Hindi na po ako single

Dahil sa panawagan ko na magkaroon ulit ng 2nd Dubai Jologs Bloggers Meet up ay nagkaroon ng pagtitipon kagabi ang super elite blogger’s association na ito. At dahil sobrang tindi ng screening bago tumanggap ng miyembro ang organisasyong ito ay dadalawa pa lang ang miyembro. Sadyang napakahirap kasi ย ng tatlongย criteria for joining. 1. Dapat nasa Dubai ka. 2. Dapat blogger ka. 3. Dapat jologs ka. At dito sa pangatlong criteria sila madalas hindi pumapasa (umaayaw pala ha ha)

So isa sa mga agenda ng jologs meeting namin ni Jai kagabi ay kung kailangan ba naming magselfie at ipost yun picture sa mga blog namin para dumami ang mga views, likes at follows pero isinabasura namin iyan dahil parang walang matinong mangyayari pag ginawa namin iyan.

Ang pangalawang tinalakay namin ay ang patuloy na pagdidiskrimina at pagaalipusta sa akin ni Doc Eamer dahil hindi na ko single (Doc siyempre joke lang yan) at ang madalas naman na pagaakala ng ibang bloggers o readers na ako ay single pa.

Masyado daw ‘ata’ private ang life ko though nagpost nako twice tungkol sa labidoodie ko. Yung labstory naming walang ka cheese cheese at yung wedding namin na may temang Castaway kahit wala kaming dalang bola ng volleyball at hindi sponsored ng Fedex. Pero kahit naman sa fb kung saan nasa cover photo ko ang picture naming dalawa na mala Hari ng Tondo ang tema ay may pailan ilan pa rin akong fb friends na akala ay single pa rin ako. Yung isang Lebanese kong friend ay nirereto ako sa brother in law niyang doctor. Seriously?

 

Wedding
yan po. yan po ang wedding ceremony namin.

Pero nga ang main reason kung bakit hindi ako nagpopost dito tungkol sa asawa ko or kahit pictures man lang namin eh kasi naman. Bakit ko siya idadamay sa mga kabulastugan ko dito sa blog ko gayung nanahimik siya sa isang tabi? Hinahayaan ko lang syang maglaro ng ng NBA2k15 at makipag trash talk sa mga kasama n’ya sa COC na ‘yan habang ako ay nagiisip ng kalokohan para sa blog ko while drinking coffee, ironing and making tumbling all around.

So ayun. Siguro din kaya napagkakamalian akong single pa ay dahil may mga hugot posts pa rin ako at walang patid ang pangungulit ko sa inyong mga bloggers – single man o hindi. Nagkataon lang na biniyayaan ang blog universe ng madaming single at para kayong bulalakaw na habang papalapit sa Earth ay lalo pang dumarami kaya ganyan.

Tungkol sa mga hugot posts ko, siyempre tao din ako. May puso’t damdamin din ha ha. Naging single din ako ng 29 years kaya naiintindihan ko to the bones ‘yang mga hugot na ‘yan at nag eenjoy din ako sa pagbabasa ng mga hugot niyo. Minsan natatawa na lang din ako sa mga posts nung iba pero hindi naman porket mas nakakatanda ako sa inyo ay babasagin ko na kayo at sasabihing been there, done that bagkus ay I empathize with all of yah. ย Hugot niyo iyan. Moment niyo iyan eh.

Isa pa, kahit naman may asawa na ay may mga hugot din sa buhay lalo na sa mga tulad kong maarte. Kung akala n’yo eh pag may asawa na ay may forever na, ay parang hindi naman ata ganon. Parang ang road to foreverย ay nagsisimula pa lang sa unang araw matapos ย magpirmahan ng kontrata na nagsasabing wala na kayong kawala sa isa’t-isa. Minsan masukal at madilim at matinik ang road to forever at ang kaibahan ng mga married sa mga single orย in a relationship eh kayo pag natinik o napaso ng kaunti ay pwede pang kumawala at tumingin muli sa inyong mga bituin para maghanap ulit ng kilig while kami, kelangan naming ayus ayusin ang mga buhay namin ha ha.

Isa pang reason siguro kung bakit napapagkamalan pang single ang nasa likod ng blog na ito ay dahil walang mga post tungkol sa married life. Haller? Isang taon pa lang akong kasal. Di ako magmamarunong na magbigay bigay kuno ng advice dito kung pano niyo dapat ayus ayusin ang mga lablayp niyo. Isa pa alangan makipag elbow to elbow ako sa mga bloggers ng womanhood at motherhood. Mas gugustuhin kong magbasa ng mga hugot post n’yo kesa sa breastfeeding at pagpapalit ng diaper.

Siguro din nagrereflect pa sa mga sinusulat ko ang pagiging utak single pa rin minsan. Di ko naman maikakaila na kaming mag asawa ay utak single pa rin naman minsan. Utak single, not in the sense na naghahanap pa kami ng mga jowa at forever.ย Nasanayย langย kami sa single (independent) lifestyle, kaya nasa transition period pa kami from single ย to married life.

So iyan. nga. Patuloy pa rin akong mangungulit sa inyong mga single dahil kahit may asawa na ako ay hindi mawawala sa aking pangangatawan ang kakulitan. Kung naaga-aga lang yang PSA na iyan, baka ako pa ang nagunguna sa kaguluhan diyan. But anyway, moment niyo ito mga singles kaya all I can do is make kulit to all of you.

So ayun lang. Hindi na nga ako single. Makulit lang talaga ako.

57 responses to “Hindi na po ako single”

  1. Hahahahaha!!! Ikaw na ang hindi. Char

    Liked by 1 person

    1. Teka lang ah. Mamaya nko dadalaw sa blog mo…kita ko post mo kaso nagbabalat ako ng carrots.

      Like

      1. Paki bilisan pagbalat ng patatas din Sarah

        Liked by 1 person

        1. Teka miss minchin lol

          Liked by 1 person

  2. Nice one… Gusto ko akg pagkawento mo na di ka na single, double ka na pala! Hahaha!

    Liked by 1 person

    1. Bwahahahahaha opo double na nga po ako pero lagi pa rin napagkakamalang single haha

      Liked by 1 person

  3. Wooooah? Akala ko nga single ka pa po Teh!
    Congrats po!!!

    Liked by 1 person

    1. Ha ha ha
      Yan na nga ba ang sinasabi ko :p

      Liked by 1 person

      1. Hahaha … Sa next few years, mageexpect na ko ng posts tungkol sa marriage. Lol.

        Liked by 1 person

        1. Ha ha ha. Di ko pa maisip na magsusulat ako tungkol dyan lol

          Like

  4. I know you’re married.

    I don’t talk about love life , either. I love to read about the others’, but I don’t want others to read about mine, ha ha ha

    Liked by 2 people

    1. Ha ha ha. Yep..you are right. Ita just nice to read their love stories lol

      Like

  5. pwedeng i focus ung pics?

    Liked by 1 person

    1. Ha ha ha. Wala nang izozoom yan madam :p todo na yan

      Liked by 1 person

  6. hahaha. pahabol lang ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

  7. Ang saya mo no? Mabuhay ka ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

      1. Ipagpatuloy mo po. Maganda yan. Nakakahawa. ๐Ÿ™‚

        Liked by 1 person

        1. he he he. salamat po…ganda ng blog mo ah…pa design naman ng damit na babagay sa reyna ng mga sabaw ๐Ÿ˜›

          Like

          1. Ay! Salamat po. Oo ba. Ilalagay ko sa to-do list ko yan. ๐Ÿ˜€

            Liked by 1 person

          2. ha ha ha. salamat pero wala kong pambayad LOL

            Like

          3. Wag kang mag alala libre tingin. ๐Ÿ™‚

            Liked by 1 person

  8. Haha. Baka feel nila dahil cool ka pa din isip nila single ka pa. Peg ko yan pag nag asawa na ako. Chill lang.

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha….baka nga…oh ikaw malapit ka na din ata lumagay sa gulo ah he he

      Liked by 1 person

      1. Oo nga e. Jan 2 2017… hehheeh ๐Ÿ™‚

        Liked by 1 person

        1. ayun….countdown na iyan…

          Liked by 1 person

          1. Oo nga pakshit mahal mag pakasal. Beast mode on a

            Liked by 1 person

          2. bwahahhaha ayun nga lang….lalo pag engrande pa yan nakooooo

            Liked by 1 person

          3. Oo nga e ayoko masyado pinagiisip hahaaah ๐Ÿ™‚ pero exciting din hahah one day magtatranslate ang pera namin into food then pa kakainin mga tao the next day wala na ang money hahaha Asa toilet na. Omg tlga hahah ‘stig.

            Liked by 1 person

          4. bwahahaha…oo nga ganun talaga…kaya nga marami ngayon nagreresort to private weddings na lang…konti lang imbitado…unless isang barangay ang clan niyo eh ganun din ha ha

            Liked by 1 person

          5. Oo nga e. Madami ako kamaganak ๐Ÿ™‚ wala siya gaano. Mabuti d din ako friendly nakakamenos wahahaa

            Liked by 1 person

          6. bwahahahah ayun naman pala….o kaya elope wedding na lang kayo…para kayong dalawa lang LOL…tapos sa santorini na lang kayo para romantic LOL

            Liked by 1 person

          7. Hahahaha d ata pang elope ang mga 30 years old. My parents deserve a party hahaha. Shit 30s goosebumpzzzz

            Liked by 1 person

          8. bwahahahha. mas tipid ang elope wedding ha ha…kami nga ganern lang…though unfair nga sa parents ha ha ha

            OK lang yan…uso na ngayon ang kasalan after 30s….

            Liked by 1 person

          9. Yeah. 30s in the new 20s. Ahaha

            Liked by 1 person

          10. Oo nga pakshit mahal mag pakasal. Beast mode on na ako haha

            Liked by 2 people

  9. Uy ang ganda ng shot na to. ๐Ÿ˜€ Napakaintimate naman ng wedding! ๐Ÿ˜€

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha. Sobrang intimate kaming dalawa lang. Walang kasamang kamag-anak lol

      Like

      1. ayun nga ang ibig kong sabihin LOL buti hindi na kinailangan ng parent’s consent? 18 y/o lang? LOL

        Liked by 1 person

        1. Bwahahaha (18×2)-7 lol.

          Like

          1. whuat? pinagcompute mo pa ko??? LOL

            Liked by 1 person

          2. Kaya mo yan. Wala namang syntax error yan :p

            Liked by 1 person

          3. hahahaha Sabagay, may point ka. LOL

            Liked by 1 person

  10. Mabuti naman at naipaliwanag mo ang sense ng thinking nating mga may sabit na sa pagiging single overseas.

    Liked by 1 person

    1. Ha ha ha. Ayun nga. Pag sanay ka sa single lifestyle, madadala mo eh hay

      Like

  11. Ang sosyal naman ng wedding ninyo! Pang-artista! โค

    Liked by 1 person

    1. wahahahahahahahah….di naman grabe ๐Ÿ˜›

      Like

      1. Hahahaha eh kasi beach wedding tapos may petals petals pa. ๐Ÿ™‚

        Like

        1. ha ha ha petals lang yan ng bugambilya ๐Ÿ˜›

          sa tabing ilog lang yan ๐Ÿ˜›

          Like

          1. Hihihihi ang laki naman pong ilog niyan. ๐Ÿ˜€

            Liked by 1 person

  12. Maria Michaela Jamora Avatar
    Maria Michaela Jamora

    Girl romantika.haha feeling ko may nanunuyo. Ayeeee ๐Ÿ˜๐Ÿ˜

    Liked by 1 person

    1. Waahahaaahahah patawa ๐Ÿ˜›๐Ÿ˜›๐Ÿ˜›๐Ÿ˜›

      Liked by 1 person

  13. […] I met a blogger for the first time and I’m-oh-so glad I did! I didn’t expect us to be so connected. I thought our meet-up would be awkward but to my surprise, it was soย awesome and fun. She’s one of the people I love to hang out and pick brains with. We don’t mindย trolling each other’s post in WP and IG. I love her humor and style of writing. I’m really glad we became friends. Itatago ko nalang siya sa pangalang:ย Aysabaw. […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: