DIY Sharpie Mugs

May nadiskubre na naman akong bagong libangan at sana hindi na naman ako ningas kugon. Ito ay yung DIY Sharpie Mugs.

Ano ba yung Sharpie?

Sharpie

Sharpie yung recommended na brand ng marker para pan-drowing dun sa mug. Hindi ko alam kung bakit eh. Nabasa ko lang din he he.

So ayun, ano na naman bang kalokohan ito?

Minsan kasi pag di mo alam kung ano ang ireregalo mo pero yung totoo wala kang pambili ng regalo ay lumalabas ang creativity mo.

Nung nag search ako ng mga DIY gifts, lumabas ‘tong personalized Sharpie Mugs na ito. So naisip kong subukan. Mukha namang madali ha ha I wish!

Mahirap pala maglettering sa mug kasi hindi siya flat surface. Mas mainam na praktisin muna ang isusulat o idodrowing sa papel bago ito gawin sa mug. Pwede ring sa mug ka na magpraktis kasi pwede mo naman burahin kapag hindi mo ito nagustuhan o kapag nagkamali ka dahil nabubura yung tinta pag ginamitan ng bulak at alcohol.

Take note na kailangan Ceramic yung mug mo. Kasi pagtapos mong drowingan yung mug, kailangan siyang i-bake sa oven for 30 mins na may temperaturang 350 degrees F. So kung manipis yung mug, magka-crack.

At kung bakit natin kailangan i-bake, iyon ay para hindi mabura ang drowing mo sa mug pag hinugasan ng tubig at dishwashing liquid o kaya pag pinahidan mo ng alcohol.

Ngayon, ito yung una kong eksperimento. Ha ha, libre lait.

20151017_164335

Eto naman yung pangalawang batch (batch talaga?) Libre lait ulit pero naibigay ko na iyan sa mga friends ko at kita niyo naman, ginamit na nila kaya may tsaa na.

Ang weird lang kasi kumupas yung pulang tinta. Di ko alam kung dahil sa sobrang init dahil poorera yung oven namin at walang nakasulat kung anong temperature na ba o kailangan kong doblehan ng tinta bago isalang sa oven para di kumupas. Pero anyway, marami pang mug na pwedeng pag eksperimentuhan. Ha ha.

received_10207270238891001

So ayun lang. Hanggang sa muli kong pagsisipag.

6 responses to “DIY Sharpie Mugs”

  1. Nice ! Doable ! I’ll do that too ( gifts for co-workers )

    Liked by 1 person

    1. Lol…i also thought of giving these for christmas hahahaha

      Like

  2. sureness hindi mabubura?

    Liked by 1 person

    1. Bwahahhaha oo…basta lang pagtapos i-bake…palamigin mo muna bago mo hugasan hehehe…..

      Liked by 1 person

  3. […] nakaraan ay nagpost ako ng tungkol sa natuklasan kong DIY  Sharpie Mugs. At dahil naka ilang trial and error na ako at nalaman ko kung bakit kumukupas eh ito magpopost na […]

    Like

  4. 😍😍😍😍😍😍

    Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: