Nagbalik ang Maryzark

May mga umaalis ngunit mayroon ding nagbabalik.

Ang Pinoy Music industry ay isang maalong paglalakbay para sa  mga musikero. Patibayan ng baga para manatiling nakalutang. Patibayan ng resistensya para di mapagod sa paglangoy.

Noong 2015, dalawang batikang banda ang namaalam, Urbandub at Kamikazee. Sa kaso nila na nagtagal sa industriya, malamang ay personal choice na nila ang paghihiwalay.

Pero maraming mga banda na lumutang pero mabilis na tinangay ng agos. Nagdala ng alon saglit sabay nanahimik.

Noong 2006 ay kasagsagan ng pagsusulputan ng mga banda. Napaka “healthy” daw ng Music Scene noon. Halos lahat ng music genre ay nakalusot na sa mainstream. Parang kabuteng nagsulputan ang mga banda. Yung iba nanatili, yung iba agad ding nawala.

Isa ang Maryzark sa mga bandang napanood at nakilala ko noon. Nakadaupang palad ko pa sila sa isang mall sa Maynila. Pero mula noong ako ay nangibang bansa ay wala na akong masyadong narinig pa tungkol sa kanila.

Maryzark

Pero bago matapos ang 2015 ay para silang nabuhay na mag-uli.

Malamang, marami sa inyo ang hindi nakarinig o hindi nakakakilala sa kanila lalo na kung hindi kayo nakikinig masyado ng alternative rock. Ilan sa kanilang mga awitin ang Kai, Hindi Na at Huli.

 

 

videos by erik jan ortega, manhidz85’s channel, m3waydrama

Noong wala pang facebook at twitter, ang means ng pag-uusap ng mga miyembro ng banda at ng kanilang fans ay yahoogroups (halata kung sino ang matanda?). At doon namin madalas makakulitan si Ice, ang bokalista ng Maryzark. Kami Sila daw yung mga Maryans.

Maalala man ako ni Ice o hindi, masaya ako at nagbalik na silang muli sa industriya. At sana magtagumpay sila sa pagrerelease ng bagong album na ginagawa nila. At sana rin minsa’y pa makadaupang palad ko sila.

2 responses to “Nagbalik ang Maryzark”

  1. hindi ako familiar sa mga bagong bands dahil hanggang folk songs lang ako at kung hindi regional ay foreign pa kaya nagpapasalamat ako for posts like this…mahilig din ako sa music, in fact noong kabataan ko ay naging folk singer ako upang makakain, gumawa rin ako ng songs…noong kumanta ako sandali sa original na “Bodega” (sikat na folk house) sa Mabini, inabot ko si Freddie Aguilar at ang Asin na ang unang name ay “Salt of the Earth”…

    Like

    1. wow Sir. nakasabayan niyo po pala sila sa mga gigs niyo.

      Kumakanta pa po ba kayo?

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: