Buwan na ng mga puso at unti-unti nang naglalabasan ang mga post kung ano ang magandang iregalo sa kani-kaniyang kasintahan, saan maganda magpropose, saan maganda mag-date, saan maganda mag-group date at kung ano ang pinaglalaban ng mga ampalaya. Mga post kung gaano kasaya ang Balentayms noon at kung gaano ito kalungkot ngayon hetsetra hetsetera.
Hindi talaga ako mahilig magsulat ng tungkol sa pag-i-pag-ibig na iyan dahil hindi ako kumakain ng keso. Pero naisip ko lang, na bakit hindi ko subukan. Pero dahil ayoko ng matamis at mapait na kwento, katatakutan na lang ang sa’kin.
Kaya naman, heto ang mga kataga na nakakatakot marinig, balentayms man o hindi.

Pwede ba tayo mag-usap?
Dito sa tanong na ito madalas nagsisimula ang katapusan. Ito ang pinakanakakakabang tanong, lalo na kung ito ay manggagaling sa iyong kasintahan. Parang ito ang mga katagang nagiging hudyat para sa napakaraming rebelasyong paparating na minsan ay hihilingin mo na lang na sana ay hindi mo na nalaman pa. O kung wala namang napakaraming rebelasyon, maaari din itong mauwi sa isang maikli at malagim na – tapos na tayo.
Mahalaga ka.
Katagang napakasimple pero parang Trigonometry kahirap kompyutin. (Kung magaling ka sa Math at sisiw sa’yo ang Trigonometry, pwes, wag kang epal. Post ko ‘to.) Madalas sinasabi ito kapag hindi mo pa talaga nafifigure out kung mahal mo na talaga yung tao pero alam mong may nararamdaman ka na. Madalas din itong naririnig ng mali. Mahalaga ang pagkakarinig ng tenga pero Mahal ang pagkakarinig ng puso. Madalas dito nagsisimula ang Magulong Usapan na talagang Mahirap Unawain parang Mathematics Unlimited.
I Love You.
Ang napakagandang katagang ito ay isa sa mga pinakanakakatakot marinig nowadays.
Sabi nga sa kantang Chasing Cars ng Snow Patrol
Those three words
Are said too much
They’re not enough
Madalas na lang sinasabi ang I Love You out of necessity, out of curiosity or kung madalas itong ginagamit ay nagiging ordinary.
Out of necessity kapag kahit hindi mo na nararamdaman kung ano na ba talaga ang kahulugan ng sinasabi mo pero kailangan mo lang sabihin for the sake of everyone’s peace of mind. Minsan, para na lang walang away.
Out of curiousity ay para sa mga hitad na nantitrip lang at nagpapasakay lang ng tao. Para bang gusto lang nilang malaman kung ano yung feeling pag sinabi nila ito at ano ang reaksyon nung sinabihan nila nito.
Naging ordinary na dahil sa sobrang dami ng sinasabihan ng I Love You eh parang wala na lang sa kaniya. Para bang Hi or Hello na lang.
Hindi ko alam kung meron pa bang mas nakakatakot pa sa mga katagang iyan, baka may alam pa kayo.
Mag-iiwan na lang ako ng isang napakaganda at napakainosenteng love song para naman makabawi ako sa walang kalatoy-latoy na pre-balentayms post ko.
video: SnowPatrolVevo
I’d love to hear from you!