Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na paggising sa umaga
At pagpasok sa opisina
Para magpayaman ng iba
Nakakapagod na ang paulit-ulit na pagsusumamo
At paulit-ulit na pagsunod
Sa patakarang lagi lamang Β para sa kanila
At hindi para sa iyo
Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na pagkaubos ng oras
At mga sandali
Na lagi ay para sa kanila
At hindi para sa iyo
Nakakapagod na ang paulit-ulit
NaΒ pagkatuyo ng iyong utak
Para sa kapakanan nila
Nilang marami nang pera.
Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na iyong pagsasakripisyo
Para sa pagyaman nila
At sa kakarampot mong sweldo
Nakakapagod na ang paulit-ulit
NaΒ hindi pantay na pagikot
Ng mundo
Kung saan ang may pera ang laging nasa itaas
AtΒ ang mahihirap ay lalo pag dinadayukdok
Nakakapagod na ang paulit-ulit
NaΒ pagpaplantsa ng gusot ng iba
Ang pagpasan ng bigat na dahilan
Ng patuloy na paglubog ng iyong mga paang
Unti-unting nababalaho
SaΒ malalim na putikan na pagdaka’y
Unti-unting nagiging kumunoy
Nakakapagod na ang gumising
Para sa kanila
At hindi para sa iyo
Nakakapagod na.
*mula sa taong tinatamad na magtrabaho at magpayaman ng dati nang mayayaman Β atΒ nais na lang magtanim ng kamote at kamatis sa kanilang bakuran at mamitas ng aratiles at bayabasΒ mula sa bakuranΒ ng mga nagtsitsismisang Β kapitbahayΒ
***featured image:Β www.untvweb.com
27 responses to “Nakakapagod Na”
Reality check.
LikeLiked by 1 person
*__*
LikeLike
Sad reality π¦ The rich becomes richer and the poor becomes poorer. But I know we can still do something about that (Perhaps, financial literacy). #HugotPaMore
LikeLiked by 1 person
ganun talaga at nakakainis na.
yung totoo, there’s a lot more than just Financial Literacy, I guess. but anyway….
salamat sa pagbabasa ng rant ha ha
LikeLiked by 1 person
I can feel you. Mahirap talagang maging empleyado at wala ding yumaman sa pagiging empleyado.
LikeLiked by 1 person
oo kaya maging tambay na lang. ganun din naman. di rin naman yayaman sa pagtatrabaho eh ha ha ha…joke lang π
LikeLike
hahaha. Ou nga buti pa ang tambay ndi pagod. Ang mga mg empleyado trabaho ng trabaho ganon padin nman. Chos lang!
LikeLike
ayun nga. di nga yumaman, di naman pagod LOL
LikeLiked by 1 person
I feel you, Aysa. May mga pagkakataon na eksaktong ganito ang pakiramdam. Subalit and realidad ay mahirap baguhin. Ang buhay ay malupit pero positibo ako na maraming dahilan para hindi matangay ng ganyang pananaw. After all, tayo ang nagbibigay interpretasyon sa anong realidad meron tayo. Either you cling on it or something to reverse it.
LikeLiked by 1 person
hay nako Sir nakakadepress minsan at nakakalito. Pero mas nakakalito yung cling or reverse. π
Baka ikain ko na lang to ng Ramen at tingnan kung mataas ba ang ceiling nung resto π hehe
LikeLike
hehe…patawa ka talaga. sige lang…
LikeLiked by 1 person
he he he π
LikeLike
As in talaga, haiz. fighting! π
LikeLiked by 1 person
Bwahaha. Feel na feel natin eh no….anyway! Aja! π
LikeLiked by 1 person
talaga lang!…lalo pa at yong ibang pinagtatrabahuhan ay walang modo at oportunista!
LikeLiked by 1 person
hay oo nga po. kaya kapit lang π
LikeLike
Aysabaw! Ramdam kita may mga pagkakataon talagang ganyan pero kagaya ng sabi ng lahat KEEP FIGHTING! I will miss you wit so keep on moving! Mag bakasyon ka muna stress lang yan. Hehehe
LikeLike
ha ha ha. salamat salamat π
Sistema lang yan. Tao tayo. bakit tayo magpapatalo? ha ha Bawal bakasyon sa tiyan na nagugutom!
LikeLiked by 1 person
i have a cousin who was laid off and went back to the philippines. when he wakes up in the morning, he asks himself, “what am i going to do today?” i guess, to each its own. π
LikeLiked by 1 person
hay mahirap po talaga. madalas ko ding tinatanong kung ano ba ang gagawin ko? di ko nga alam kung uuwi na lang din ba ako eh…
LikeLike
Relaaaaaaaaaate. hahahahuhu
LikeLiked by 1 person
Hahaha. Salamat sa pagbabasa
LikeLike
No prob. Pantanggal stress at boredom. π
LikeLiked by 1 person
ha ha ha…salamat ulit
LikeLiked by 1 person
π π π
LikeLiked by 1 person
Ate, bet ko po ung naka-italic .:)
LikeLiked by 1 person
Nu ba yan kelangan ko mag back read wuhahahahaha
LikeLike