Maldives Ulit.

Nag Maldives na naman si Sabaw noong Hulyo. Noong isang taon ay nanggaling na siya rito, pero hindi nakatiis at bumalik ulit.

Ito kasi ang paraisong nagsisilbing takbuhan ni Sabaw kapag nabuburyo na siya sa disyerto. Napakalapit lang kasi, apat na oras lang ang biyahe mula Dubai at hindi pa kailangang problemahin ang visa.

Speedboat
Dinala sila Sabaw ng speedboat mula sa Male (kapitolyo ng Maldives) papunta sa isla.
Villa
Dito panandaliang nanuluyan si Sabaw – Villa sa Angsana Ihuru
Beach Loungers
Dito niya natatagpuan ang katahimikan….
Beach
at kapayapaan ng isip…
Breakfast
Kung saan siya ay nagigising sa malumanay na tunog ng mga alon sa umaga at hinahainan ng masarap na almusal…
Lunch
….at tanghalian sa tabing dagat
Stingray feeding
Dito ay inaalagaan ang mga lamang dagat (tuwing hapon ay pinapakain nila ang mga Stingray at nakiki agaw sa isda ang ibong si Mario)
Mario
Ito si Mario…
Turtle
Dito, pinangangalagaan nila ang buhay at kalikasan….
DCIM100GOPROGOPR0192.
Dito rin napapalapit si Sabaw sa kalikasan (matindi ang kapit ni Sabaw sa kanyang kaibigan dahil may nakita siyang pating sa hindi kalayuan)
Yacht
Sinubukan ni Sabaw agawin ang manibela pero hindi siya nagwagi….
Buwan
Dito lang siya nakakahiga sa ilalim ng kalangitang binibigyang liwanag ng buwan at mga bituin…

Hanggang sa muli kong pagbabalik aking paraiso.

30 responses to “Maldives Ulit.”

    • Hala…hindi po. ako ay abot kamay lamang. Inaayunan lang po ng pagkakataon kaya ako ay napadpad dyan sa paraiso. At kung may pagkakataon ay paulit ulit pa akong babalik dyan haha

      Like

  1. Naaliw ako bukod sa sobrang gandang beach and villa, ang daming species ng hayop sa iisang post na to! Paradise! And and ganda ng kuha mo sa moooooooon!!!!! At ang dami kong comments and suggestions (chos) sa araw na to. Sorry naaliw lang ako sa adventures and lovelife mo! haha!

    Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: