Maldives Ulit.

Nag Maldives na naman si Sabaw noong Hulyo. Noong isang taon ay nanggaling na siya rito, pero hindi nakatiis at bumalik ulit.

Ito kasi ang paraisong nagsisilbing takbuhan ni Sabaw kapag nabuburyo na siya sa disyerto. Napakalapit lang kasi, apat na oras lang ang biyahe mula Dubai at hindi pa kailangang problemahin ang visa.

Speedboat
Dinala sila Sabaw ng speedboat mula sa Male (kapitolyo ng Maldives) papunta sa isla.
Villa
Dito panandaliang nanuluyan si Sabaw – Villa sa Angsana Ihuru
Beach Loungers
Dito niya natatagpuan ang katahimikan….
Beach
at kapayapaan ng isip…
Breakfast
Kung saan siya ay nagigising sa malumanay na tunog ng mga alon sa umaga at hinahainan ng masarap na almusal…
Lunch
….at tanghalian sa tabing dagat
Stingray feeding
Dito ay inaalagaan ang mga lamang dagat (tuwing hapon ay pinapakain nila ang mga Stingray at nakiki agaw sa isda ang ibong si Mario)
Mario
Ito si Mario…
Turtle
Dito, pinangangalagaan nila ang buhay at kalikasan….
DCIM100GOPROGOPR0192.
Dito rin napapalapit si Sabaw sa kalikasan (matindi ang kapit ni Sabaw sa kanyang kaibigan dahil may nakita siyang pating sa hindi kalayuan)
Yacht
Sinubukan ni Sabaw agawin ang manibela pero hindi siya nagwagi….
Buwan
Dito lang siya nakakahiga sa ilalim ng kalangitang binibigyang liwanag ng buwan at mga bituin…

Hanggang sa muli kong pagbabalik aking paraiso.

30 responses to “Maldives Ulit.”

  1. Wow! Ganda naman dyan! Gusto ko din makapunta! Anyways, galing kumuha ng pictures ah. Lalo na yung buwan. Paano mo nakuhanan ‘yun?

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha….pacham lang ang lahat ng kuha…hay nako waxy…maiinlab ka pag nagpunta ka dyan…babalikbalikan mo haha

      Like

      1. Whoo. Hehe. Ya, sana nga makarating dyan. Nag-barko kba papaunta dyan mula sa Dubai? or Plane?

        Liked by 1 person

        1. Hehe… kayang kaya nyo na yan…4hrs by plane from Dubai to hehe

          Like

    2. Ung sa buwan…zoom lang yan hahaha may 30x zoom ata ung cam ko

      Like

  2. naks, pang national geographic ang mga kuha mo. 🙂

    Liked by 2 people

    1. Naku di naman po. Pero salamat sir at welcome back ha

      Liked by 1 person

  3. ganda ng mga litrato!

    apir!

    Liked by 1 person

    1. salamat po he he
      apir!

      Liked by 1 person

  4. Wow! Ganda naman diyan! Sobrang mahal ba diyan? 🙂

    Liked by 1 person

    1. Hahaha. Sakto lang :p

      Liked by 1 person

      1. Parang pag-ibig. Dapat sakto lang.LOL!

        Liked by 1 person

        1. Hahahaha… na i segway pa ang pagibig. Ayus yan

          Liked by 1 person

  5. […] trip ko sa Singapore, di tulad nung dalawa kong trip sa Maldives (1) Wedding/Muro Ami Trip at (2) Ultra-Stress-Buster Trip na di ako magsasawa kahit […]

    Like

  6. Nakakainggit naman ito, Sabaw. Mahirap ka ng abutin. Ako’y nasa puntong pinapanaginipan ko lang ang makapunta sa lugar na yan.

    Nakakalulala sa ganda. Paraisong tunay.

    Liked by 1 person

    1. Hala…hindi po. ako ay abot kamay lamang. Inaayunan lang po ng pagkakataon kaya ako ay napadpad dyan sa paraiso. At kung may pagkakataon ay paulit ulit pa akong babalik dyan haha

      Like

      1. Okay lang yan. Sa travel bloggers, astig ang mga nakapunta na sa ibat-ibang bansa. Dalawa pa lang naman sa akin: Pilipinas at Saudi Araba-kung saan ako nagta-trabaho ngayon.

        Liked by 1 person

        1. Kaya nyo yan Sir. Kayo pa? He he he.

          Like

          1. Nako, hindi. May ibang prayoridad na tayo ngayon.

            Liked by 1 person

          2. Tssk. Sayang naman. Malay nyo naman…balita ko may mga travel bloggers na naiimbitahan para mag stay sa mga hotels…..

            Like

          3. Sa sobrang lupit ng ibang travel bloggers sila sila nalang ang nai-imbitahan.

            Minsa palang ako nakatikim ng sponsorhip. Yan ay dun sa isang resto dito sa Riyadh. Ang problema, di ako nakapagyabang kasi ang tema ay libre ang kakainin pero ire-review ko, kukunan ng litrato, tanong ng kung anu-ano, pero higit sa lahat, wag ipaalam na inimbitahan ako. Kailangan daw na magmukhang pumunta ako dun sa resto out of my own volition. Kita mo yung litrato…Di na nasundan. hehe

            Like

          4. Aha. Ganyan pala ang kalakalaran. Buti na lang pala….pangit nga yan pag inimbitahan ka. Di mo maookray bilang libre lahat ha ha

            Like

  7. Naaliw ako bukod sa sobrang gandang beach and villa, ang daming species ng hayop sa iisang post na to! Paradise! And and ganda ng kuha mo sa moooooooon!!!!! At ang dami kong comments and suggestions (chos) sa araw na to. Sorry naaliw lang ako sa adventures and lovelife mo! haha!

    Liked by 1 person

    1. Hahahha naku mas marami pang hayop kaso ayokong lumapit at ayaw ko picturan hahahahaha….nagulat nga ako sa iyong paghahalungkat lol

      Liked by 1 person

      1. Haha ahas ba yung ayaw mong lapitan?

        Pindot lang ako ng pindot sa related posts mo sa baba kaya napadpad dito haha!

        Liked by 1 person

        1. hahahaha so far wala pa namang ahas…ayoko lapitan yung mga isda…nanghahabol sila lol gusto ko lang sila tingnan sa malayo

          Liked by 1 person

          1. totoo! yung feeling na didikitan ka nila haha!

            Liked by 1 person

          2. May nanghahabol kaya…nung isang araw nga nakikipag karera sakin yung mga sapsap eh sabi ko…kainin ko kayo dyan eh lol

            Liked by 1 person

          3. ahahaha! Natawa ako dun! at sapsap talaga!

            Liked by 1 person

          4. Hahahahahha oo tong mga sapsap na to…ulamin ko pa sila talaga lol

            Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: