Ilang gabi mo na akong hindi pinapatulog
Ilang buwan na ang kumapat, kumalahati, bumilog
Ilang paghilata at pagpapaikot-ikot sa kama
Ilang pagpipilit na ipikit ang mata
Katawang marupok na lang ang bumibigay
Kung bakit sa gabi kaya pang mahimlay
Sa bawat pagpikit ang tanging hinihiling
Sana bukas ay maging ayus na
Sana bukas ayus na

Â
I’d love to hear from you!