Pamatay na Lyrics

May mga awiting hindi ko nakakalimutan dahil sa taglay nitong kakaibang liriko. Ang mga awiting ibabahagi ko  ay maaaring narinig niyo na, maaaring hindi pa pero ibabahagi ko pa rin. Minsan hindi ko na din naiintindihan kung para kanino o para saan yung kanta pero pinapakinggan ko pa rin dahil naaliw ako sa lyrics.

Pamatay na Lyrics #1

Para sa mga lalakeng ayaw panindigan ang mga pinaggagagawa

Pano na Yan by Sunflower Daycamp

Anong nangyari sa nabili kong pregnancy kit
Jan sa kahera sa my Mercury?

Negative Whooah
Negative Whooah
Nega-negative

Ang saya-saya ha! Ang saya-saya ko talaga haahh!
Talaga ah!!!

video: Jan Jaim

 

Pamatay na Lyrics #2

Hindi ko alam kung mahilig din bang maluto sila Jay Contreras kaya’t gumawa ng kanta para sa pagluto ng Turon o ito lang ang paborito nilang meryenda kapag nagjajamming

Turon by Kamikazee

Kumuha ng saba
Balatan mo ng maige
Hiwain sa gitna
Sa pamamagitan ng kutsilyo
Ipatong sa pambalot
Ilagay sa bandang dulo

Huwag kalimutan ang langka
Irolyo ng maayos
Hanggang sa kabilang dulo
Ikaw na ang bahala kung nakabukas o selyado

Pakuluin mo ang mantika
Sa naglalagablab/ malalaim na kawali
Isunod mo ang asukal
Hintayin itong matunaw
Kapag itoy nagyari
Ilusong na ang saging
Haluin dahan dahan
Hanggang itoy maging medyo brown
Iahon mo na (yeah!) nasusunog!

lyrics: lyricsmode

video : grecko abesamis

 

Pamatay na Lyrics # 3

Pamatay na video na rin. Di ko ma gets kung bakit gusto ng Tanya Markova na mukha silang espasol sa mga video nila pero trip nila yan kaya wala akong pakialam.

Linda Blair by Tanya Markova

Teacher, teacher ako si Linda Blair
And the ghosts are everywhere I can feel it in the air
I can feel it in the air

video : MCA Music, Inc

 

Pamatay na Lyrics # 4

Well, lahat naman ng kanta ng Radioactive Sago Project ay may pamatay na lyrics pero ito ang napupusuan ko for now.

Mr. Pogi in Space by Radioactive Sago Project

Alam mo Mr pogi ang galing2x mo talaga.
Dapat kang gawing pambansang bayani

Dapat kang maging MVP.
Best Actor,
Speaker of the House,
President of the Republic,
Leader of the free world

video : Juan Dela Cruz

 

YUN LUNGS!

 

*featured image: http://www.starmometer.com

39 responses to “Pamatay na Lyrics”

  1. Ang weird ng mga lyrics. haha. Saan mo nman nahanap yang mga lyrics? haha

    Liked by 2 people

    1. ha ha ha. Pinapakinggan ko yang mga yan kasi weird din ako 😛

      Liked by 1 person

      1. Talaga. Bakit ganern? Never ko pang narining yang mga songs na yan. Why o why? 🙂

        Liked by 1 person

        1. Ha ha ha…normal ka kasi? Ako hindi? Hahahaha….

          Like

          1. Baka iba lang talaga ang trip mo pag dating sa song. hehe

            Liked by 1 person

          2. ha ha ha…pinaganda mo pa pagkakasabi hahaha 😛

            Liked by 1 person

  2. Lol … pamatay talaga ang mga lyrics na yan … ang alam ko lang diyan ay yong kay kamikazee …

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha at least hindi ako nagiisa. nakarinig ka na din ng kaweirdohan 😛

      Liked by 1 person

      1. Lol … sa tutuo lang sa anak ko ito unang narinig at sa tuwina lagi kaming nagtatawanan everytime he played this music, bukas sasabihin ko sa kanya ang iba pa…

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha…rakista ba anak mo? 😛

          nanay ko din nahawa samin nung lagi kami nagpapatugtog ng mga ganyan…pati nga sya nakikikanta na dati eh ha ha ha

          Liked by 1 person

          1. His only 10 pero masyado mag explore when it comes to music.

            Liked by 1 person

          2. Ha ha ha…ok yan 🙂 habang bata marami na matutunan

            Liked by 1 person

  3. Ooh thanks for sharing. Alam ko lang jan eh ung #3 and #4. Pero mas pamatay ubf lyrics ng “Alaala ni Batman” ng Radioactive Sago

    “Natulala ako nang una kong napanood si Batman. “Shit! Ang galing nito.” sabi ko sa sarili ko. “Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parang kinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib pero hindi pa rin bakat ang utong.”

    Like

    1. Hahahah Waxy…ikaw ang huling taong inaasahan kong makikinig ng ganto hahaha

      Liked by 1 person

      1. Bakit nman? Haha. Fan kaya ako ng OPM Rock. Pero wala na ko masyado alam ngaun since nawala ung radio station na NU 107. Eto pang isa. “Val Sotto” by Kiko Machine

        “Sa bigote pa lang pamatay
        Panalo idol ko, machong-macho
        Kapatid siya ni Tito at ni Vic
        Ngunit siya ang pinakagwapo, idol ko
        Si Val Sotto” maganda din tono nya. Youtube mu nlng. Haha.

        Liked by 1 person

        1. OMG Waxy ginugulat mo talaga ako hahahaha…di ko na nga naalala yang Val Sotto hahahah

          Liked by 1 person

  4. Ngayon ko din lang narinig ang mga OPMs na yan… Hehehe! Ang lupit, ika nga!

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha…Sir O, hindi ko po talaga iisiping may katiting na chance na napakinggan niyo na yang mga yan ha ha

      Liked by 1 person

      1. Hahaha! Ang alam ko, yung jeproks ni Mike hanopol and yung iskul bukol!

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha ha….pwede na 😛

          Liked by 1 person

    1. Sorry that was a mistake…

      Liked by 1 person

      1. no problem. thanks for the follow 🙂

        Liked by 1 person

  5. Thanks so much for following http://fonzandcancer.wordpress.com I really do appreciate it – Fonz

    Like

  6. hahaha ayos di ko alam ahat ng kanta… Natawa ako dun sa Turon -resipe na resipe lang ang dating. parang cooking show ng mga metal or rakista. Mas trip ko ata tugtugan ng Radioactive.

    Salamat sa pag-share!

    Liked by 1 person

    1. ha ha…ui salamat sa pagdalaw 😛

      tama ka…yung turon cooking show ng mga metal. bakit kaya wala pang nakakaisip talagang gumawa nyan he he he

      Like

  7. Haha hindi ko alam to, mr. Pogi in space haha

    Liked by 1 person

    1. wahahahaha….meron pa sila Astro Cigarette…..pamatay din lyrics

      Liked by 1 person

      1. yung astro cigarette kang alam ko haha hindi ba sila gumawa ng bagong mga kanta.. Yung banda kasi saten, parang may season lang, karamihan underground na. Nauso kasi yung mga cover songs eh

        Like

        1. ha ha ha aba at alam mo pala yun….di ko nga alam kung nagkaalbum pa sila…eh si Lourd de Veyra madalas ko na lang pinapanood sa Kontrabando at History with Lourd…di ko alam kung tumutugtog pa sila….

          oo naalala mo nung early 2000s? biglang sikat lahat ng banda tapos biglang parang nanahimik….at nanatiling underground

          Liked by 1 person

          1. Oo sabay sabay sila biglang sikat tas nawala din agad… Nauso naman acoustic:mymp, nyoy, nina tas puro cover songs naman.. Nahanap ko na yung little treasures mo sa soundcloud, salamat, yun ang favorite ko.

            Liked by 1 person

          2. ha ha ha. wag ka maingay ah…kahit nandyan yan di naman nakikita nung iba kaya yaan mo na LOL. pero sana no maka duet ko si Jet Pangan ha ha ha. asa.

            oo mas tumatagal yung mga nagaacoustic cover ngayon eh kaya yung mga kanta din aulit ulit na lang sa radyo

            Liked by 1 person

          3. Aha! Tinatago mo pala yun, hahaha ok quiet lang ako 😘

            Liked by 1 person

          4. ha ha ha well, nandyan siya diba pero di naman sobrang visible sa lahat unless may maghalungkat ha ha ha kaya finders keepers.

            makapal mukha ko pero nahihiya din naman ako dahil di naman kagandahan boses ko ha ah ha mahilig lang ako magrecord record kuno

            Liked by 1 person

          5. Ang galing mo kaya, plucking pa yung sa salamat. Hindi ko kaya yun, plucking tas kanta.. Hindi ko pa napapakinggan yung iba. Isasound trip ko ngayon sa work.. O sya, Salamat! Work mode muna 😘

            Liked by 1 person

          6. ha ha ha…sige salamats….kahit mali mali naman plucking ko ha ha sariling sikap version 😀

            sige laters ulet 😛

            Liked by 1 person

  8. goodvibes. tawa na lang ng tawa hanggang sa mapaisip ng iba pang mga kanta…😍😁😂

    Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: