Liham ni Andres Bonifacio kay Oryang

Liham ni Andres Bonifacio kay Oryang
1897 Mayo 1

Mahal kong Oryang,

Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa. Sapagkat saan man tayo dalhin ng ating pakikibaka, ikaw lang ang aking itatangi at makailang ulit na ihaharap sa pulang bandila. Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan. Walang pagod kitang aawitan ng imnong pambayan, Oryang. Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyo bilang mga tula. Maging ang bulong at buntung-hininga’y magpapahayag ng pagsinta sa tulad mong umiibig din sa bansa.

Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas, upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata. Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, tandaan mong ang halakhak at sigaw ng ating mga kasamahan ay sa akin rin. Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat ako’y mananatili sa iyong piling.

Hindi kita niyakap nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita. Habambuhay akong magiging tapat sa ating panata, Oryang. Kapara ng binitawan kong sumpa sa ngalan ng bayan, tayo’y mananatiling katipun, kawal, at bayani ng ating pagmamahalan. Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali at gabi upang sa muli mong paggising ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa pakikidigma.

Hindi ko man hawak ang bukas, nais kong tanganan mo ang aking pangako na ilang ulit kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang patunayan sa iyong mali ka.
Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.

Ikaw ang aking bayan,

Andres

 

 

***

This is a historical poem written by playwright Eljay Castro Deldoc

15 responses to “Liham ni Andres Bonifacio kay Oryang”

  1. hindi lang ikaw. naluha din ako nang mabasa ko ito. kakaiba. and lalim at tagos sa puso. ibang-iba na talaga ang salitain ngayon at noon. iba ang tama. sapul na sapul.

    Liked by 1 person

  2. sana nga totoo ito pero parang hindi…

    Liked by 1 person

    1. Oo nga eh. Parang ginawa lang panteatro. Maniniwala lang talaga ako kapag nanggaling na siguro yan kay Ambeth Ocampo.

      Like

      1. Gawa po to ni Eljay Deldoc πŸ™‚

        Like

  3. Sagad sa buto ang bawat lines. Ang sarap makatangapng ganyang sulat #hugot

    Liked by 1 person

    1. he he he…oo nga…ang galing lang nung sumulat he he

      Liked by 1 person

  4. I’d always love this love story. Kahit na may mga teoryang hindi naman talaga si Bonifacio ang gumawa nito.

    Liked by 1 person

    1. Hindi talaga. Yung blogger na si deldoctrine ang nagsulat nito hahahaha

      Liked by 1 person

      1. Yun nga rin yung nabasa ko. πŸ˜€

        Liked by 1 person

  5. Kinilig ako sa mga lines. Ang lalim ng ka-sweetan. 😍😍😍

    Liked by 1 person

    1. Mahusay yung sumulat nito eh

      Like

  6. […] β€œcon” is positive in one language, denoting β€˜with,’ togetherness. Hence: chili con carne, Andres con Oryang, I just invented that. As a negative, β€œcon” is opposed to β€œpro,” the downsides of things, […]

    Like

  7. Great FICTIONAL work.

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: