Out of curiosity, naisip kong i-search sa fb ang term na aysabaw, wala lang. May isang tao sa facebook na nag-ngangalang aysa baw pero hindi ako iyon. Kasi yung tunay at napakaganda kong pangalan ang pangalang gamit ko sa fb dahil muntik na akong itatwa ng mga friends ko nung aysabaw ang name ko sa fb. (sa twitter pala merong ibang aysabaw pero hindi ako ‘yon ha ha ~kala ko ako lang ang namumukod tanging aysabaw sa mundo pero hindi pala huhu).
So lumabas yung mga mentions ng ibang bloggers sa fb page nila. Tapos may mga nagshare din nung most read article ko tungkol sa HRM tapos meron ding nagshare sa fb ng post kong OFW Po, Hindi Bangko Sentral. Itong post ko tungkol sa OFW, naka copy paste sa status ng isang facebook page though may nakasulat na credits – aysabaw pero walang link back which is ok lang naman. At least may credits and at least na-share yung post ko. Akalain mo yun?
Kaso nalungkot ako dun sa comment dun sa post na iyon. Di ko alam kung hindi ko naipaliwanag ng maayos ang punto ko o mahirap intindihin ang sinulat ko pero anyway luma naman na din yung comment eh so carry lang. Bahala s’ya, andami n’yang sinabi LOL.
Minsan talaga iniisip ko kung malabo ba talaga ako magsulat. May mga posts kasi ako na iba yung meaning sa isip ko habang sinusulat ko tapos may magcocomment na iba dun sa idea ko. Kala ko hindi lang naintindihan nung nagcomment yung sinulat ko ang masaklap eh meron pang ibang sususog dun sa comment. So naisip ko, parehas ang pagkaintindi nila. Ako ba yung hindi nakaintindi sa sinulat ko? Naguluhan tuloy ako.
Time and again sinasabi kong blogger lang ako at hindi writer. Sa’kin kasi, nageexist ako sa blogosphere kaya natawag ko ang sarili kong blogger pero di naman ako kahusayan sa pagsusulat. At hanggang ngayon ay inggit na inggit pa rin ako sa mga posts ng mga mahuhusay na writers + bloggers dito, pero inggit na in a good way ha. Andami kong hinahangaan dito lalo na yung mga bata pa eh mahusay na magsulat.
Hindi ko nga alam kung bakit may nagtyatyagang magbasa ng mga pinopost ko. Di ko nga din minsan alam kung bakit ko pa pinopost. Pero lubos akong nagpapasalamat sa mga nagtyatyaga.
So iyon, dahil ang arte ko at andami kong kadramahan sa buhay, magsha-shout-out na lang ako sa mga bloggers na nagkamaling maligaw sa blog ko recently at yung mga madalas kong makakulitan dito sa WP saka yung mga bloggers na namimiss ko na.
Mga Badass Writers (opinion ko lang naman)
A Pinch of Chaos A Dash of Afro
Mga Gals
Wannie ng Sparks and Sound pero WaxyWax ang tawag ko sa kanya. Pakinggan nyo rin yung cover niya ng All of Me oh…paborito ko…
Tin Magpayo – ImQuotingQuotations – gustong-gusto ko mga sinusulat nya
si Anje ng Punjetry ang nanay ni Alessandro
Diwata in Lalaland – mga tula nya pang Diwata Level
Madaming KaArkihan sa Ecspressionism
Fate na may dotcom na! Congrats!
Kat – Katblogs
Jillian – parehas naming kelangan magparebond
SushiPrincess – na marunong pala mag German. Wie Geht’s Fraulein?
Nicole of ColdChickenSoup
Miss Gelay na tambay sa SM sa Bicol – oragon ka ne! 😛
Michaela – diwata ng mga kabundukan at kagubatan…joke lang ha hehehe
The Odd One Out – congrats magiging mommy na sya
Chia – Wanders of Chia – s’ya yung future fashion designer ko pag sumikat nako LOLs
SimplyGracelyn – dahil Feb, puro about pag-ibig ang post nya. So nagsuggest ako na next month, about Fire Prevention Month naman ang ipagpopost nya 😛
Memoirs of a Bakasyonista is SimplyGracelyn din ito
Shaira Mae and Angel – pag may nakita kayong mga masscomm students na pakalat-kalat sa WP, sila ang may pasimuno
Mga Guys
Kuya Keso ng Say Cheese – uiii may fb page na yan 😛
Sir O ng Photo ni Ompong na makulit na makulit hehe
Doc Eamer – ang doctor ng mga puso
Resident Patriot – ThePinoySite ~ salamat sa pagtyatyaga at pagtitiwala 😀
Inspirational
Mga nagkalat na Pinoy sa ibang bansa 😛
Anne Santos – Write them All – kanya daw si Lee Min Ho
DubaiExpatNurse – panalong panalo picture nyan sa site nya
Jai – kasama ko sa Jologs Bloggers Association :p
Branenosekai – dalawin natin s’ya sa Australia hihihi
Sony Fugaban – sabi nya mas masarap daw tumambay sa resto kapag mas mataas yung kisame
Pinoy Abroad – So?
Fresh from the Oven – sila po yung mga bago kong natagpuan dito
Mary – Bringing Out the Wonders of my Cerebrum
Just Lynne – ay kakulet din ng batang ito
Joanna – The Curious Bella
Iamyella – AnnyeongHaseo from Philippines to Korea daw
Utalap – isa syang matinding swimmer
Tagalog Dito – bawal ata mag English dito
Chasing Potatoes – ganda ng mga pictures n’ya
Glaiza Binayas ng Glimmer of Happiness – artistic sya
Mga Bloggers na namimiss ko na
Andami na pala! At the end of this exercise napagtanto ko na yung mga kakulangan ko bilang isang manunulat ay napunuan ng napakaraming bloggers na nakilala at nakakulitan ko. Malungkot ako sa simula ng pagsusulat ng post na ito pero ngayon ansaya ko na ha ha! Salamat sa inyo!
Yung mga hindi ko nabanggit wag magtampo. Yung iba kasi lulubog lilitaw…yung nilista ko lang ay yung mga sobrang dalas kong makakulitan dito….well yung iba di ko naman nakakakulitan kaso gustong-gusto kong basahin mga post nila he he…baka magustuhan nyo ding basahin yung mga pinaglalaban nila 😀
I’d love to hear from you!