Kasunod ng post kong Singapore Day Stroll, heto na nga yung night stroll pati stroll sa Sentosa at Universal Studios Singapore.
Tingnan niyo na lang yung mga picture ha? Puro picture walang kwento eh he he
At kung nakakapagtaka ang pag-iinarteng watermark, aba mahirap na. Sa panahon ngayon, hindi lang yung mga propesyonal na photographers ang nananakawan kundi pati mga simpleng mamamayan na tulad ko. 😛



Para sa tulad kong galing sa Middle East, nawirdohan akong makakita ng Persian Resto sa SG tapos may belly dancer pa na Asian. Ang weird lang sa paningin ko dahil madalas Arabic or Russian ang nakikita kong belly dancer eh.
Gaya nga nung sinabi ko sa una kong post na ang chaka nung hotel na tinuluyan namin, day and night tuloy kaming strolling. As in. Babalik lang kami sa hotel pag sobrang pagod na para makatulog na agad.
At dahil naman wala kaming kaalam-alam at wala kaming kaplano plano kung ano ang gagawin namin sa Singapore ay naisipan naming mag cable car na lang muna at bahala na kung saan kami mapadpad.
Maganda naman ang view kapag nakasakay sa cable car.




Sa Sentosa yung last stop ng Cable Car, tapos babalik na naman siya sa kaniyang pinanggalingan.


Dumako na tayo sa Universal Studios Singapore (USS).
Medyo pinagparte parte yung USS eh. May isang dako para sa mga fans ng Transformers.

Meron naman, Egyptian ang theme.


May parte naman na talagang para sa mga bata at isip bata.
Banda dito naman, medyo Western ang architecture and design.



Daming dilaw na kotse sa USS.
Nung college ako, may nagsabi sakin na mahahanap mo daw yung soulmate mo kapag nakakita ka ng sampung dilaw na kotse. Bihirang bihira pati ang dilaw na kotse sa Pinas nung time na yun.
Bale, yung unang guy daw na makikita ko after nung sampung yellow cars, yun na daw si soulmate. Nak ng teteng. Siyempre dahil SSB (Single Since Birth) pa ako no’n naniwala naman ako. Desperate times, desperate measures. LOL. Pero ayun, hindi totoo.
I’d love to hear from you!