Palengke Chronicles 1: Bokya

Ang Palengke Chronicles, si Aling Mertha at ang limang taong gulang na anak nitong si Buding ay pawang mga kathang isip lamang.

***

Hapon na ay wala pa akong benta kundi tatlong puting bimpo. Mas mahal pa ang tanghalian namin ni Buding kesa sa benta ko. Ano ba ipapasweldo sa’kin ni Ate Beth nito? Puro naman pangregalo sa balentayms o kaya damit na pandeyt ang hinahanap ng mga mamimili. To naman kasing bossing ko. Napaka outdated. Kung kelan balentayms, saka naman puro uniform ang mga pinamiling stock. Paano kami mabebentahan? Di man lang bumili ng kung ano yung napapanahon. Kahit man lang pulang tshirt o kaya mga kopol’s shirt o kaya pulang bimpo o panyo. Kahit ano basta pula pwede na sa balentayms. Palibhasa matandang dalaga kaya bitter. Ayaw maki-balentayms. Tapos ako sisisihin kapag walang benta yung tindahan.

Ito namang mga tindera nila Tiya Diding at Aling Ellen parang nananadya din. Bakit kailangang magpulang blouse lahat? Uniform? Alam ko namang may kadeyt silang lahat mamaya pero kailangan pa nilang ipamukha sa’kin? Kay aarte nitong mga ito eh sa Ferdie’s Panciteria lang naman lahat pupunta mamaya. Group date lang?

Ito naman ding si Chinnie pinangangalandakan pa yung binigay sa kaniyang rosas at chocolate ni Kagawad. Hmp! If I know, nangotong pa iyan sa mga tricycle drayber kaninang umaga may maipambili lang ng Ferrero. May Ferrero lang kala mo na kung sino tong babaeng ‘to. Feeling!

Ito namang si Boy na gwapong-gwapo sa sarili. Nakataas pa yung buhok na akala mo si Goku. Kanina pa sumasabit sa paninda ko yung sako-sako ng feeds na pinapasan sa balikat. Mamaya niyan mangamoy feeds yung paninda ko eh di lalo na akong hindi mabibilhan? Di ko kasi mawari eh kung bakit dito dumadaan sa kasikip-sikip na daan makapagpapogi lang kay Sione. Kala naman nila di ko napapansin yung pagkikindatan nila. Susme! Ako pa ba? Ako pa ba?

Hay nako. Palalakihin ko nga ng tama itong si Buding ko para di matulad dito sa mga tinderang ito na walang inatupag kundi pagpapacute. At para din hindi matulad sakin na dati rin ay walang inatupag kundi magpacute kaya hayan, single mom na nga, wala pang kabalentayms.

Pero ano ba? Hapon na. Dumidilim na ay wala pa akong benta kundi tatlong puting bimpo. Bokya na nga ang balentayms ko, bokya pa din ba ang kita ko?

19 responses to “Palengke Chronicles 1: Bokya”

  1. Oy,sis, what’s bimpo?

    Liked by 1 person

    1. Hahaha face towel….. 😀

      Like

  2. Hahaha! Ang galing mong kumatha… Pwede kang writer! A thousand likes!

    Liked by 1 person

    1. Wahahahah. Salamat po Sir O….

      Liked by 1 person

  3. Galing naman

    Liked by 1 person

    1. Haha salamat 😀

      Like

  4. […] Palengke Chronicles 1 : Bokya […]

    Like

  5. […] Palengke Chronicles 1 : Bokya […]

    Like

  6. […] Palengke Chronicles 1 : Bokya […]

    Like

  7. Hahaha! Hello, magsisimula pa lang ako sa Palengke Chronicles mo. Mukhang interesante e. Naku ah, ang observant ni Ate hahaha!

    Liked by 1 person

    1. Hahaha. Salamat…eto yung pinaka trial version ng series na ito 😀

      Like

      1. Ayos to! Inaabangan ko na ang pangwalong Palengke chronicle!

        Liked by 1 person

        1. Hahaha salamat Tala 🙂

          Like

  8. […] Palengke Chronicles 1 : Bokya […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: