Sulat para sa may-akda ng post na ito Do you live in one of these 15 countries with the most beautiful women on Earth?
Una sa lahat, inisip ko na baka kaya mo isinulat ito dahil nagagandahan ka sa mga kababaihang pinost mo at wala naman akong problema doon kung yon ang opinyon mo. Natutuwa din ako na kasali ang Pilipinas sa mga napili mo o sa mga sa tingin mo ay nagagandahang babae kung saan nakalagay ang picture ni Marian Rivera at ni Meagan Young na parehas na mestiza, hindi purong Pilipina.
Ito ang listahan mo ng mga bansang may pinakamagagandang babae. So lahat ba ng hindi kasali sa nilista mo ay mga panget?
1. Sweden
2. Brazil
3. Ukraine
4. Denmark
5. Argentina
6. Colombia
7. Russia
8. Venezuela
9. Italy
10. Netherlands
11. Canada
12. USA
13. Australia
14. United Kingdom
Gusto ko lang sana itanong sa iyo kung saan at paano mo nakuha ang standards ng kagandahan?
Taking the first place is Sweden, home of the goddesses with fair skinned lovelies that have pretty blue eyes and tall sleek builds.
Kung Sweden ang may mga pinakamagagandang babae para sa iyo dahil sa kulay ng balat at mata at sa tangkad at korte, nais kong malaman kung kailan pa ito naging standard ng beauty ng isang babae? Kung iyan ang standards ng beauty edi sana hindi na kayo nagsasali ng mga kandidata sa Miss Universe na mula sa Asia at Africa.
Sabagay opinyon mo iyan at nirerespeto naman namin yan.
Pero, alam mo ba kung gaano kadami na ang nag-share ng post mo? Malamang alam mo dahil malamang kahit mga manyak na hindi naman talaga mahilig magbasa ay bubulatlatin ang artikulo mo dahil sa mga magagandang babaeng nakabikini na pinost mo. Malamang isa ito sa mga top posts mo. Nakita ko mga 20k shares na oh. Trending lang?
Kaso lang bilang isang manunulat, dama mo ba ang bigat ng epekto ng post mo sa mga mambabasa? Alam mo bang hindi maaring maintindihan ng lahat ng mambabasa na opinyon mo lang ito at hindi ito and standards ng tunay na kagandahan? Alam mo din bang racist ang post mo?
Alam mo ba kung gaano kadaming kababaihan ang maaaring madepress sa post mo? Alam mo ba kung gaano kadaming babae ang halos lumamon na ng sabong pampaputi, ang halos hindi na kumain para pumayat, para lang mapantayan ang mga beauty standards na nilalatag ng mga katulad mo?
Alam mo ba kung gaano kadaming non-blondes at non mestizas ang nabubully dahil sa mga post na tulad ng sinulat mo?
Wala namang nagsabing bawal maghayag ng opinyon sa cyber world.
Ang akin lang, write responsibly.
PS. Kung sakaling makarating sa iyo ito pero di ka nakakaintindi ng Tagalog, sorry na lang. Wala akong panahong mag Ingles para sa mga katulad mo.
I’d love to hear from you!