Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad

Ang Palengke Chronicles, si Aling Mertha at ang limang taong gulang na anak nitong si Buding ay pawang mga kathang isip lamang.

***

Antok na antok ako kasi nabusog ako sa kinain naming tanghalian tapos ang init-init pa ng panahon. Napipikit-pikit na’ko tapos bigla akong nagulat sa bulyawan nitong sila Sione. Aba kung mga makatili ay akala mo may sunog. Tapos biglang tumakbo sa’kin ‘tong si Buding na humahagikihik.

Anong nangyari anak? Tanong ko. Tumawa lang si Buding tapos pinakita yung palad n’ya nang biglang lumapit si Sione. Hala Ate Mertha binasa ni Betcha yung palad ni Buding. 

Eto nga palang si Betcha eh bagong kasambahay ng amo nila Sione na galing probinsya pa daw. Marunong daw s’ya magbasa ng palad. Hindi sya marunong magbasa ng libro ha dahil grade 1 lang daw ang inabot n’ya pero marunong s’ya magbasa ng palad.

Naghahatid s’ya ng kanin at ulam tuwing tanghali para sa amo nila Sione at sa kanilang mga tindera. Kaya tuwing tanghali ay nagkakagulo yung mga tindera sa pagpapabasa ng mga palad nila.

Ate Mertha sabi ni Betcha, maglalakbay daw ‘yang si Buding pagtanda n’ya. Tapos daw magkakaroon s’ya ng unang asawa pero magkakahiwalay sila dahil paghihiwalayin sila ng magiging pangalawang asawa n’ya.

Hay anu ba ‘yan! Sabi ko. Kung anu-ano ang pinaparinig n’yo sa bata. Hindi naman totoo ‘yang mga ganyan-ganyan. Kaya pala nananakbo kanina at humahagikhik ‘tong si Buding eh kung ano-ano ang pinagsasabi ng mga ‘yun sa anak ko.

Kako ‘nak wag ka maniniwala ah di totoo ‘yan. Tinawanan lang ako ni Buding.

Lumapit pa kamo itong si Betcha na ito. Ate, ate, ‘yang anak mo maraming paiiyaking lalake ‘yan paglaki. 

Aba at hindi pa nakuntento ‘tong mga ‘to ha. Kako, naku tigilan n’yo na ‘yan at di totoo yan.

Antayin mo lang ‘te paglaki nyan. Yang matang ‘yan maraming paiiyakin ‘yan. 

Aba kako, pati mata nababasa n’ya rin?

Pag-alis ni Betcha, nagpunta ako sa fitting room ng tindahan at tiningnan ang mata ko sa salamin. Kako, magkahawig ang mata namin ni Buding eh mas malalim lang yung kanya ng kaunti pero bakit wala akong pinaiyak na lalake at ako pa ang pinaiyak?

Tiningnan ko rin yung palad ko at nag-isip kung ano kaya ang kahulugan ng mga guhit pero wala akong ideya.

At di pa nakuntento ang Betcha na ‘to, binalikan pa ako. Ate tingnan ko nga din ‘yang palad mo, at bago pa ‘ko nakatanggi ay hinila n’ya na yung kamay ko. Sabi n’ya, ate may isang lalakeng babalik-balik sa’yo. Tinawanan ko lang s’ya at kako walang babalik dahil ako pa nga ang pinagtaguan. Sa isip-isip ko eh, iisa lang naman ang naging lalake sa buhay ko, ‘yung tatay ni Buding na pagtapos akong buntisin ay nawala nang parang bula. May mukha pa ba s’yang ihaharap para bumalik-balik pa. Dinugtungan pa ni Betcha, pero Ate ‘yung lalakeng babalik-balik sa’yo ay di mo makakatuluyan kasi yung makakatuluyan mo ay matagal na nagmamasid-masid lang. Syempre kumabog ng konti ang dibdib ko pero sabi ko, naku tama na nga ‘yan baka di naman totoo ‘yan.

Pag alis ni Betcha ay napaisip ako kung sino kaya yung sinasabi n’yang nagmamasid lagi sakin. Hindi kaya isa sa mga kapitbahay namin ‘yan? O kaya isa sa mga tricycle drivers dyan? Naku naman, kung totoo man ‘yan, bakit pamasid-masid pa s’ya diba. Di naman masama magkalablayp eh. Pangiti-ngiti pa ako nang biglang sumigaw si Buding. Ma, sabi n’ya sabay turo sa katabi n’yang lalake. Sino po s’ya? Nung tiningnan ko, nagulat ako. Kumabog ang dibdib ko at nanlamig yung mga palad ko. Antagal ko nang hindi nakita itong si Conrado. Nak, kako, s’ya ang papa mo. Pinakilala ko na kahit masama talaga sa loob kong gawin ‘yun dahil wala naman s’yang nacontribute sa buhay ni Buding kundi yung sperm cell n’ya.

Musta na Mertz?

Aba ang kapal ng mukhang tawagin ako sa nickname ko nung high school.

Anong ginagawa mo dito? tanong ko sa kan’ya. Tumakbo sa’kin si Buding at tumayo lang sa tabi ko. Nakatingin lang din kay Conrado.

Ah, napadaan lang kasi namalengke yung asawa ko eh. Sige ha.  At umalis na s’ya.

Ang tindi talaga nito. Umasa pa man din ako na baka gusto  n’ya rin kaming kamustahin man lang o kahit si Buding man lang pero kahit magpanggap na concerned s’ya eh hindi man lang nagawa.

Kinabukasan naghatid na naman ng pananghalian itong si Betcha at sa isip-isip ko, akalain mo ha tumama s’ya na babalik itong si Conrado ha. Pero baka nagkataon lang. Nakakainis lang dahil kahit ayokong maniwala sa mga sinabi n’yang nakaguhit sa palad ko kahapon ay hindi ko mapigilang isipin kung sino kaya ang nagmamasid-masid d’yan. Baka kasi nasa harap ko na ay hindi ko pa makita. Anu ba ‘yan, para naman ako nitong high school na kinikilig na hindi mawari.

Bigla ko tuloy naalala ang nakaraan namin ni Conrado. Nung masaya kaming umiinom ng palamig habang nakaupo sa bangko dun sa ilalim ng puno ng santol sa gilid ng school, pag hinahatid n’ya ko pauwi, pag dinadala n’ya yung gitara at kinakantahan n’ya ko habang nakatambay kami sa labas ng tindahan ni Ka Susan, hanggang sa mabuntis ako at bigla n’ya akong pinagtaguan at kung paano ako pinagtabuyan ng nanay n’ya. Biglang kumulo yung dugo ko nung maalala ko. Kahit pala limang taon na ang nakalipas eh masakit pa rin pag naalala ko ang nangyari sa akin, hindi pa rin nawawala yung sakit, para bang peklat sa tuhod, na kahit pahiran mo ng pahiran ng cebo de macho eh hindi matanggal-tanggal. Ganun ang alaala ni Conrado eh. Parang pangit na peklat ko sa tuhod.

Ma, tawag ni Buding. Pagtingin ko ay may nginunguso. Ayun s’ya. Sabi ko, sino? Wala na, sabi n’ya. Umalis na.

Kahit antok na antok ulit ako matapos ang pananghalian ay pilit kong binubuksan ang mata ko. Baka mamaya dumaan nga yung nagmamasid-masid na yun nakakahiya kung makikita n’ya akong tutulog-tulog dito at nakanganga pa. Kaya para mawala yung antok ko, nagpunta na lang ako sa fitting room at tiningnan ang sarili sa salamin. Nagpulbo ako dahil ang mantika na ng mukha ko sa init at bahagyang dinagdagan ko ng baby oil yung buhok ko para hindi magulo.

Ma, tawag ni Buding. Pagtingin ko ay may nginunguso s’ya. Ayun s’ya. Tapos nakita ko si Conrado na papalapit.

Mertz, pwede ba tayo mag-usap saglit? Kumabog ang dibdib ko ‘no at nanlamig yung kamay ko pero hindi ako nagpahalata na kinakabahan kaya tinaasan ko s’ya ng kilay at inirapan. Nak, dun ka muna saglit kay Ate Sione mo. At tumakbo na si Buding. Ano ba ‘yun? tanong ko sa kanya.

Alam kong malaki atraso ko sa’yo at alam kong nakakahiya itong ginagawa ko, sa isip-isip ko, malaki talaga ang atraso mo at buti alam mo kaya kahit maglumuhod ka d’yan ay hindi na kami babalik sa’yo at tinitingnan ko s’ya ng tuwid, napapayuko ang mokong at di makatingin ng diretso, sabay sabing, Mertz, baka pwedeng makahiram ng two hundred. Walang-wala na ako eh.

Tumawa ako ng malakas sa sinabi n’ya sabay kinuha ko yung bakal na pansungkit ng mga damit.

***

Inspirasyon nito ang isa sa mga napakinggan kong sawing kwento sa makabagong Love Notes ni Joe D’ Mango 😀

***

Palengke Chronicles 1 : Bokya

Palengke Chronicles 2 : Rebond

Palengke Chronicles 3 : Slimming Tea

Palengke Chronicles 4: Ekonomiya

 

43 thoughts on “Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad

          1. Hahahaha, no pressure naman e. Pasensya na. Nagloloko yung WP ko kanina. Nadelete yung comment mo dun sa post ko.

            Yung reply ko sana dun e, “Bat ka naman napapangiti, ang corny nga e hahaha. Gusto mo padalhan kita jan… Ng petchay?” ayunnnn XD

            Liked by 1 person

          2. ang weird nga ng WP, nagcomment ulit ako don oh wala na naman. anyway, kako ok lang naman sakin ang Australian Petchay ha ha ha…at napapangiti ako dahil naiimagine kong kinikilig yung nagkukwento ha ha ha

            Like

      1. Hindi ko talaga alam kung bakit. Hehe! Pero the mere fact na nakita ko sa WP Reader ang posts mo kagabi that means WP friend tayo. Pero nakalagay kasi hindi pa kita pina-follow. haha Anyway, musta? hehe

        Liked by 1 person

          1. anu ba yan. bakit ganyan ang daming nagtatapon sakin ng mga ideya na dapat pagdebatehan

            1. Boys vs Girls
            2. Math vs Love
            3. San mas makabuluhan ang pagsisisi, sa simula o sa huli?

            at bakit sakin nyo binabato ang mga ideyang ito

            Liked by 1 person

          2. Tapos sasabihin sa amin.. “bahala kayo”.. tapos kapag sineryoso namin na “bahala” talaga kami.. sa dulo, magagalit pa din sa amin. haha #AngAlamatNgBabae

            Like

  1. ang galing, ang galing!!! Parang nanonood ako ng scene sa movie or kung saan man… ramdam ang bawat eksena… Para akong kinikiliti nung binabasa ko eh… may tawa tapos kilig.. “Mertz” haha the best tong si aling Mertha 🙂
    Nakakatuwa din kung pano mo inilarawan si Conrado: ” peklat sa tuhod, na kahit pahiran mo ng pahiran ng cebo de macho eh hindi matanggal-tanggal” hahahaha Peklat na nanghihiram ng 2 hundred!!! Iba tong si Conrado.. The best to Ays!! Lurrrrve it, mwahhh!! ituloy mo to ah, gusto ko din malaman kung sino yung umaaligid aligid kay aling Mertz!!

    Like

    1. wuhahahahaha….alam mo ba Conrado yung name ng crush ko nung high school na hindi ako pinapansin kaya hayan naging peklat tuloy sya na nanghihiram ng 200. ah ah ha

      At si Aling Mertha hindi ko maisipan ng cute na highschool name hahahah

      at hindi ko pa alam kung sino yung aaligid aligid na yon..ha ha ano ba tong series ko, walang ka plano plano…kung ano na lang LOL…

      Liked by 1 person

      1. Ahahaha may totoong Conrado pala 😁 Galing nung banat mo sa ending, tawa ko ng tawa, pahiram ng two hundred hahaha! Pero totoo may mga ganyang tao, sumusulpot pag wala silang pera… Naisalarawan mo yung taong wala talagang hiya… The best tong episode na to Ays, Ays soup baby! 😊

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha. dito ako maghihiganti sa mga HighSchool crush na hindi namamansin LOL

          well, sa totoong buhay meron talagang ganyan at sa tunay na buhay ay hindi sila nakakatawa ha ha masarap sila hampasin ng bakal hihihihihi

          salamats 😀

          Liked by 1 person

  2. “Naku naman, kung totoo man ‘yan, bakit pamasid-masid pa s’ya diba. Di naman masama magkalablayp eh.”

    Win na win talaga tong si Aling Mertz! Hahahaha! Ang galing na parang naririnig ko rin yung paghalakhak niya nung umutang ng 200 yung loko-lokong tatay ni Buding haha! At siyempre tumawa rin ako ng tumawa, keri na magmukhang tanga! Hahaha!

    Liked by 1 person

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s