Ayun nga, NaBloPoMo na. Seriously mas madali bigkasin yung buong National Blog Posting Month kesa sa shortcut nito na parang tongue twister.
So, ano naman meron?
Araw-araw daw magpopost ng kahit ano ngayong buwan ng Nobyembre. Gusto ko sumali kaso dapat ingles ata ang isusulat dito. Ayaw ko. Baka duguin ako.
Sana may isang Pinoy blogger na magpasimuno ng ganito. Parang ang gandang exercise lang kasi. Saka magiging plataporma ito para mas maging masaya at aktibo pa ang Pinoy blogging community.
Pero may kilala ata akong araw-araw nagpopost dahil anniv ng blog niya. Diba Doc?
So ayun. Exercise sana yung ganito para sa mga ningas kugon na katulad ko. Kaya lang sana may ganito na puro Tagalog lang ang isusulat ha ha.
Though isang magandang exrcise na rin sa mga manunulat yung patimpalak ng SBA.ph na inabangan ko pero wala akong naisulat. Hindi pala sa walang naisulat, marami akong drafts na hindi ko natapos at hindi ko alam kung paano tatapusin. Either wala talaga akong nakuhang inspirasyon o hindi lang talaga ako kwentista. At dahil bukas na yung deadline eh wala nakong pag-asa ha ha.
Ayun lang. Good vibes. Mag-iiwan na lang ako dito ng isa na namang gawaing sinimulan ko at kinatamaran ko din. Napakaningas kugon lang talaga.
I’d love to hear from you!