Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na paggising sa umaga
At pagpasok sa opisina
Para magpayaman ng iba
Nakakapagod na ang paulit-ulit na pagsusumamo
At paulit-ulit na pagsunod
Sa patakarang lagi lamang  para sa kanila
At hindi para sa iyo
Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na pagkaubos ng oras
At mga sandali
Na lagi ay para sa kanila
At hindi para sa iyo
Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na pagkatuyo ng iyong utak
Para sa kapakanan nila
Nilang marami nang pera.
Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na iyong pagsasakripisyo
Para sa pagyaman nila
At sa kakarampot mong sweldo
Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na hindi pantay na pagikot
Ng mundo
Kung saan ang may pera ang laging nasa itaas
At ang mahihirap ay lalo pag dinadayukdok
Nakakapagod na ang paulit-ulit
Na pagpaplantsa ng gusot ng iba
Ang pagpasan ng bigat na dahilan
Ng patuloy na paglubog ng iyong mga paang
Unti-unting nababalaho
Sa malalim na putikan na pagdaka’y
Unti-unting nagiging kumunoy
Nakakapagod na ang gumising
Para sa kanila
At hindi para sa iyo
Nakakapagod na.
*mula sa taong tinatamad na magtrabaho at magpayaman ng dati nang mayayaman  at nais na lang magtanim ng kamote at kamatis sa kanilang bakuran at mamitas ng aratiles at bayabas mula sa bakuran ng mga nagtsitsismisang  kapitbahayÂ
***featured image:Â www.untvweb.com
I’d love to hear from you!