Dear VP Binay

Dear VP Binay,

Nagpapasalamat po kaming mga OFWs sa UAE sa inyong pagdalaw dito at pakikipagkamay kay Shaikh Mohammed at sa pagdalaw sa ating mga distressed Filipinas being temporarily sheltered at the Philippine Embassy sa Abu Dhabi.

VP Binay with the distressed Filipinas sheltered in the Philippine Embassy
VP Binay with the distressed Filipinas sheltered in the Philippine Embassy

Salamat at naisip niyong dayuhin kami dito. Malaking bagay sa amin ang malaman na may mga tao sa gobyerno na concerned pala sa amin.

Distance Should Not Hamper

Salamat sa pagdalaw na walang halong pangangampanya para sa inyong kandidatura sa pagka Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon.


Visiting Not for Campaign

Balita ko rin po ay aattend kayo ng mass wedding bukas at makikipagkita sa mga magulang at estudyante ng Far Eastern Private School dito.

Mass Wedding

Sadyang napakapalad naman po ng mga makakadaupang palad ninyo.

Sana rin po bago matapos ang inyong tatlong araw na pagdalaw ay marami pa kayong mga makadaupang palad para malaman niyo pa ang mga pang araw-araw na isyu na hinaharap ng ating mga kababayan sa UAE.

Sana po ay may makasalubong kayong kababayan na hindi maganda ang napasukang kumpanya  dito, to think na pinadala sila ng isang agency natin sa Pinas sa kumpanyang ito.  Gaya po ng sinabi niyo sa linyang ito “by coming up with programmes that would best serve your needs” sana ay isa ito sa mga isyung maaddress ninyo. Yun bang sana, yung mga agency sa Pilipinas ay huwag magpapaalis ng mga kababayan natin kung hindi nila alam ang background ng kumpanya sa UAE. Ang lumalabas po kasi eh, padala sila ng padala ng mga kababayan natin dito, minsan nababago yung kontrata pagdating dito at hindi ibinibigay yung tulad nung pinirmahan nila sa Pinas pero wala silang magawa dahil nandito na sila at hawak ng mga amo nila ang kanilang mga pasaporte. Alam niyo ho ba yung pakiramdam ng napasubo ka na lang dahil hindi ka na makaatras dahil nandito ka na at kailangan mong tapusin ang kontrata ng labag sa loob mo dahil hindi ka makauwi at hawak ng employer mo yung pasaporte? Para rin ho silang naka detain ano? Kulang na lang ay rehas.

OFW Concerns

Sana ho mas maging transparent yung mga programa para sa mga tulad namin kasi wala po akong masyadong naririnig kungdi ang programang kailangan naming magbayad buwan-buwan sa, PAG-IBIG ba yon? Para ho bandang huli ay maaari kaming makautang. Pasensya na ho dahil hindi ko ‘yan naiintindihan masyado. Ang siste, nagbabayad na lang ako ng mga dapat bayaran bago umuwi ng Pinas kapag magbabakasyon ako para lang walang rason ang immigration sa Pinas na harangin ako pag pabalik na ako ng UAE. Nakakapobya po kasi sa airport natin eh. Kung pwede lang maging imbisibol ka. Para kasing pag na tiyempuhan ka ng mga scammers, wala ka ng kawala. Nakakatrauma kaya.

Sana rin po pala ay narinig niyo yung pagtrato sa mga Pilipino dito. Nabasa niyo po kaya yung artikulo sa Inquirer na hindi daw tinatanggap ng mga landlord ang mga Pinoy na tenant dahil daw po sa amoy ng Tuyo? Naku, yung totoo po ay hindi naman talaga dahil sa tuyo ‘yan. Mas mabaho pa nga po ang pagkain nila. Nakaamoy na ba kayo ng Masala? Ang totoo ho niyan, ayaw nilang magpaupa ng mga Pinoy dahil laging over crowded. Hindi ko naman nilalahat pero marami talagang ganiyan. Sa isang apartment ay halos dalawampu ang nakatira. Para po bang medyo squatters na nga minsan ang dating.

Landlords shut door on Filipinos in Dubai

Ang problema ho kasi VP Binay, hindi naman sapat ang sweldo ng ating mga kababayan para makaupa ng disenteng bahay kaya kahit siksikang bedspace ay pinapatos na nila. Kahit kasama na nila ang mga ipis at surot ay hindi na nila pinapansin basta lang makatipid.

Eh Sir, paano naman po mabubuhay ng disente ang mga kababayan natin. Maliit na ang sweldo ay patuloy pa ang pagtaas ng cost of living dito. Biruin niyo, nababalitaan pang magkakaroon na daw ng VAT?

Isa pa, laging hindi pantay ang pagtingin sa aming mga Pilipino dito. Kahit parehas ang trabaho, basta Pinoy laging mas mababa ang sweldo kahit kami naman lagi ang mas tinatagtag nila sa trabaho.

Unfair salary
fair ba ito? Isa itong job advertisement sa isa sa mga job sites. Pag Pinoy 2,300, pag European 5,000.

Minsan tuloy paraang ang sarap na lang umuwi sa Pilipinas kasama ang mga mahal namin sa buhay. Kaso lang parang isang horror story kapag inisip mo ang hirap ng paghahanap ng trabaho sa atin, ang walang kasiguraduhan kapag nagtayo ka ng negosyo, ang kawalan ng safety, at ang lumalang sistema ng LRT.

Siya nga po pala, timing ang pagdalaw niyo. Kakatapos lang ng concert ni Alden ah. Balita ko’y siya ang napipisil niyong gumanap sa inyong biopic ba iyon?

Timing din ho kayo sa ganda ng panahon sa UAE ngayon. Natyempuhan niyo hong winter at maulan-ulan. Sana ho ay subukan niyo ding dumalaw kapag summer. Kapag po nasa 45 to 50 degress celsius ang temperatura. Yung pong paglabas ko pa lang ng bahay ay parang nablow dry agad yung buhok ko? As in yung tutong na tutong po yung kinky kong buhok? At yung halos masunog na po yung swelas ko pag inapak ko sa kalsada? At yung pong para akong nakasalang lagi sa isang malaking pugon? Sana po subukan niyo din para ma-feel niyo talaga ang Middle East. Pero sana pag nainitan kayo ng konti at makatikim din ng sunburn, sana ay wag kayong gumaya kay Kris at sabihing Quits na tayo.

Mr. Vice President, muli kami ay nagpapasalamat at aabangan namin kung ano man iyang mga programa niyo para sa mga OFW na katulad ko. Kung in-place na iyang mga programa ninyo at hindi ko lang alam, pagpasensyahan niyo na ang aking kamangmangan.

Patuloy ho kaming umaasa kahit minsan ay nauubusan na kami ng aasahan pa. Pero wala ho kaming ibang ninanasa kung di ang balang araw ay makauwi na din sa Pilipinas nang hindi kinakailangang umalis pang muli. Hindi naman namin kayo sinisisi kung bakit hindi kami makauwi. Kasalanan din naman namin kung bakit hindi kami makauwi. Hindi kami masyadong financially literate. Balita ko ay nauuso na yung mga katagang financial freedom. Maganda ho iyan ano? Kaso ano ba iyan? Investment? Pero kahit pa yata i-orient niyo kami sa mga ganyan, wala din naman kaming magagawa dahil wala kaming pang-invest dahil hindi naman po basta OFW eh mayaman agad. Marami hong kahit maliit lang ang kita dito, hindi na lang umuuwi dahil kahit papaano may naibubulsang pera kada katapusan. Lesser evil kumbaga kaysa makipag-sapalaran sa Pilipinas.

Hanggang dito na lang po dahil mahaba na. Pero yung totoo ay mas mahaba pa sana ito kaso baka hindi niyo na basahin.

 

Patuloy na umaasa,

Isang Hamak na OFW

 

18 responses to “Dear VP Binay”

  1. Asa pa more! 🙂

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha. inggit ka gumaya ka oi.

      Liked by 1 person

  2. Andito pala siya. O.o sa presinto ka nalang raw magpaliwanag Aysa. Hihi

    Liked by 1 person

    1. ha ha. oo di pa nya sinabayan si Alden nung weekend ha ha ha ha

      Liked by 1 person

      1. para hindi raw halatang obvious. Haha

        Liked by 1 person

  3. sasabihin ko sana na ‘asa ka pa’ pero marami na nagsabing ‘asa ka pa’ kaya hindi ko na sasabihing ‘asa ka pa’.

    Liked by 1 person

    1. Mga kontrabando kayo. I hate you both lol. Umaasa nga ako sa libreng boodle fight eh.

      Like

      1. susubuan ka niya payag ka 😀

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha ha…ayokooooooooooooooooooooo

          Liked by 1 person

    2. At umaasa rin ako na hindi talaga sya pumunta dito para magpabango sa mga OFW para sa darating na eleksyon ha ha. Leche lang.

      Like

    3. At umaasa rin akong hindi kabang bayan ang pinambayad nila sa ticket at hotel ni NogNog and clan. Umaasa talaga ako. 😛

      Like

      1. for sure hindi kaban ng bayan yan. kundi dating kaban ng bayad. nasa bulsa na niya kasi kaya sa kanya na yun dati pa haha.

        Liked by 1 person

        1. buwiset lang. anyway, oh nahanap mo nako sa fanpage ng saycheese? ha ha ha ha

          Like

          1. bawal fb dito sa office eh hehe

            Liked by 1 person

          2. ha ha ha 😛

            Like

  4. so boodle fight lang magaling si binay. at saka sa pagpapayaman sa puesto. pag sya ang naging presidente, wala ng pagasa ang pilipinas na umasenso.

    Liked by 1 person

    1. Hahaha sayang nga di man lang kami nabahagian ng boodle fight dito hahahahah yun na nga lang ang inaasahan haha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: