Kako ‘nak wag ka maniniwala ah di totoo ‘yan. Tinawanan lang ako ni Buding.

Lumapit pa kamo itong si Betcha na ito. Ate, ate, ‘yang anakΒ mo maraming paiiyaking lalake ‘yan paglaki.Β 

Aba at hindi pa nakuntento ‘tong mga ‘to ha. Kako, naku tigilan n’yo na ‘yan at di totoo yan.

Antayin mo lang ‘te paglaki nyan. Yang matang ‘yan maraming paiiyakin ‘yan.Β 

Aba kako, pati mata nababasa n’ya rin?

Pag-alis ni Betcha, nagpunta ako sa fitting room ng tindahan at tiningnan ang mata ko sa salamin. Kako, magkahawig ang mata namin ni Buding eh mas malalim lang yung kanya ng kaunti pero bakit wala akong pinaiyak na lalake at ako pa ang pinaiyak?

Tiningnan ko rin yung palad ko at nag-isip kung ano kaya ang kahulugan ng mga guhit pero wala akong ideya.

At di pa nakuntento ang Betcha na ‘to, binalikan pa ako. Ate tingnan ko nga din ‘yang palad mo,Β at bago paΒ ‘ko nakatanggi ayΒ hinila n’ya na yung kamay ko. Sabi n’ya, ate may isang lalakeng babalik-balik sa’yo. Tinawanan ko lang s’ya at kako walang babalik dahil ako pa nga ang pinagtaguan. Sa isip-isip ko eh, iisa lang naman ang naging lalake sa buhay ko, ‘yung tatay ni Buding na pagtapos akong buntisin ay nawala nang parang bula. May mukhaΒ pa ba s’yang ihaharap para bumalik-balik pa. Dinugtungan pa ni Betcha, pero Ate ‘yung lalakeng babalik-balik sa’yo ay di mo makakatuluyan kasi yung makakatuluyan mo ay matagal na nagmamasid-masid lang. Syempre kumabog ng konti ang dibdib ko pero sabi ko, naku tama na nga ‘yan baka di naman totoo ‘yan.

Pag alis ni Betcha ay napaisip akoΒ kung sino kaya yung sinasabi n’yang nagmamasid lagi sakin. Hindi kaya isa sa mgaΒ kapitbahay namin ‘yan? O kaya isa sa mga tricycle drivers dyan? Naku naman, kung totoo man ‘yan, bakit pamasid-masid pa s’ya diba. Di naman masama magkalablayp eh. Pangiti-ngiti pa ako nang biglang sumigaw si Buding. Ma, sabi n’ya sabay turo sa katabi n’yang lalake. Sino po s’ya? Nung tiningnan ko, nagulat ako. Kumabog ang dibdib ko at nanlamig yung mga palad ko. Antagal ko nang hindi nakita itong si Conrado. Nak, kako, s’ya ang papa mo. Pinakilala ko na kahit masama talaga saΒ loob kong gawin ‘yun dahil wala naman s’yang nacontribute sa buhay ni Buding kundi yungΒ sperm cell n’ya.

Musta na Mertz?

Aba ang kapal ng mukhang tawagin ako sa nickname ko nung high school.

Anong ginagawa mo dito? tanong ko sa kan’ya. Tumakbo sa’kin si Buding at tumayo lang sa tabi ko. Nakatingin lang din kay Conrado.

Ah, napadaan lang kasi namalengke yung asawa ko eh. Sige ha. Β At umalis na s’ya.

Ang tindi talaga nito. Umasa pa man din ako na baka gusto Β n’ya rin kaming kamustahin man lang o kahit si Buding man lang peroΒ kahit magpanggap na concerned s’ya eh hindi man lang nagawa.

Kinabukasan naghatid na naman ng pananghalian itong si Betcha at sa isip-isip ko, akalain mo ha tumama s’ya na babalik itong si Conrado ha. Pero baka nagkataon lang. Nakakainis lang dahil kahit ayokong maniwala sa mga sinabi n’yang nakaguhit sa palad ko kahapon ay hindi ko mapigilang isipin kung sino kaya ang nagmamasid-masid d’yan. Baka kasi nasa harap ko na ay hindi ko pa makita. Anu ba ‘yan, para naman ako nitong high school na kinikilig na hindi mawari.

Bigla ko tuloy naalala ang nakaraan namin ni Conrado. Nung masaya kaming umiinom ng palamig habang nakaupo sa bangko dun sa ilalim ng puno ng santol sa gilid ng school, pag hinahatid n’ya ko pauwi, pag dinadala n’ya yung gitara at kinakantahan n’ya ko habang nakatambay kami sa labas ng tindahan ni Ka Susan, hanggang sa mabuntis ako at bigla n’ya akong pinagtaguan at kung paano ako pinagtabuyan ng nanay n’ya. Biglang kumulo yung dugo ko nung maalala ko. Kahit pala limang taon na ang nakalipas eh masakit pa rin pag naalala ko ang nangyari sa akin, hindi pa rin nawawala yung sakit, para bang peklat sa tuhod, na kahit pahiran mo ng pahiran ng cebo de macho eh hindi matanggal-tanggal. Ganun ang alaala ni Conrado eh. Parang pangit na peklat ko sa tuhod.

Ma, tawag ni Buding. Pagtingin ko ay may nginunguso. Ayun s’ya. Sabi ko, sino? Wala na, sabi n’ya. UmalisΒ na.

Kahit antok na antok ulit ako matapos ang pananghalian ay pilit kong binubuksan ang mata ko. Baka mamaya dumaan nga yung nagmamasid-masid na yun nakakahiya kung makikita n’ya akong tutulog-tulog dito at nakanganga pa. Kaya para mawala yung antok ko, nagpunta na lang ako sa fitting room at tiningnan ang sarili sa salamin. Nagpulbo ako dahil ang mantika na ng mukha ko sa init at bahagyang dinagdagan ko ng baby oil yung buhok ko para hindi magulo.

Ma, tawag ni Buding. Pagtingin ko ay may nginunguso s’ya. Ayun s’ya. Tapos nakita ko si Conrado na papalapit.

Mertz, pwede ba tayo mag-usap saglit? Kumabog ang dibdib ko ‘no at nanlamig yung kamay ko peroΒ hindi ako nagpahalata na kinakabahan kaya tinaasan ko s’ya ng kilay at inirapan. Nak, dun ka muna saglit kay Ate Sione mo. At tumakbo na si Buding. Ano ba ‘yun? tanong ko sa kanya.

Alam kong malaki atraso ko sa’yo at alam kong nakakahiya itong ginagawa ko, sa isip-isip ko, malaki talaga ang atraso mo at buti alam mo kaya kahit maglumuhod ka d’yan ay hindi na kami babalik sa’yo at tinitingnan ko s’ya ng tuwid, napapayuko ang mokong at di makatingin ng diretso, sabay sabing, Mertz, baka pwedeng makahiram ng two hundred. Walang-wala na ako eh.

Tumawa akoΒ ng malakas sa sinabi n’ya sabay kinuha ko yung bakal na pansungkit ng mga damit.

***

Inspirasyon nito ang isa sa mga napakinggan kong sawing kwentoΒ sa makabagongΒ Love Notes ni Joe D’ Mango πŸ˜€

***

Palengke Chronicles 1 : Bokya

Palengke Chronicles 2 : Rebond

Palengke Chronicles 3 : Slimming Tea

Palengke Chronicles 4: Ekonomiya

 

43 responses to “Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad”

  1. Nagtataka ako kung sino kaya yung nagmamasid. Hahaha! Pero walang hiya talaga si Conrado. Ang tindi niya.

    Liked by 2 people

    1. Wahahahaha….di ko pa din maisip kung sino yung nagmamasid hahahahaha….

      Liked by 1 person

      1. Hahaha! Next part na si kuya. Ang galing mo talagang gumawa ng kwento 😊

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha ha…salamats pero naku di ko pa maisip…hindi ko alam kung kasama na ba sya sa next part..mahirap gumawa ng love story LOL

          Like

          1. Hahhaha, kahit wag na lang. Tuloy mo lang kung ano mang theme ang naisip mo para sa next part ng Palengke Chronicles πŸ˜€

            Liked by 1 person

          2. Ha ha ha. Ayun nga wala pa rin akong naiisip na next part hahahaha….

            Liked by 1 person

          3. Hahahaha, no pressure naman e. Pasensya na. Nagloloko yung WP ko kanina. Nadelete yung comment mo dun sa post ko.

            Yung reply ko sana dun e, “Bat ka naman napapangiti, ang corny nga e hahaha. Gusto mo padalhan kita jan… Ng petchay?” ayunnnn XD

            Liked by 1 person

          4. ang weird nga ng WP, nagcomment ulit ako don oh wala na naman. anyway, kako ok lang naman sakin ang Australian Petchay ha ha ha…at napapangiti ako dahil naiimagine kong kinikilig yung nagkukwento ha ha ha

            Like

          5. Oo nga e, chineck ko. Hahahha di naman talaga Australian yun.. Haha, para nga akong tanga e. Move on move on din hahaha

            Liked by 1 person

          6. Hahahahahha. Ok lang yan. Ok lang naman alalahanin yung magagandang memories hehe

            Liked by 1 person

  2. At hindi ko alam kung bakit hindi ko pa na-follow ang site mo. Ang alam ko, matagal ko na itong nafollow. Haha Anyway, keep writing. :))

    Liked by 1 person

    1. Hmp. Ganyan ka doc.

      Liked by 1 person

      1. Hindi ko talaga alam kung bakit. Hehe! Pero the mere fact na nakita ko sa WP Reader ang posts mo kagabi that means WP friend tayo. Pero nakalagay kasi hindi pa kita pina-follow. haha Anyway, musta? hehe

        Liked by 1 person

        1. Huuuuuuu. Ayus lang. Hmp.

          Liked by 1 person

          1. Mga babae talaga. Nag-explain na ng maayos, ayaw pa din maniwala? LOL!

            Liked by 1 person

          2. ha ha ha ganun talaga πŸ˜€

            Liked by 1 person

          3. Boys VS Girls. Gawan mo ng blog. πŸ™‚

            Liked by 1 person

          4. anu ba yan. bakit ganyan ang daming nagtatapon sakin ng mga ideya na dapat pagdebatehan

            1. Boys vs Girls
            2. Math vs Love
            3. San mas makabuluhan ang pagsisisi, sa simula o sa huli?

            at bakit sakin nyo binabato ang mga ideyang ito

            Liked by 1 person

          5. Dahil sa anumang kainan, laging nauuna ang soup. πŸ™‚ #AySabaw haha!

            Liked by 1 person

          6. hay nako. btw, di ko pa magawa yung request mo ah…wala akong maisip eh ha ha ha

            Liked by 1 person

          7. Hindi naman request iyon. Suggestion lang. πŸ™‚ Magkaiba iyon. Haha! #MENvsWOMEN

            Like

          8. hay nako talaga.

            Liked by 1 person

          9. Mga babae talaga. Masyadong naglalagay ng malalim na meaning. haha! when suggestion becomes a request. LOL!

            Like

          10. ewan. hmp. bahala kayo.

            Liked by 1 person

          11. Tapos sasabihin sa amin.. “bahala kayo”.. tapos kapag sineryoso namin na “bahala” talaga kami.. sa dulo, magagalit pa din sa amin. haha #AngAlamatNgBabae

            Like

          12. ha ha ha problema nyo na yan :p

            Liked by 1 person

          13. Doctor Eamer left the conversation. (Just like most of the men do.) Haha!

            Like

  3. Ang galing mo talaga… Parang tele-serye ang dating!

    Liked by 1 person

    1. Waaaah. Iniisip ko nga kung pano lalagyan ng Jean Garcia or Cherry Gil moment para masaya haha….grabe palengke-serye ba haha

      Liked by 1 person

      1. Yup, swak na swak!

        Liked by 1 person

  4. ang galing, ang galing!!! Parang nanonood ako ng scene sa movie or kung saan man… ramdam ang bawat eksena… Para akong kinikiliti nung binabasa ko eh… may tawa tapos kilig.. “Mertz” haha the best tong si aling Mertha πŸ™‚
    Nakakatuwa din kung pano mo inilarawan si Conrado: ” peklat sa tuhod, na kahit pahiran mo ng pahiran ng cebo de macho eh hindi matanggal-tanggal” hahahaha Peklat na nanghihiram ng 2 hundred!!! Iba tong si Conrado.. The best to Ays!! Lurrrrve it, mwahhh!! ituloy mo to ah, gusto ko din malaman kung sino yung umaaligid aligid kay aling Mertz!!

    Like

    1. wuhahahahaha….alam mo ba Conrado yung name ng crush ko nung high school na hindi ako pinapansin kaya hayan naging peklat tuloy sya na nanghihiram ng 200. ah ah ha

      At si Aling Mertha hindi ko maisipan ng cute na highschool name hahahah

      at hindi ko pa alam kung sino yung aaligid aligid na yon..ha ha ano ba tong series ko, walang ka plano plano…kung ano na lang LOL…

      Liked by 1 person

      1. Ahahaha may totoong Conrado pala 😁 Galing nung banat mo sa ending, tawa ko ng tawa, pahiram ng two hundred hahaha! Pero totoo may mga ganyang tao, sumusulpot pag wala silang pera… Naisalarawan mo yung taong wala talagang hiya… The best tong episode na to Ays, Ays soup baby! 😊

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha. dito ako maghihiganti sa mga HighSchool crush na hindi namamansin LOL

          well, sa totoong buhay meron talagang ganyan at sa tunay na buhay ay hindi sila nakakatawa ha ha masarap sila hampasin ng bakal hihihihihi

          salamats πŸ˜€

          Liked by 1 person

          1. hahahha hampasin ng bakal – cariΓ±o brutal by Aysabaw!!

            Liked by 1 person

          2. ha ha ha πŸ˜€

            Liked by 1 person

  5. Buset! Ituhog nya si Conrado! Kapal ng fez! grrrr…

    Liked by 1 person

    1. Hahahahaha ituhog πŸ˜€

      Liked by 1 person

  6. […] Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad […]

    Like

  7. […] Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad […]

    Like

  8. “Naku naman, kung totoo man β€˜yan, bakit pamasid-masid pa s’ya diba. Di naman masama magkalablayp eh.”

    Win na win talaga tong si Aling Mertz! Hahahaha! Ang galing na parang naririnig ko rin yung paghalakhak niya nung umutang ng 200 yung loko-lokong tatay ni Buding haha! At siyempre tumawa rin ako ng tumawa, keri na magmukhang tanga! Hahaha!

    Liked by 1 person

  9. […] Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: