
Sapatos na di maisintas
Tsinelas na pudpod
Kabataang minadali
Baldeng hindi napuno
Atensyong hindi maibaling
Trapik na hindi umuusad
Bus na hindi dumarating
Labadang hindi nabanlawan
Damit na hindi naplantsa
Pagkaing di naubos
Kapeng lumamig
Biskwit na kumunat
Kaning napanis
Buhok na hindi maipa rebond
Trabahong di maubos
Ngiting hindi malubos
Tiyan na kumakalam
Uhaw na lalamunan
Tulog na hindi makumpleto
Kantang hindi natapos
Pagkakataong hindi nalubos
Maong na kumupas
Kamay na hindi maikumpas
Pag-ibig na lumampas
Buhay na lumipas
Hindi na maibalik ang oras
****
buhok kong hindi maiparebond ang nagsilbing inspirasyon saΒ post na ito
Leeg na may kulugo
Pisnging tinagyawat
Kilikiling may amoy
Daliring may kulani
Paang may alipunga
Sa nagdaang araw na di naligo
Ayan, naglabasan na lalo!
Hehehe!
LikeLiked by 1 person
I really like you Sir O ha ha ha ha…ibang klase π ang husay π
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Nahawa lang ako sa sinulat mo… π
LikeLiked by 1 person
Ha ha ha……makulit din kayo eh
LikeLiked by 1 person
Hopiang inamag,
Sarsing espiritu’y nawala,
Plastic balloon na tumigas,
Hindi na rin maibabalik ng oras. π
LikeLiked by 1 person
isa ka pa Sir eh he he makulit ka din π
Sarsi pa talaga? Meron pa ba non?
salamat sa pagdaan π
LikeLike
Nice! Ays, isesend ko to sa friend ko. Yung buhok nya na hindi nya maparebond yung problema nya haha. Preschool teacher sya sa int’l school sa indonesia.. Haha hindi daw uso dun ang rebond!
LikeLike
ha ha ha ha….nako mas masaklap pala problema niya sakin…ako wala lang panahon magparebond pero may nagrerebond dito…yung hindi doon uso ang rebond…un ang nakakadepress ha ha ha
LikeLiked by 1 person
Oo, umuuwi yun para sa chikahan at mag parebond lang haha… Nasend ko na sa email nya, bawal fb sa work eh…
LikeLike
ha ha ha…salamat…eh malapit lang naman Indonesia sa atin ano? parang SG lang?
LikeLiked by 1 person
Oo lapit lang, pero sa semarang sya (parang Cebu daw) so plane ride sya punta jakarta tapos jakarta-manila. Malapit pero yung pamasahe medyo mabigat din…
LikeLike
ay ganon? oo mabigat nga pamasahe kasi dalawang sakay pa
LikeLike
Wag ka na mag parebond nakaksama sa buhok lalo. Tamang brand ng shampoo lang yan. hehehe
LikeLiked by 1 person
Nako Chia….walang pagasa to. Kelangan talaga irebond. Di kaya ng kahit shampoo ng tikbalang hahaha
LikeLike
hahaha Grabe, ang lala nyan ah..
LikeLiked by 1 person
ha ha ha ha…totoo yan π
LikeLike
ang lupet ng inspirasyon mo be.. CLAP CLAP.ππ
LikeLiked by 1 person
ha ha ha yung isang post ko na Palengke Chronicles 2, same din ang inspiration :p
LikeLiked by 1 person
Naks! Matalinhaga toh ah.
LikeLiked by 1 person
Naghahalungkat? May hinahanap? :p
LikeLike
matalinghaga pala. hehe!
LikeLiked by 1 person
Nasobrahan nga sa talinghaga eh hahaha
LikeLike