Nagsasawa Ka Na Ba?

Minsan iniisip ko pa din, pano kaya kung naging DJ nga talaga ako? Kung naging DJ na lang ako at hindi naging isang hindi dakilang OFW? Kung sinunod ko ang sigaw ng puso ko kesa sigaw ng pangangailangan namin?

Maghapon lang siguro akong nagpaplay ng magagandang kanta, tinatawagan ng mga listeners para magrequest ng kanta. Nagkukwento tungkol sa mga musikero at mga kanta.

Kung naging DJ kaya ako Aysabaw pa din kaya ang pangalan ko? Baka hindi. Baka mas seksi o mas maangas na pangalan ang pipiliin ko. Baka Alex dahil yun ang palayaw ko nung highschool. Yun ang tawag sakin ng barkada eh, barkadang 8 pieces lang naman. Mas maangas yung Alex kesa sa Aysabaw.

Ano kaya? Ano kaya? Ano kaya?

Ewan ko. Ewan ko. Ewan ko.

Rubbish post.

Heto na nga lang ang kanta ni Eggboy ~ Nagsasawa Ka Na Ba

 

video: RA Rivera

32 responses to “Nagsasawa Ka Na Ba?”

  1. Ang lalim na hugot yan… Paano nga kaya kung dj ka? Siguro, sikat ka na… Siguro, di ka na magba-blog… Siguro di ka na namin makikilala dito… Ang daming “siguro” talaga sa Buhay! πŸ™‚

    Liked by 2 people

    1. ha ha ha. minsan po dinadalaw pa din ako ng mga WhatIfs na yan…baka kung naging DJ ako magboblog pa rin ako…pero hindi na as Aysabaw he he he

      Liked by 1 person

      1. AyDeejay na… Di ka na masabaw! Hahaha!

        Liked by 1 person

  2. Hello DJ Alex! Hello DJ Alex Sabaw! πŸ™‚

    Gusto ko yung mga kantang pinopost mo dito ah. Marami akong nadidiscover hihi. Nacucurious ako sa boses mo DJ Alex Sabaw

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha ha….uy salamat Tala Bells πŸ˜›

      ha ha ha nacucurious ka ba? ako din nacucurious LOL…

      Like

      1. Ay hahaha. Pa-sampol nga ng pang-radyo na tinig mo jan. Aabangan ko yan hehehe…

        Liked by 2 people

        1. ha ha ha sampol talaga?

          Like

          1. Bakit? Hindi mo pa rin naman naririnig diba? Para sabay natin mapakinggan hehehe

            Liked by 1 person

          2. ha ha ha pasaway kang bata ka…narinig ko na po…years ago…naka record sa isang demo tape na napadpad sa opisina ng RX. ha ha ha…ayoko na ata mag record ulit..nakakaiyak lungs πŸ˜›

            Like

          3. Buuuttttt whyyyy? Haha

            Liked by 1 person

          4. Hahahahaha. Wala nang pag asa eh

            Like

  3. Oo nga,subukan mo gumawa ng sampol. Ala-podcast ba. Ito, itong topic na ‘to… gawin mong podcast tapos upload mo rito haha

    Liked by 1 person

    1. Waaaah. Parang ayoko ata haha

      Like

      1. Hahaha, eh di pang-sa ‘yo lang muna. I-post mo na lang ‘pag pasado na sa standards mo :))

        Liked by 1 person

        1. Hahahahah….hanggang sulat na lang muna ako πŸ˜€
          Pero hindi nga masamang subukan ko lang din…pero di ko ipopost wahaha

          Liked by 1 person

          1. Oo, praktis ka na lang para sa sarili mo. Nakakaganda rin yata ng recorded voice ‘yan haha

            Liked by 1 person

  4. DJ Alex sabaw ng wordpress. πŸ™‚ Try mo kaya ipush para masagot mo yung siguro.. πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Ha ha ha….wag na lang siguro…baka mabawasan pa ang kakaunting nagbabasa ng blog ko pag ginawa ko pa yan lol

      Like

      1. Baka madagdagan kamo. hehehe

        Liked by 1 person

  5. Why not? πŸ™‚ Gawa ka na ng video blog! Dali! πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Video? ayoko nga mag post ng picture eh video pa? ha ha

      Liked by 1 person

      1. Video na nakatalikod. Haha! Kung gusto maraming paraan. LOL!

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha. wag na πŸ˜€

          Liked by 1 person

          1. video na mata mo lang ang kita? Basta walang sore eyes ha. haha

            Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: