OOTD

Isang walang kakwenta-kwentang post na naman ang ibabahagi ko sa inyo ngayon na walang maitutulong sa ikauunlad ng sambayanang Pilipino pero ibabahagi ko pa rin.

Wala kasi akong masabi dahil marami na ang nasabi tungkol sa kapalaluan ng BOC and friends at sa pangangampanya ni Mar Roxas kaya ito na nga lang.

Nainggit ako sa OOTD post ni Kuya Keso kaya gaya-gaya naman ako 😛 inggitera kamo ako

Perstaym ko sa buong buhay ko ang pagpopost ng OOTD-OOTD nato (oto-oto to-day) at malamang ito na ang huli dahil walang kakwenta kwenta ang mga outfit ko.

Aysabaw
Siya ang nasa likod ng mga kalokohan sa blogsite na ito 🙂

Blouse: Satin-One-Size-Fit-All Blouse by Koton AED 35 : eto ang blouse na swak sayo kahit pumayat o tumaba ka man. Ang pinakamatinding feature ng blouse na ito ay hindi halata ang bilbil sa tyan.

Skirt: Nanay-Pencil-Cut-Skirt by H&M AED 95 :Ang nanay pencil cut skirt ay ang paldang hindi hapit at ang haba ay lampas tuhod. Dahil sa istilo nito, hindi sya kayang liparin ng hangin kaya’t safe.

Shoes: Pangharabas Shoes by Payless (hindi yung noodles) AED 65 : Ang sapatos na ito ay maraming purpose. Pwede pamasok at panglakwatsa. Pwede mong ipangharabas o ipantakbo-takbo kapag maiiwan ka na ng bus o kaya kapag malapit na magkulay red yung stop light. Madali din itong linisan. Sa lugar na ito na nauubusan na ng langis pero sagana pa din sa buhangin, kelangang ang bilhin mong sapatos ay madaling linisan. Yung de-pagpag lang.

Lipstick: Chili by Max Factor AED 75: yung totoo mas mahal pa yung lipstick kaysa sa sapatos o kaya kaysa sa blouse. Hindi siya lasang Chili pero kasing pula siya ng Chili. Bagay sa mga mapuputlang mukha.

Eyeglasses: Frame by Fucci (made in Italy daw) : Well, itong salamin ay hindi dapat kasama sa OOTD dahil hindi ko sinuot yan para ipamporma. Malabo na talaga ang mga kawawa kong mata.

Pose: Ang tawag sa pose na ito ay sandamakmak-na-ang-trabaho-nakuha-pang-gumawa-ng-walang-kwenta-pose.

Fashion Tips: 

  1. Kung gusto niyong magmukhang maputi kahit di kayo gumagamit ng glutha, magsuot kayo ng damit na dark ang kulay. Hindi ko gusto magmukhang maputi pero mahilig lang ako sa itim na damit.
  2. Kung ayaw niyo mahalata ang bilbil, di niyo na kailangan pa magpapayat. Magsuot ng maluluwag na damit.
  3. Pumili lang ng mga damit at sapatos na komportable.
  4. Magshopping lang kapag sale unless sobrang kailangan niyo talaga.
  5. Wag kayong magshopping kung wala kayong pambili.

Ngayon ang tanong, pwede ba akong maging fashion blogger? HINDEEEEE!!!!

Kung sinayang mo ang limang minuto mo sa pagbabasa nito, ibig sabihin mabilis ka magbasa.

Kung sinayang mo ang sampung minuto mo sa pagbabasa nito, ibig sabihin mabagal ka magbasa.

***

Edited

PS. Di ko sinasabing walang kwenta ang nagpopost ng mga OOTD na yan ah….itong OOTD post ko lang ang walang kwenta. World peace. Thanks.

 

 

28 responses to “OOTD”

  1. Haha … I’ve been watching jesica Soho on You Tube. That’s where I heard OOTD or something… fashion outfit for the day , isn’t it ?

    Here’s the thing about Jesica Soho…. I don’t find watching her aesthetically pleasing to watch.

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha…i wanna see this video too…i’ll check it out lol…yeah it is outfit of the day hehehe

      Like

  2. Bakit ang liit ng picture??

    Liked by 1 person

    1. Para d mkita yung mukha ko hahahah…baka huntingin nyo pa ko haha

      Like

      1. hindi rin kita yung outfit kasi e, saka yung lipstick at iba pang cheverloo. 😛

        Liked by 1 person

        1. Bwahahhaa ok na yan

          Like

  3. Makapag-OOTD nga din. Hahahahahaha.

    Liked by 1 person

    1. hahaha dali na…the more the merrier…tag-tag na lang….hahaha

      Like

      1. kaya lang naka-team shirt lang ako ngayon e. nakakahiya.

        Liked by 1 person

        1. bwahahahah carry lang yan…patungan mo na lang ng jacket haha…tapos bumawi ka na lang ng OOTD part 2 kapag napaghandaan haha

          Like

          1. the pressure ha. hahahahaha.

            Liked by 1 person

          2. Bwahahahah….as if naman may kwenta ootd ko para mapressurenka pa dyan bwahahaha

            Like

          3. grabe. hahahaha. post ko pag maganda yung kuha.

            Liked by 1 person

          4. hanap ka na lang din ng matino-tinong photographer dyan na mauuto mo hahahah

            Like

          5. hanap na rin ako ng runway tapos rampa mode na. and never forget the sponsors.

            Like

          6. hahahaha cge aantayin ko yan ah at naeexcite ako sa post mo bwahahah

            Like

  4. […] Napressure lang po ako sa post ni Kuya Keso at ni Ate Sabaw. Teka. Ano ba talaga name […]

    Like

  5. Kahit maliit ‘yung pic, ‘pag ni-click mo, nag-f-full size. Hehehe. Magandang OOTD Post ito. Gusto ko din ng maluwang na blouse + pencil skirt para mukhang sexy kahit di masyado. Hahaha.

    Liked by 1 person

    1. Wahaha…tama yan…mabuti at may natutunan ka sa ootd ko wahaha….ootd post kna din nyan

      Like

  6. yayadub na yayadub, haha, kamusta naman si alden?

    Liked by 1 person

    1. Ano to cup? Yayadub nung nakidnap? O si Mommy Dub-isadora? Hahaha

      Like

  7. not bad. i liked it. 🙂 .

    Liked by 1 person

    1. Hahaha joke time lang po yan

      Liked by 1 person

  8. Musta Sabaw nice post

    Liked by 1 person

    1. Hehe ayus lang. Grabe sa flood ah hehe

      Liked by 1 person

      1. He he he

        Liked by 1 person

  9. Waaahhh, ung lahat po ng tips niyo, ginagawa ko. wahaha. Lalo na po ung #2. Especially kapag may kainan. Wahaha. 😂😂😂😂😂😂

    Liked by 1 person

    1. Wow nagbabackread na naman sya bwahahahah

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: