Haba ng title. Pang Thesis no?
Paano ko ba sisimulan ang Thesis kong ito?
Ok, sisimulan ko na lang sa isang babala. Mahaba ito. Kung wapakels ka sa isusulat ko, pwes lumayas ka sa pamamahay blog ko. Pero kung trip mo naman basahin ito, I suggest kumuha ka ng popcorn at softdrinks at irereimburse ko na lang yung pinambili mo niyan pag yumaman nako.
So, ang thesis post na ito ay tungkol sa isang OFW na mawawalan na ng trabaho in four and a half months time. At ang OFW na yun ay walang iba kung hindi ako.
Ako.
Tama. Ako nga. LOL.
Masakit. Mas masakit pa kesa sa panonood ng A Second Chance. Pero hindi naman siya mas sasakit pa kaysa sa pagkakabangga ng hinliliit ng paa mo sa paanan ng lamesa.
Paano ko nga ba talaga ito sisimulan? O baka ang mas tamang tanong ay – Kung paano ba ako magsisimulang muli?
Para sa mga nakilala ko na dito ng personal, hello Jai, wag  mag-alala dahil kahit nakakadepress ang mga pangyayari ay hindi naman ako tatalon mula sa ika isandaan at dalawampu’t apat na palapag ng Burj Khalifa. Sayang ang natitira ko pang kaunting kagandahan LOL. (Jai, kelan pa ba mangyayari ang 2nd Dubai Jologs Bloggers Meet Up sa Juice World?)

Ayun na nga. Mahirap isipin na mawawalan na ako ng trabaho at mahirap din itong sabihin kaya isusulat ko na lang. Ang totoo ay hindi ko pa to sinasabi kila ermats at erpats kaya wag kayong maingay. Close friends ko pa lang ang nakakaalam at syempre ang hubby ko. At syempre, kayo. LOL. (nakakailang LOL na ko).
Sa siyam na taon kong pamamalagi dito sa Dubai eh limang kumpanya na ang napasukan ko pero ngayon ko lang na experience ang ma-layoff kaya doble ang sakit. Usually, ako ang nagreresign kapag nakakahanap ako ng greener pasteur.
Siguro naman, hindi na lingid sa inyong kaalaman ang recession, hindi lang dito kundi sa iba pang mga bansa. Dami kasing kaganapan eh. Malamang din, hindi lang ako ang OFW na mariringgan niyo ng ganito. Last year pa ay marami ng maliliit na kumpanya ang nagsarado ng kanilang mga pinto, at ngayon kahit malalaking kumpanya ay nagbabawas na din ng tao. May ilang kaibigan na din akong sinabihan na ng mga kumpanya nila kung hanggang kailang na lang sila kayang paswelduhin. Kaya para sa mga nagnanais  makipagsapalaran dito sa Dubai, hindi ito ang best time, unless may trabaho na kayo antimano pagdating niyo dito.
Kung naalala niyo ang drama ko tungkol sa napurnada kong Vienna sausage trip, isa na ito sa mga dahilan non. Sayang yung mga trench coat at boots at scarf ko.
Kung napansin niyo din na mula Nobyembre ay panay na ang pagpopost ko at nababanas na kayo sa araw-araw kong pagpopost, may paProject-Project 366 kabalbalan pa akong nalalaman, ito rin ang dahilan non.
Kung akala niyo ay marami lang talaga akong oras para mag post araw-araw, mali iyon. Marami lang akong ninanakaw na oras. Hindi na kasi ako makapagfocus sa ginagawa ko sa office at tinatamad na ako. Sino pa ba ang sisipaging magtrabaho kung alam mong aalisin ka na din diba? Kundangan naman kasi. Four pieces na nga lang kaming staff dito sa Middle East office namin, tsutsugihin pa kami.
Anyway, ayun nga. Kaya nagpopost na lang ako palagi kasi dito lang ako pwedeng magdrama araw-araw na walang maiinis sa’kin at minsan ay may nakakaapreciate pa ng mga madadrama kong sinusulat. O diba? Kesa naman araw-araw akong magdrama sa asawa ko o kaya sa mga friends ko, edi dito na lang. Random lang ang makakabasa.
So ano na nga ba ang gagawin ko? May mga panahong para akong hilong talelong na kahit alam na alam ko kung ano ang dapat na gawin ko ay parang natutulala ako at nagtatanong sa kalawakan kung ano ba ang dapat na gawin ko.
Siyempre kailangan kong maghanap ng trabaho ulit. Ganun naman talaga. Kaso minsan sa kaka emote ko, parang gusto kong umuwi muna at magpahinga. Pero mabilis maubos ang anda pag nasa Pinas ka. At siyempre hindi rin pwedeng ganon. Alangan maging pabigat pa ko kila ermats diba? Sa tanda ko nang ‘to? Ang totoo, 2 months na nga akong di nakakapagpadala kasi maraming mga hindi inaasahang gastos. Buti na lang, yung bunso na lang namin ang nag-aaral at may pinagkukunan din naman sila ermats ng pangsuporta sa daily gastos nila at may trabaho na rin naman ang dalawang kapatid kong matitinding gin-geener. Kailangan talagang isingit to? Syempre ha ha. Hindi kumpletos rekados ang buhay ng mga OFW kung walang ganyang drama LOL.
So, ayun lesson learned. (1) Walang permanente. (2) Wag kampante. (3) Wag maarte.
At ngayon, imbes na nag-aapply ako ay papost-post pa ako dito. Pero who knows? Baka may isang mambabasa dito na mayaman. Kunin niyo na kong Virtual Personal Julalay niyo kaso ay di ko kayo maipagtitimpla ng kape online. Mura lang po ang serbisyo ko. O kaya baka nga merong gustong magpagawa ng thesis o case study tungkol sa mga OFW na tulad ko aba, chance na ito. Joke.
Pero ‘yon. Kidding aside, pasensya na kung araw-araw akong nagpopost. Just ignore kung nagsasawa ka na. Pasensya  na at kailangan ko lang talaga. Hindi pa pala ganon katibay ang baga ko eh.
At kung nabasa mo pa ito hanggang dito sa kadulu-duluhang drama, salamat. At kung gumastos ka for popcorn and softdrinks, irereimburse ko talaga ‘yan pag yumaman ako. 😛
And, ayun, hindi ko ugaling sabihin ito pero, bahala na si Batman.

I’d love to hear from you!