Hello! Hello! Hello!
Heto na naman. Dumating na naman ang araw kung saan nadadagdagan ang edadย at wrinkles natin.
Tatlong dekada na pala akong namamalagi sa mundong ito.
Pinangalandakan pa talaga?
Ayus lang.ย Hindi ko pa din ma gets kung bakit nahihiya yung iba na sabihin ang kanilang edad, wala naman akong nakikitang dapat ikahiya.ย After all, it’s just a number, ika nga.
Ano nga ba ang pakiramdam pag umabot ka na sa edad na treinta? Parang wala namang kakaiba. Siguro sa pisikal na aspeto, may nagbago. Tulad na lang ng patuloy na paglabo ng aking mga mata at ang pagsuko ng akingย katawan saย mabibigat na trabaho ย tulad ng pagsasalok at pagbubuhat ng mga baldeng Boysen paints kumpara nung ako ay nasa early 20s pa lang. Siguro ito yung mga maliliit na pagbabago na dala ng pagtanda. Normal lang naman yan. Pero bukod sa paglabo ng mga mata at kaunting pagsakit ng kasukasuan, aba ganun pa din naman ang aking pakiramdam.
Young at heart paย rin naman!
Nanonood pa din ng anime, nakikipagsingitan pa sa mga bata sa Arcades, Punks Not Dead pa rin minsan kung manamit, kinikilig pa din sa mga pang teenager na Korean Novelas, takot pa din sa mumu (haha) at parang bata pa ding pwedeng bigyan ng ice cream para mapatahan sa pag-iyak (OA ata tong huli? he he).
Kidding aside, siguro dala na din ng pagtanda ay ang pagdalas ng pagmumuni-muni. Hindi naman nasayang ang tatlong dekada ko sa mundo na wala akong naranasan at natutunan. Kaya heto, heto ang ilan sa aking napagisip-isipan.
- Malaki ang kaibahanย ng matanda sa mature.
- Hindi masamang ย ipakita ang kahinaan paminsan minsan. Hindi masamang yumuko sa hampas ng hangin kung hindi mo na kaya. Mas lalo kang nagmamatigas, mas madali kang mababali.
- Tinigilan ko na ang pagtatanong ngย what ifย at what could have been.ย Sa ngayon mas gusto ko nang itanong sa sarili ko ang mga what elseย orย what more could I do.
- Maraming tao kang makikilala na makapagbabago sa lahat ngย mga pinaniniwalaan mo.
- May mga taong dadaan lang sa buhay mo pero hindi magtatagal. Magiiwan lang ba ng marka? Kung nagiging tattoo lang ang mga markang ย ito, makulay na siguro ng balat ko.
- Ginusto kong maging si Darna dahil gusto kong maging bayani. Pero na realize ko na hindi ko kailangang maging si Darna para maging bayani.
- Sabi ng nanay ko, noong bata pa ako ay hindi niya ako hinahayaang humawak kung saan-saan. Hindi naman dahil sa dumi, kundi napakahigpit ko daw kung makahawak. Nadala ko na yata ang ganitong ugali, kung makahawak mahigpit. Pero may mga tao at bagay ย na parang kahoy. Pag hinawakan mo, yung iba ay makinis at safe haplusin. Yung iba naman ay magaspang at nakakasugat habang yung iba ay nakakasaluksok. Bumabaon sa palad ang maliliit na parteย ng kahoy naย kay sakit tanggalin. Mas higpitan at tagalan mo pa ang hawak, lalong sumasakit, lalong lumalalim ang saluksok. May mga tao o bagay na mas lalo mong pinaghahawakan, lalo ka lang masusugatan.
- May mga pangarap na sadyang hindi mo na kaya pang abutin pero mananatili itoย sa iyong puso na parang unang pagibig. Masakit dahilย alam mong hindi na talaga pwede pero mapapangiti ka tuwing maalala mo.ย
- Ang pagtupad sa iyong pangarap ay parang pakikipagtanan sa kasintahang pinagbabawal. Dapat handa kangย iwan ang lahat kung gusto mong sundin ang nasa ng iyong puso.
- Maraming bagay kang kinatatakutan na makakayanan mong i-overcome kapag mag-isa ka na lang at alam mong wala kang matatakbuhan.
- Ang pagibig ay dumarating sa tamang oras at panahon.
- Pag ako ay depressed, iniisip kong mas marami pang ibang bagay na kadepress depress sa mundo kaysa sa problema ko nang sa ganon ay mabawas-bawasan ang bigat na dinadala ko.
- Kapag lumalapit sa akin ang mga kaibigan kong heart broken at iniwan ng mga jowa, isang payo lang ang binibigay ko at tumitigil na sila sa pag-iyak. Tantanan mo na ang kakaiyak mo dahil sa manlolokong ‘yan. Maraming bata sa Africa at sa buong mundo ang namamatay dahil walang makain. At hindi na bumabalik sakin ang mga kaibigan ko para manghingi pa ng payo.
- Kapag lumalaki ang ulo ko at feeling ko ang galing-galing ko na, naghahanap ako ng ibang taong mas magaling pa kaysa sa akin at hinahamak ko (ng kaunti) ang aking sarili. Una, para manatili akong nakatungtong sa lupa at pangalawa ay maging inspirasyon ko para pag-igihan ko pa.
- May mga taong parang isang sikat na sikat na kanta na paulit ulit na pinapatugtog sa radyo. Paulit ulit mong maririnig sa iyong puso at isipan, paulit-ulit mong kakantahin. Pero gaya ng sikat na kanta, naluluma din ito at hindi maglalaon ay hindi na maririnig pang pinapatugtog sa radyo. Pero ang awiting ito na minsa’y namayagpagย sa iyong puso at isip ay hindi na namawawala pa kailanman at kahit gaano na ito kaluma, kapag narinig mong ulit ayย magbabalik sa iyo ang alaalang inukit nito na parang ito’y nangyari kahapon lang.
- May mga tao, bagay o pangyayaring dadaan sa’yo na parang isang bagyo’t iiwan kang basang-basa, nilalamig at gulong-gulo. Pero nananalanta man ang bagyo, hindi naman ito nagtatagal.
- Kailan man ay hindi naging fair ang mundo kaya wag ka nang umasa.
- May mga problemang hindi alak ang katapat dahil hindi sa lahat ng panahon, solusyon ang paglimot. Minsan kape lang ang kailangan mo para magising ka at makapag-isip ng klaro.
- Madamingย bagay sa mundong ito naย mahirap unawain.
- Umibig ng wagas na parang wala ng bukas.
- Amerika ang may kasalanan ng lahat ng World War.
- Maraming babae ang tanga at marami ding lalakeng gago and vice versa.
- Kung meron man akong palaging ipinapanalangin sa taas, iyon ay bigyan lang ako ng sapat. Wag akong bigyan ng sobra para ako ay hindi makalimot, at wag din akong bigyan ng kulang para ako ay hindi magdamdam.
- May mga bagay tayong inaasam-asam buong buhay natin. Pero pag nakuha na natin ito, ang pakiramdam ay tulad ng pakiramdam ni Fermina Daza nung makita na niya si Florentino Ariza matapos ang mahabang panahon ng pananabik. ย Disillusioned.
- Dala ng kabataan o minsan ng kamangmangan ang kapusukan. Matutong kumalma at maghintay.
- Tayo ay mga manlalakbay lamang. At ang lagiย kong hiling ay sana makapag-iwan ako ng magagandang alaala sa bawat madadaanan ko sa kalsadang aking binabagtas.
- Mabilis akong magtiwala. Ang problema, hindi lahat ay pwede pagkatiwalaan.
- May taong tumanda na lang ay hanap pa din ng hanap ng kanilang Purpose in Life. Kung ano ka ngayon, iyan na ang silbi mo sa mundo.
- Kahit gaano ka na katanda at kadunong ay makakagawa ka pa din ng pagkakamali. Pero kahit gaano ka pa katanda, pwede ka pa ding magsisi at magbago.
- Hindi Niya tayo kinakalimutan kaya huwag na huwag ding tayong makakalimot.
*Birthday ko buong Oktubre ๐
I’d love to hear from you!