Free from Sugar

Pinakanagustuhan ko sa dating bandang Sugarfree ay yung mga simpleng lyrics nila pero tagos sa puso nung nakikinig.

Itong dalawang kanta nila ay akma sa panahon.  Sabi ko hindi na’ko magdadrama eh pero heto na naman ako. 😀

Anyway, itong kantang Tulog Na ay parang lullaby talaga sa’kin lalo pa pag pinapanood ko yung video na mga nakapajama pa sila. Pag pinapakinggan ko ‘to kahit na noon pag pinapatugtog to sa mga patok na jeep na sinasakyan ko nung college pag pauwi na’ko galing Cubao, para ba akong narerelaks at hinehele ng lyrics at para bang nawawala ang aking mga alalahanin, assignment man ito o pamasahe 😀  Pag pinapakinggan ko ito, para bang somewhere, sa kalawakan may nakatingin sa’kin at nagbabantay at nagsasabing wag ka mag-alala, andito lang ako.

Tulog na mahal ko
Nandito lang akong bahala sa iyo
Sige na, tulog na muna
Tulog na mahal ko
At baka bukas ngingiti ka sa wakas
At sabay natin haharapin ang mundo

video: polyeastrecords

 

Eto namang Cuida, ansarap kantahin para sa mga mahal  sa buhay. Yung habang tinitingnan ko sila naiisip ko na gusto ko silang protektahan laban sa masasamang elemento ng kalawakan, gusto ko lang silang maging masaya at akuin lahat ng problema nila. In short, gusto  kong maging bayani. Oo, minsan feeling ko ako si Darna, kahit hindi ako kasing seksi ni Darna 😀

 

Kung pag-aari ko lang ang lumbay
Itatago ko siya habang buhay
Wala nang inggit, wala nang galit
Paliligayahin kita bawat saglit

Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo

 

video: luhonzapiel

 

Yun lungs. Good vibes 😀

8 responses to “Free from Sugar”

  1. that’s true! sobrang babaw ng mga ginamit na salita pero ang lalim at tagos sa puso ang hatid na mensahe. LOL tagalog talaga haha. nadala ko eh.

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha. ok lang ‘yan at salamat sa pagdaan 😀

      Liked by 1 person

  2. Ebeeeeeee. Probably the most tortured soul I have ever heard sing live.

    It’s like I want to grab him and scream who hurt you? WHO HURT YOU!?!?

    Like

    1. ha ha ha. sakto yang term mo – most tortured soul…oo nga no ha ha

      Liked by 1 person

  3. I notice most Philippines songs are funereal.

    Liked by 1 person

  4. Thanks for this article.

    Liked by 1 person

  5. one of my favorite pinoy band

    Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: