Abalang-abala

 

Girl on swing
image: https://www.pinterest.com/thenora/tats/

 

Sapatos na di maisintas

Tsinelas na pudpod

Kabataang minadali

Baldeng hindi napuno

Atensyong hindi maibaling

Trapik na hindi umuusad

Bus na hindi dumarating

Labadang hindi nabanlawan

Damit na hindi naplantsa

Pagkaing di naubos

Kapeng lumamig

Biskwit na kumunat

Kaning napanis

Buhok na hindi maipa rebond

Trabahong di maubos

Ngiting hindi malubos

Tiyan na kumakalam

Uhaw na lalamunan

Tulog na hindi makumpleto

Kantang hindi natapos

Pagkakataong hindi nalubos

Maong na kumupas

Kamay na hindi maikumpas

Pag-ibig na lumampas

Buhay na lumipas

Hindi na maibalik ang oras

****

buhok kong hindi maiparebond ang nagsilbing inspirasyon sa post na ito

22 responses to “Abalang-abala”

  1. Leeg na may kulugo
    Pisnging tinagyawat
    Kilikiling may amoy
    Daliring may kulani
    Paang may alipunga
    Sa nagdaang araw na di naligo
    Ayan, naglabasan na lalo!
    Hehehe!

    Liked by 1 person

    1. I really like you Sir O ha ha ha ha…ibang klase 😛 ang husay 😀

      Liked by 1 person

      1. Hahaha! Nahawa lang ako sa sinulat mo… 🙂

        Liked by 1 person

        1. Ha ha ha……makulit din kayo eh

          Liked by 1 person

  2. Hopiang inamag,
    Sarsing espiritu’y nawala,
    Plastic balloon na tumigas,
    Hindi na rin maibabalik ng oras. 🙂

    Liked by 1 person

    1. isa ka pa Sir eh he he makulit ka din 😛
      Sarsi pa talaga? Meron pa ba non?

      salamat sa pagdaan 😀

      Like

  3. Nice! Ays, isesend ko to sa friend ko. Yung buhok nya na hindi nya maparebond yung problema nya haha. Preschool teacher sya sa int’l school sa indonesia.. Haha hindi daw uso dun ang rebond!

    Like

    1. ha ha ha ha….nako mas masaklap pala problema niya sakin…ako wala lang panahon magparebond pero may nagrerebond dito…yung hindi doon uso ang rebond…un ang nakakadepress ha ha ha

      Liked by 1 person

      1. Oo, umuuwi yun para sa chikahan at mag parebond lang haha… Nasend ko na sa email nya, bawal fb sa work eh…

        Like

        1. ha ha ha…salamat…eh malapit lang naman Indonesia sa atin ano? parang SG lang?

          Liked by 1 person

          1. Oo lapit lang, pero sa semarang sya (parang Cebu daw) so plane ride sya punta jakarta tapos jakarta-manila. Malapit pero yung pamasahe medyo mabigat din…

            Like

          2. ay ganon? oo mabigat nga pamasahe kasi dalawang sakay pa

            Like

  4. Wag ka na mag parebond nakaksama sa buhok lalo. Tamang brand ng shampoo lang yan. hehehe

    Liked by 1 person

    1. Nako Chia….walang pagasa to. Kelangan talaga irebond. Di kaya ng kahit shampoo ng tikbalang hahaha

      Like

      1. hahaha Grabe, ang lala nyan ah..

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha ha…totoo yan 😛

          Like

  5. ang lupet ng inspirasyon mo be.. CLAP CLAP.😂😁

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha yung isang post ko na Palengke Chronicles 2, same din ang inspiration :p

      Liked by 1 person

  6. Naks! Matalinhaga toh ah.

    Liked by 1 person

    1. Naghahalungkat? May hinahanap? :p

      Like

  7. matalinghaga pala. hehe!

    Liked by 1 person

    1. Nasobrahan nga sa talinghaga eh hahaha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: