Ang Palengke Chronicles, si Aling Mertha at ang limang taong gulang na anak nitong si Buding ay pawang mga kathang isip lamang.
***
Usong uso ‘tong rebond na ‘to no. Bukambibig ng lahat ng tindera dito sa palengke. Nung isang gabi ba naman lumapit sa akin si Buding at nagtanong. Ika n’ya eh, Mama pwede ba ako magparebond? Aba kako eh, anak maliit ka pa hindi pa pwede. Mga dalaga lang ang nagpaparebond. Sabay humabol pa ng tanong na, eh mama ikaw po ba nagpaparebond? Sabi ko eh, naku anak hindi, bakit naman? Kasagot-sagot ba naman eh, edi ma hindi ka maganda? Kasi sabi ni Ate Sione kelangan daw magparebond para gumanda. Naku po! Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Walang matinong natututunan ang anak ko sa mga tindera na ito. Mabuti pa ay ipasok ko na sa day care ito para di na pakalat-kalat dito sa palengke. Kung ano-anong nadadampot eh.
Kako, ‘nak di naman lahat ng nagpaparebond gumaganda at marami namang hindi nagpaparebond pero maganda. Tulad mo, kahit di ka magparebond maganda ka na kasi anak kita. At dahil maganda ka at nagmana ka sa akin edi maganda rin ako diba? Aba at itong pilya kong anak ay natawa pa sa sinabi ko. Kako, ‘wag ka ng patawa-tawa diyan, ubusin mo na ‘yang pagkain mo para makapag-urong nako ng pinggan at makatulog na tayo. Pagkatalikod ko kay Buding dumiretso ako sa salamin para tingnan yung mukha ko. Siyempre hindi ko naman pinagdududahan yung kagandahan ko ‘no, tinitingnan ko lang kung kelangan ko din kayang magparebond. Medyo kelangan nga ata kasi kinky yung buhok ko. Pag nagparebond ako ay mababawasan ang dami ng baby oil na ginagamit ko para sa pag-aayos ng buhok ko.
Kinabukasan hindi pa rin matigil ang usap-usapan sa palengke tungkol sa rebond na ‘yan kaya’t pinakinggan ko kung saan ba sila nagpaparebond. Dun sa KPOPs Beauty Salon, rinig ko kay Sione. Dun pala siya nagparebond. Inisip kong silipin ang KPOPs na’to. Pwede kong isara ng mas maaga-aga ‘tong tindahan. Di magagalit si Ate Beth kasi nakaboundary na ako.
Naglakad na kami ni Buding papunta dun sa KPOPs Beauty Salon nung nagtanong siya, ma saan tayo pupunta? Aba ang talino talaga ng anak ko. Hindi maloloko. Alam niyang hindi ‘yon ang daan pauwi. Nakakaproud talaga. Siyempre ayoko mapahiya sa anak ko kaya hindi ko sasabihing magpaparebond ako, kako ‘nak diba paborito mo yung banana cue ni Mang Obet? Bibilhan kita bago tayo umuwi kaya dito tayo dadaan. Natuwa si Buding kaya sabi n’ya yehey! Tapos bigla siyang kumanta ng Naniniwala na ako sa forever, magmula nung makilala kita. Aba nakakaproud talaga ang anak ko. Natutong kumanta kahit di ko tinuruan kahit pa paulit-ulit na iyon lang yung lyrics n’ya hanggang makarating kami sa KPOPs Beauty Salon. Kako, ‘nak saglit may dadaanan lang ako bago tayo bumili ng banana cue. Tumingin lang siya sa’kin habang kumakanta pa rin ng Naniniwala na ako sa forever.
Sa labas pa lang ng salon eh KPOP na talaga yung dating. Madaming poster ni Lee Min Ho ang nakadikit sa pintuan nila. Baka Korean style talaga ang salon na ito, tapos sa baba ng poster ni Lee Min Ho nandun naman yung poster ni Kim Chiu. Korean din ba yun?
Pumasok na nga ako sa KPOPs Beauty Salon at sinalubong ako ng babaeng mukhang Koreana. Natakot ako kasi di ako magaling magEnglish at mas lalong di ako marunong magKorean, pa’no ko kakausapin to?
Ate paparebond ka ba? Tanong n’ya sakin kaya nakalma ako ng konti at nagtaTagalog pala. Kako, oo sana pero magkano ba iyon? Sabi n’ya, 999 pesos lang po kasama na yung gamot tapos yung banlaw after 3 days tapos yung cellophane para mas maganda ang labas ng pagkakarebond. Mura na ho iyon kasi sinama na namin sa package yung cellophane di tulad sa iba na bukod pa ang bayad do’n. Maganda ‘yon para di mag-dry ang buhok after ng rebond.
Tapos hinawakan niya yung buhok ko at tinanong ako, Ate, virgin pa ba ‘yang buhok mo? Ay kako bastos ‘to ah. Pano nagiging hindi virgin ang buhok? Kako eh, ha? Di ko alam, sabay ismid. Hinimas-himas niya pa yung buhok ko tapos niyakad niya na ako sa upuan sa harap ng salamin at nilagyan ng tuwalya sa balikat at binigyan ng magazine. Ate titimplahin ko lang yung gamot magbasa ka muna ng magazine. Binuksan ko nga naman yung magazine ano at tinitingnan ko yung picture ni Kim Chiu sa magazine, kako kahit magparebond ako parang di naman ako hahawig kahit kaunti kay Kim kasi payat siya at ako bilugan. Tapos parang bigla akong nahimasmasan. Teka. Aba eh hindi pa nga ako pumayag na magparebond ah, nagtatanong pa lang ako ng presyo. Bakit pinaupo na niya ko dito? Aba teka nga. Nilalanse n’yo ko ha. Di niyo ko mapipilit. Luminga-linga ako. Busy lahat ng parlorista sa pagpaplantsa at pagboblower ng buhok ng mga kostumer na hindi ko alam kung virgin pa ba o hindi na (yung buhok man o yung kostumer, nakakalito). Nung makasiguro akong walang nakatingin sa’kin, tinanggal ko ang tuwalya sa balikat ko at nagmadali akong tumayo. Hinatak ko palabas ng KPOPs na ‘yan si Buding.
Aba ang mahal pala ng rebond na ‘yan susme! Tatlong libo na nga lang sweldo ko kada buwan eh bakit pa ako gagastos sa rebond na ‘yan. Naku po. Ipangkakain na lang namin ni Buding ko ang 999 pesos at bibili na lang ako ng ilang botelya ng baby oil. Di bale na maging kinky forever. Pinanganak akong kinky, mamamatay akong kinky. Kako, te’na Buding at makabili na ng banana cue.
Tiningnan niya lang ako. Ngumiti s’ya habang kumakanta pa rin ng Naniniwala na ako sa forever.
***
***
Naniniwala na ako sa Forever
Magmula nung makilala kita
Lyrics from Bahala Na by James Reid and Nadine Lustre
***
inspirasyon pa rin dito ang buhok kong hindi maiparebond
36 responses to “Palengke Chronicles 2: Rebond”
May virgin bang buhok? And bakit nauso ang rebond? Gumaganda ba ang babae pag nagparebond? Glue ba or epoxy or rugby ginagamit sa rebond? Bakit ba ang dami kong tanong? Ang kulit ni Ompong! Hehehe!
LikeLiked by 1 person
Meron pong virgin na buhok haha…yung di pa nakakatikim ng gamot ng rebond or kulay or whatevs….nauso ang rebond dahil gusto ng mga kulot maging straight hahahaha….gumaganda po yu g ibang babae pero yung iba nagmumukhang Dora…hindi po epoxy at hindi rin rugby hahahahahha
LikeLiked by 1 person
Hahaha!
LikeLiked by 1 person
Oh, wait, sister, there are now Korean beauty parlors in the Philippines ?
LikeLiked by 1 person
Ha ha ha….I think there are quite a few…pero usually diba these salons will use popular names and put up posters of artists…dito kasi merong Meteor Garden, Chinese Salon…so I thought of changing it to Korean sa story ko ha ha ha
LikeLike
You’re story is full of humor. Parang ung BATIKAN lang na binabasa ko nung High School sa Filipino subject nmin noon.
LikeLike
he he salamat….ano yang Batikan?
LikeLike
Para syang module per grading period sa Filipino subject. Its full of stories, then my questionnaire to test the comprehension of the students. NBot sure kung naabutan nyo yun. But that was 8-10 years ago when I was in HS.
LikeLike
ayyyyy…may mga modules din kami non na ganyan pero sa Science lang kaya pulpol ako sa reading comprehension kasi wala kaming ganyang enhancer ha ha ha
LikeLiked by 1 person
Hindi ako nahintong magbasa! Nako forever fan mo na ako! Hahaha. Ang galing! 1st college ako nung pina-rebond ko yung buhok ko, HAHAHA. Pero nakakapagod kasi pag nakapag rebond kana, dapat every 6-1yr pa rebond ulit, kasi kong hindi, magmumukhang walis yung buhok ko. Kaya nung na pagod nako, pina boycut ko. Tapos eto, virgin ulit yung buhok ko. HAHAHAHAHAA :))
LikeLiked by 1 person
Wahahaha…ui salamat sa pagbabasa sa pinaarteng paraan ng pagrarant ko sa buhok na hindi napaparebond. Parehas pala tayo na nagiging walis ang buhok pag walang rebond lol. At tama ka na every 6months dapat iparebond ulit. Napaka excruciating pati ng proseso…isipin mo nasa salon ka ng almost 8hrs…tinotorture ever yung anit mo diba? #tiisganda
But wait, nagiging virgin ulit ang buhok na hindi na virgin? Bwahahahahh
LikeLike
Si lee min hoo lang sa akin ha 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahaha….sya lang naisip ko while sinusulat yan….pero mas type ko si Jang Geun Suk….saka si Lee Bang Ji (6flying dragons)
LikeLiked by 1 person
Wala pang drama si Jang may pinagdadaanan ata 🙂
LikeLiked by 1 person
Wala ba sa army haha
LikeLike
Wala. Hahha
LikeLiked by 1 person
Natawa ako ng malakas dun sa parte na “tumakas’ ka’s nahimasmasan sa presyo.
Entertainment with sense talaga ang mga kuwento mo, Aysa!
LikeLiked by 1 person
Ha ha ha. Yung totoo natatawa din ako habang sinusulat yan hahaha…salamats ng madami sa pagbabasa
LikeLike
Agree ako diyan. Ang asawa ko din ay kulot na kulot at ayaw kong magpa-rebond siya. Problema wala akong magawa kasi feeling niya bagay sa kanya ang unat…Hirap intindihin kung minsan…
LikeLiked by 1 person
Hahahahah….pano naman po…ang hirap ayusin ng kulot. Andami talagang baby oil na nasasayang hahaha
Baka naman bagay talaga sa kanya yung unat hihihi
LikeLike
Mas sexy sa akin kulot. Ganon na lang. hehe
LikeLiked by 1 person
Yun oh. Hahaha
LikeLike
[…] Palengke Chronicles 2 : Rebond […]
LikeLike
Hahaha! Eto si Aling Sione nag parebond lang sikat na at nagong endorser pa ng KPOPs. Dahil malapit na ang merienda time dito parang gusto ko tuloy ng banana cue ni Mang Obet. Nakakatawa to! 🙂 Galing.
LikeLiked by 1 person
Ha ha ha pauso lagi tong si Sione haha. Anu ba yan namiss ko din tuloy ang banana cue hehe…salamats sa pagbabasa kahit mahaba hehe
LikeLiked by 1 person
[…] Palengke Chronicles 2 : Rebond […]
LikeLike
[…] Palengke Chronicles 2 : Rebond […]
LikeLike
[…] Palengke Chronicles 2 : Rebond […]
LikeLike
[…] Palengke Chronicles 2 : Rebond […]
LikeLike
Gusto ko yung mag-uuron siya, yon din kasi ang term sa bahay namin haha!
Aba, nagparebond ako dati, hindi naman lumevel up ang ganda ko. Baka masyado na lang akong maganda hahaha charot.Hindi nakakaganda ang pagrerebond Buding! Niloloko ka lang ng mga salon hahaha!
LikeLiked by 1 person
Hay salamat. Hindi na ko weird…alam mo din pala ang term na mag-uurong haha
Hahaha…ako din suki ng rebond pero ala namang level up na nangyari
LikeLike
Diba? Scam Lang e! Nasira pa ang hair ko hahah! So ngayon on th way to virginity na ulit ang buhok ko hahahah!
LikeLiked by 1 person
Wahahahhahahaha yun ang mahalaga. Maging virgin uli yung buhok
LikeLiked by 1 person
[…] Palengke Chronicles 2 : Rebond […]
LikeLike
Hindi na virgin buhok ko. hahahah
LikeLiked by 1 person
Ako din eh wahahahaha
LikeLiked by 1 person