Why Does It Always Rain on Me

Rain rain don’t go away!

Excited lahat ng tao sa UAE.

Ito (yata) ang unang ulan sa taong ito. Hindi ko lang sigurado kung natural ito o kung nag cloud seeding sila kahapon.

Nakakamiss tuloy ang tuyo at sinigang pag ganitong panahon.

Burj Khalifa
Ito ang view namin sa opisina, hindi masyadong kita ang napakahinang patak ng ulan pero kitang basa ang kalsada at maulap at madilim.

Sabi sa akin ni Ermats, lagi daw akong nagdadala ng ulan. Wala naman akong balat sa ***.

Nung unang beses akong umuwi ng Pinas matapos ang tatlong taon kong pagtatrabaho sa Dubai ay sinalubong ako ng Ondoy. At dahil daw matagal akong nawala, sobra-sobra ang pagsalubong sa akin ng ulan. Namiss daw ako.

Nitong huling uwi ko naman nung September ay sinalubong ako ng bagyong si Jenny (Jenny ata ang name?) sa airport pa lang.

Nung bumisita naman ako sa Tagaytay para makita ang Taal ay inulan na naman ako at di ko nakita  (perstaym ko sanang makakakita ng bulkan ha ha) dahil sa kapal ng hamog. At dahil umuulan nung araw na iyon, kinancel namin yung dapat na swimming sa Batangas kinabukasan. Imbes tuloy mag oovernight kami sa Tagaytay ay umuwi  na lang kami. Ang pinakamasaklap, nung umalis AKO sa Tagaytay, nawala yung ulan.

Nung pumunta kami ni Ermats sa QC para maglakad ng papeles, inulan kami. Nung nagpunta kami SM North, inulan na naman kami. Parang grabe naman sakin ang kalikasan. 2 weeks na nga lang ako sa Pilipinas, hindi pa ako pinatawad.

Noong maliit pa ako, minsan na nga lang kami pupunta sa Fiesta Carnival o kaya sa Luneta, inuulan pa din kami.

Pag may mga interview ako noon, inuulan din ako.

Minsan gusto ko na maniwala na ako nga ang nagdadala ng ulan pero pinipilit kong isipin na coincidence lang ang lahat.

Kaya ayun, ginawa ko na tuloy theme song ang Why Does it Always Rain on Me  kasi hindi naman pwedeng It’s Raining Men.

I can’t sleep tonight
Everybody saying everything’s alright
Still I can’t close my eyes
I’m seeing a tunnel at the end of all these lights
Sunny days
Where have you gone?
I get the strangest feeling you belong

* video from Travis’ youtube page

* Yung quoted na linya ng kanta ay bagay na bagay sa kasalukuyang sitwasyon ng nag-eemote na may akda 😛

***

Edited.

Binasa ko ulit ang post at napagtantong sabog yata ako habang nagsusulat dahil walang koneksyon ang ulan sa Dubai at ang pagdadala ko ng ulan sa Pinas.

13 responses to “Why Does It Always Rain on Me”

  1. ulaaaaaaaaaaaaaann

    sinong di mapapasayaw?
    sinong di mababaliw?

    Liked by 1 person

    1. ikaw promking ah…di mo ko nilibre ng kape

      Like

  2. 25pesocupnoodles Avatar
    25pesocupnoodles

    hihi, parang trip ko para sayo ang its raining men hhahaha. peace

    Liked by 1 person

    1. bwahahahaha. ikaw talaga cup :p

      Like

      1. 25pesocupnoodles Avatar
        25pesocupnoodles

        pang girl kasi yun bagay na bagay sayo, hahaha.

        Liked by 1 person

  3. […] ng kaunting pag-ulan kahapon dito sa Dubai ay napakaganda naman ng araw […]

    Like

  4. sadyang maulan lang talaga sa Pinas. So naligo ka sa labas nung umulan diyan? Hehe 🙂 Nakakamiss maligo sa ulan 🙂

    Liked by 1 person

    1. Bwahahaha. Di ako naligo sa labas baka hulihin pako ng pulis ha ha…saka ung ulan dito ambon lang talaga…baka di pa ko mabasa hahaa

      Liked by 1 person

      1. ay yun lang.. baka magkasakit ka lang dahil sabi nila acid rain daw yun pag unang buhos ng ulan. hahaha

        Liked by 1 person

        1. Hahahahah edi laging acid rain dito dahil once a year lang kung umulan lol

          Liked by 1 person

          1. Once lang? Nakuuu! Sayang nemen. Hehe

            Like

          2. haller. bakit di mo alam eh nandito ka naman pala ha ha ha

            Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: