Halos siyam na oras ng nakaupo, nakatingin sa screen, sa bintana o sa mga katabi. Halos siyam na oras na nakalutang sa ere. Minsan nakakatulog, minsan hindi. Madalas naiinip.
Pero walang mas nakakainip pa kaysa sa pinakamahabang isang oras at dalawamput walong minutong nalalabi bago lumapag ang eroplano.
Di na napapakali. Antok pero di makatulog. Pagod pero mulat. Panay na ang inat ng mga kamay  at paang nangangalambre na sa  ngawit at lamig. Panay na ang sulyap sa screen kung saan may nakasulat na Manila.
***
Ulan.
Trapik.
Walang disiplina.
Walang pinagbago.
Pero kahit ano pa man ang aking abutan, patuloy pa rin kitang babalikan.
Para kang unang pag-ibig na kahit wala na’y palagi pang nandyan (anudaw?).
Parang bisyong kahit bawal ay paulit-ulit pang babalikan.
Pilipinas kong mahal 🙂

I’d love to hear from you!