Di mo na kailangan sumigaw
Di mo kailangan ulitin pa
Higit sa liwanag, mayro’ng linaw
Dapat ba ipaliwanag ko pa
Di mo ako marinig at di mo
Din naman ako maintindihan
Lahat na pati pagsusumamo
Masidhing galit tinalikuran
Kung langit ba ay malapit lamang
Kung laya ba’y madaling makamtan
Kung pagibig ang pumailanlang
Kung away na lang ating talikdan
Tiwasay na tinig inaantay
Para tayo ay muling magtibay.
I’d love to hear from you!