Sa lahat ng mga mapagpanggap kong Travel Blog Post, ito na siguro ang medyo may kwenta kasi mayroong kaunting maikukwento.
So matapos ang aking mga post tungkol sa day and night stroll ko sa Singapore, ito naman ang aking ikukwento. Ang aking paglalakwatsa sa Bintan.
Ngayon mo lang ba narinig yung lugar na Bintan?
Pag sinabi mo kasing Indonesia, Bali at Jakarta lang ang popular na destinasyon. Well, parte din ng Indonesia ang Bintan. Pero para makapunta sa Bintan, kailangan dumaan ng Singapore.
Ang Bintan ay halos 45 minutes lang by Ferry galing Singapore so I suggest, kung bibisita ka sa Singapore ay daanan mo na rin ang Bintan, andun ka na rin lang and one ferry away na lang. And wala naman tayong issue sa visa doon eh.
So dito sa Bintan Resort Ferries site pwede magbook ng ferry in advance. Nasa SGD 32 per person, one way.
Yung totoo (angdami kong misadbentyurs), naiwan kami ng Ferry namin. Nagbook ako online ng Ferry na 1.5 hours after nung (dapat na) arrival time namin sa Singapore. Kasi naisip namin na mag Bintan muna ng ilang araw bago maglakwatsa sa SG. So pagdating ng SG, diretso na nga sana kami ng Bintan. Kaso delayed ng 1 hour ang CebPac kaya naiwan kami. Buti na lang nadaan sa pakiusap yung crew ng Bintan Ferries. Binigyan kami ng ticket para sa susunod na departure at hindi kami siningil ng extra.
Dahil maliit na isla lang ang Bintan, iilang hotels lang ang pagpipilian doon. Sa Banyan Tree Bintan kami nag-stay.












So yung name nung hotel/ Â resort na Banyan Tree ay hinango nila sa punong Banyan Tree. At ano ang Banyan Tree? Balete. he he

Mabait yung driver na sumundo sa amin sa airpot at siya na rin ang aming personal na driver at tour guide sa Bintan ng dalawang araw.
Dinala niya kami sa bilihan daw ng souvernir at sa massage center. Sabi niya mas makakatipid daw kung sa labas ng hotel kami magpapamasahe.



Kahit Muslim country ang Indonesia, may impluwensya pa rin ng Hinduism. Tulad na lang ng rebulto ni Ganesha na nakita ko doon. Isa sa mga pinakasikat na Hindu deitiy si Ganesha na may elephant head. Ayon sa mga Indians, si Ganesha daw ang god of the beginnings at ng intellect at wisdom.


Maliit lang ang isla ng Bintan kaya kaunti lang ang pwedeng gawin. Isa sa iilang activities dito ang pagbisita sa Mangrove Forest.






Maliit lang ang Bintan kaya ok na ang 2-3 days na pagbisita dito kung gusto mo lang mag relax at maiba ang atmosphere. Kung gusto mo lang magpaSpa at mag sun-bathing ay ok na ok ito.
I’d love to hear from you!