Singapore Day Stroll

 

Matagal kong pinag-isipan kung ipopost ko ba itong mga litrato ko nung nagpunta ako ng Singapore kasi unang-una sobrang late na nito dahil last year pa ako nagpunta don, pangalawa hindi naman ito travel blog eh. At hindi ko naman masyadong paborito yung trip ko sa Singapore, di tulad nung dalawa kong trip sa Maldives (1) Wedding/Muro Ami Trip at (2) Ultra-Stress-Buster Trip na di ako magsasawa kahit ulit-ulitin.

Pero sinisilip ko yung mga pictures ko, madami pala.  Naisip ko na haay maibahagi na lang kesa amagin sa baul.

So ito. Hindi ako seasoned traveler eh kaya nga hindi travel blog itong blog ko. At iilang lugar pa lang naman ang napuntahan ko. At pag nagtatravel ako, kinukuhanan ko lang ng litrato yung mga random kong mapag tripan kesyo may history siya o wala. So wag mag-expect please.

Dahil wala akong masyadong kwento tungkol sa Singapore (pwera na lang sa wirdong hotel na tinuluyan namin na hindi libre ang wifi at walang almusal dahil nagtipid kami na maraming alikabok at basura sa ilalim ng kama nung hinila namin dahil may nalaglag kaming barya) eto puro litrato na lang.

 

Bird Singapore

Buildings

Ferris Wheel 2

LV
oh, para sa mga mahilig sa LV. Eto na heaven niyo
Mall
The Shoppes at Marina Bay Sands Buti pa dito may wifi at sobrang lakas pa. Sa wirdong hotel wala!
Merlion
Merlion
Museum
Di ko alam kung anong meron sa loob nito dahil hindi kami nakapasok. 

SG

The Thinker
Ang tawag daw dito ay The Thinker. Isa sa napakaraming kopya ng popular na gawa ng artist na si Auguste Rodin. Nag-iisip ba talaga siya? O inaantay niya yung Forever niya?

Violets

Window of Hope 2

Window of Hope
Eto naman daw yung window of hope – as explained sa itaas.

 

Bilang ang pamagat nito ay Singapore Day Stroll, malamang masusundan ito ng Singapore Night Stroll dahil may ibang ganda din ang SG sa gabi.

10 responses to “Singapore Day Stroll”

  1. Uy nasa SG ka! Kala ko recent lang.. sayang kako’t di pa tayo nagkaabot. But I’m glad pinost mo ‘to dahil napakagaganda ng mga kuha mo. Galing! 🙂 PS: Kala ko nag na-number 2 si Thinker. Haha 😀

    Liked by 1 person

    1. Hindi last year pa yan. Di ko sana balak ipost kasi di naman nga ito travel blog. Pero daming pics eh…may part 2 pa yan… hehehe…nasa SG ka?

      Wait di ko na gets…ano yubg nag-nunumber 2? Wahahahha

      Liked by 1 person

      1. dumaan lang sa SG. yung nag na-number 2 ay pagkatapos ng number 1. Hahahaha Pag nagkita tayo sabihin ko sayo 🙂

        Liked by 1 person

        1. Tsssk. D ko talaga gets ung number 2 na yan hahahaha

          Like

  2. […] ng post kong Singapore Day Stroll, heto na nga yung night stroll pati stroll sa Sentosa at Universal Studios […]

    Like

  3. saan yung cheap na weirdong hotel? para di na kami mag-book dun 🙂

    Liked by 1 person

    1. Bwahahahah pm ko na lang sayo at baka sabihin ay naninira pa ako haha

      Like

  4. […] matapos ang aking mga post tungkol sa day and night stroll ko sa Singapore, ito naman ang aking ikukwento. Ang aking paglalakwatsa sa […]

    Like

  5. […] first leisure travel experience was a combined trip to Bintan, Indonesia and Singapore with non-Ig-husband and my sister in law. Though I have been traveling back and forth to Dubai, I […]

    Like

  6. […] first leisure travel experience was a combined trip to Bintan, Indonesia and Singapore with non-Ig-husband and my sister in law. Though I have been traveling back and forth to Dubai, I […]

    Like

Leave a Reply to aysabaw Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: