Para sa hubby kong busy sa pagC-COC:
Hindi ko isinulat ito para magmukhang cheesy o para makisabay sa buwan ng pag-ibig. Isinulat ko ito dahil ito agad ang naisip ko pagkagising ko kaninang umaga. Pagkagising ko na mukha mo agad ang nakita ko. Mukha mong nasisinagan ng kaunting liwanag ng araw na tumatagos sa siwang ng bahagyang nakabukas na bintana. Nakapikit ka pa at himbing na himbing.
Nais kong magpasalamat dahil ikaw ang nakatuluyan ko. Nais kong magpasalamat sa lahat-lahat.
Salamat sa palagi mong pagluluto ng paborito kong seafood spaghetti at garlic bread at sa paggawa mo ng menu para sa tulad kong pihikan sa pagkain. Effort yun. Alam ko sumasakit ang ulo mo pag namimili ka sa supermarket. Nahihirapan ka hindi dahil sa wala kang mabili, kundi nahihirapan kang piliin kung ano lang ang mga kinakain ko.
Salamat din sa pagsasabing masarap ang mga niluluto ko kahit hindi naman talaga. Kahit toyo lang ang sarsa ng giniling na baboy na may patatas at carrots dahil nakalimutan kong bumili ng asin at paminta. Kahit bawang at sibuyas lang ang sahog ng hakka noodles ko. Kahit lasang kanin na lumubog sa tinola ang arroz caldo ko.
Salamat din sa pakikipag fliptop battle sa akin kahit alam mong walang laman ang mga bara ko at hindi ako marunong mag rebat.
Salamat din sa pakikinig sa mga kantang nirerecord ko na wala sa tono. Salamat sa pagsasabi mo na “oo maganda,” kahit alam kong sinasabi mo lang iyon para tantanan na kita dahil para akong langaw sa kulit.
Salamat din sa pagtitiwala na higit na higit pa sa sobra at sapat.
Higit sa lahat ay salamat sa pagdating sa buhay ko. Ilang taon akong nabuhay na magisa, malayo sa pamilya at mga kamaganak. Ang buong akala ko ay magaling na ako at mahusay sa buhay. Pero nung dumating ka, nalaman kong andami kong ginagawang mali na akala ko ay ok lang. Andami kong desisyong mali at andami ko pa sanang magiging pagkakamali kung wala ka.
Dalawang magkaibang indibidwal tayo na napakaraming pagkakaiba. Pero totoo nga na may taong nilalaan para sa atin upang punan ang ating kahinaan. Hindi natin kailangan ng kaparehas ng wavelength, ng estado sa buhay, ng kaalaman, ng taste sa music, ng trip sa buhay. Ang kailangan natin ay yung taong bubuo sa atin at kukumpleto sa ating mga pagkukulang.
Sinusulat ko ito, inuulit ko, hindi dahil sa buwan ng pagibig kundi dahil hindi ko ito masabi sa iyo pero ito ang nilalaman ng puso’t isip ko ngayon, sa panahon ding ito, sa pagkakataong ito na ayaw kong hindi maisulat dahil maya-maya lang ay makokonsumo naΒ ang isip ko ng kamunduhang mapagkonsumo ng buhay ng tao.
Sa pagkakataong ito ay hindi na para sabihin ko pa ang mga katagang mahal kita o mahalaga ka dahil alam mo naman na iyan. Sa pagkakataong ito, ang tanging sasabihin ko lang ay salamat.
Kung mababasa mo ito, wag mo kong pagtawanan.
*featured image:Β http://www.familypromiseofgreaterdenver.org
Baby nlang kulang π
LikeLiked by 2 people
Hahaha. Saka na po…. :p
LikeLiked by 1 person
Sobrang nakaka-diabetes yan… Hehehe!
LikeLiked by 1 person
Buti na lang wala pa kong diabetes hehehe
LikeLiked by 1 person
β€π
LikeLiked by 1 person
ikaw ba talaga to brad? hahahaha
LikeLiked by 1 person
Buset. Wag kang epal sa moment ko haha
LikeLiked by 1 person
Aysabaw: Papa nasa tono ba yung nirecord ko sa soundcloud?
Aysabaw’s Hubby: Oo Mama, maganda yung background music…
BWAHAHAHAHAHAHA! Peace tayo brad a π
LikeLike
buset bakit may dialogue na? ha ha ha ha
mali ka naman eh dapat ganito.
Aysabaw: Huy pakinggan mo! (niyuyugyog ang balikat ni hubby) Maganda ba? Nasa tono ba?
Aysabaw’s hubby: (Nagkakamot ng ulo at ayaw alisin ang pagkakatitig sa cellphone kaka COC) Oo, maganda nga. Wag ka na makulit ha ha ha.
Walang mama at papa na tawagan, “huy” lang ha ha ha. kala mo ah
LikeLiked by 1 person
susssssss, wala namang masamang umamin sa ka-corny-han paminsan-minsan a, hahahahha
LikeLiked by 1 person
ha ha ha wala ngang terms of endearment π igaya mo pa ko sayo. baka ikaw yan ang tawagan niyo π
LikeLiked by 1 person
ay inis na,,, hahahaha sige na nga wala na kung wala. hayaan mo nalang siyang mag-COC π
LikeLiked by 1 person
ha ha ha….di ako naiinis..kaw ata ang ayaw umamin π iniiba usapan ha ha ha ha
LikeLiked by 1 person
ayos… just resist the temptation to be bossy. π
LikeLiked by 1 person
Hahaha di po ata ako bossy
LikeLiked by 1 person
ok, keep resisting the temptation. π
LikeLiked by 1 person
Ito ang tunay na ikaw, Aysa: makulit na parang langaw sa galis pero kung magmahal ay napakatamis!
Kinilig ako dun ah…
LikeLiked by 1 person
ahahahaha. natawa ako sa langaw sa galis ha ha.
LikeLike
I thought parang may onti pang exaggeration dun sa linyang yun eh. I thought of something more decent. Ala he…Galis ang parang umaayon sa rhymes…haha
LikeLike
ha ha ha ha. ok lang yan ang kulet nga. di ko naisip agad yang galis. kesa naman langaw sa basura o langaw sa sugat ha ha
LikeLiked by 1 person
Awww.. Sobrang sweet π
LikeLiked by 1 person
ha ha ha. salamat po sa pagbabasa π
LikeLike
so sweet naman,,,me too coc adik hehehhe!!!
LikeLiked by 1 person
Hehe salamat po….naku naglalaro din pala kayo
LikeLike
Ang tamis parang asukal na pula. π Advance happy heart’s day sa inyo mag-asawa.
LikeLiked by 1 person
ha ha ha sukal na pula talaga? hindi puti? :p
Advance happy heart’s day din π
LikeLiked by 1 person
Ang keso!!! ay hindi ka pala mahilig sa keso! Hahaha pinabasa mo? Hihi
LikeLiked by 1 person
Syempre hindi ko pinabasa. Hahahahaha.
LikeLike
Waaahhh. After reading this po, parang biglang nag-iba bigla ang nasa isip ko. Patunay ito na masarap talagang magmahal. Awts. Okay, hindi na ako magiging bitter. Haha.
P.S.
Bakit ngayon ko lang ito nabasa?? Huhu. Osha, eto na naman po ako, nanggugulo sa mga old posts mo Ate Aysa. π
LikeLiked by 1 person
Wahahahahahaha
LikeLike