DIY Sharpie Mugs Ulit

Aloha!

Nung nakaraan ay nagpost ako ng tungkol sa natuklasan kong DIY  Sharpie Mugs. At dahil naka ilang trial and error na ako at nalaman ko kung bakit kumukupas eh ito magpopost na ko ulit.

Yung mga una kong gawa, kumukupas yung kulay matapos ma-bake nung mga mugs. Kaya naman pala, mali yung gamit kong Sharpie Markers (ha ha). Gamit ko ay yung mga permanent markers (yung pwede gamitin pagsulat ng report sa Manila paper) na kahit pwede siya gamitin talaga eh di nga masyadong maganda yung resulta ng kulay. Dapat pala OIL BASED Sharpie Markers ang gamitin.

Oil Based Sharpies
Sharpie

Dahil dampot lang ako ng dampot ng markers, di ko napansin na may nakuha akong extra fine. Mas gusto ko kasi yung FINE lang. Ayaw ko ng EXTRA FINE, masyadong pino.

Nakakabad trip lang kasi sabi sa instructions, alugin daw yung marker bago gamitin tapos nung inalog ko yung gold na extra fine marker, ayaw niya naman sumulat. Dahil yata sa sobrang pino nung panulat. Hanggang sa nagtae na lang tuloy yung marker kakaalog. Buset.

Sharpie Fine Point

Anyway, sayang yung gold marker ko. Ayaw na gumana kakabili ko pa lang. 23 Dirhams pati yun tapos parang gintong minimina pa ang Sharpie markers sa Dubai. Ang hirap hanapin. Sa Creative Minds Shop pa ako nakakuha, wala na atang ibang shop na nagtitinda nito sa Dubai kahit sa malalaking bookstores. Pero sa Pinas ata mas madali maghanap ng Sharpie.

Para naman talagang hindi mabura ang print/drawing sa mug, dapat ay doble ang patong nung Sharpie sa mug. Matapos idrowing o ilettering ang content sa baso, patuyuin ito at tapos patungan pa ng isang layer. Tapos ay patuyuin ng 72 hours daw….pero mukhang ubra na ang 24 hours eh bago isalang sa oven. Pero siguro mas makapit na nga talaga yung tinta pag pinatuyo ng husto.

Dapat pala nasa 220 degrees celsius ang temperatura ng oven. Ilagay na yung mga mugs sa oven bago pa ito sindihan. Pag mainit na yung oven saka pa nilagay yung baso, baka magcrack. Matapos naman ang 30 mins, patayin na yung oven at hayaang lumamig ang mga baso sa loob nito.

Kapag malamig na talaga yung mug, pwede niyo na hugasan pero dapat malambot na sponge lang ang gamitin dahil malamang pag ginamitan yan ng pang-is-is ng pwet ng kawali ay mabubura talaga yan. Di rin siya pwede isalang sa heavy duty dishwashing machine. Hanga naman ako kung may heavy duty dishwashing machine kayo sa bahay niyo. Hotel lang? he he. Joke lang po.

So ito na yung mga nagawa ko nitong nakaraan. Clap. Clap. Wala pa namang nabubura kahit nahugasan na.

DIY Sharpie Mugs

DIY Sharpie Mugs

DIY Sharpie Mugs - Couples Mugs
Natuwa lang ako sa nagpagawa ng couple’s mug na ito. Uso pa pala ngayon yung mga pinagdudugtong yung pangalan nung mga magkasintahan he he…kala ko pang high school lang yan eh

DIY Sharpie Mugs

DIY Sharpie Mugs

DIY Sharpie Mugs

DIY Sharpie Mugs

DIY Sharpie Mugs

Eto ang resulta kapag hindi nadoblehan ng layer yung ink at hindi napatuyo ng matagal. Medyo kumukupas.

Keks Mug 2

DIY Sharpie Mugs

At so far, ito ang pinakapaborito ko sa mga nagawa ko ha ha.

Luffy Mug - One Piece

Luffy Mug 3

Luffy Mug 2

At dahil malapit na ang pasko, pwede na itong ipang regalo. Ganda-gandahan na lang ang packaging.

Packaging

Note ulit sa mugs. Dapat ceramic at oven safe yung gagamitin niyo.

13 responses to “DIY Sharpie Mugs Ulit”

  1. ang galing!!!! cool!!!! ikaw gumawa ng lahat ng yan??? nice! Artistic nemen! 😀

    Liked by 1 person

    1. Wahahha uu…nangopya lang ng mga drowings he he

      Liked by 1 person

  2. […] Master of none. I can do a lot of things but I haven’t mastered one. I can play the guitar, I draw on Mugs, I sew bags and pouches (seriously? an old maid), I can be a flair bartender (I know how to flair […]

    Like

  3. pwedeng pang-negosyo…

    Liked by 1 person

  4. Waaaahhh, ang galingggggggg. Ang dami ko pong nakuhang ideas dito Te. Thanks for sharing. 😍😍😍😍😍😍😍😍😍

    Liked by 1 person

    1. Haha kaso habang tumatagal lalo pag madalas gamitim yung mug…kumukupas din

      Liked by 1 person

      1. Awww, so wala po talagang forever? 😢😢😢 Hihi, pero ang galing niyo po talagang mag arts. 😍

        Liked by 1 person

        1. Hahaha…pang gift lang naman to…tipong pangdisplay lang naman…kaya di ata pang daily use haha

          Like

  5. Saan po nakakabili ng ceramic? Mahal po ba kapag ceramic mug????

    Liked by 1 person

    1. Ewan ko lang sa Pinas kung magkano yan. Sa Dubai pa kasi ako gumawa nyan haha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: