Translated

Oh well, kailangan ko pa magpost ngayon bilang katuparan ng aking sinimulang weekly routine. Ayun nga, WordPress Wednesday today at masakit pa din ang ulo ko. Balita ko kasi hindi daw naman talaga diniss ni Kris Aquino si Maria Ozawa at balita ko din magkapatid si BongBong Marcos at Grace Poe.

Matagal ko nang sinabihan ang sarili ko na wag magbasa ng balitang Pinas pero ang tigas pa din ng coconut shell ko kaya hayan sumasakit tuloy siya.

So, ano naman ang ibabahagi ko ngayon?

Nabasa ko sa mga comments ni Kuya Keso sa post ni Michaelang Kulit (tungkol sa facebook group ng mga WP bloggers) ang dahilan kung bakit puro Tagalog lang ang mga post niya.

i honestly like the idea it is just that I somewhat closed my doors to the world by writing exclusively in Filipino.❤ 

no worries joining naman. but will stick on how i post things right now.

ang totoo nyan, nagsimula ako sa English na posts. then na feel ko na i-can’t really express myself and that I feel some subjects reach out to our kababayans if you are using our native language. my “minute” number of readers appreciate that i was able to relate to them things on a ‘Pinoy’ perspective.

– Cheesecake

Well, totoo naman. Pinoy tayo at walang mas tatamis pa sa mga obrang likha mula sa ating sariling wika. Kaso may naalala ako.

Nung Mayo, pumasok ako sa language school at nagmagandang mag-aral ng German. So ang basic lessons halos basic conversations, pagpapakilala, syempre numbers and letters. Pinagcompose kami nung German Teacher ng sentence in German, na naghahayag kung ano ang mga lengwaheng gamit sa aming (mga estudyante) bansa.

So nung turn ko na para mag recite, eto yung sinabi ko:

In den Philippinen spricht man Tagalog, Englisch und etwas Spanien.

In the Philippines the languages spoken are Tagalog, English and a little bit of Spanish.

Medyo nagulantang yung teacher pati yung mga kaklase ko. Tinanong ako kung ano ang official language natin. Sabi ko Tagalog at English. Kako pati mga legal and official documents in English.

So hindi silang lahat makapaniwala ano… yung isang kaklase kong Half Bangladeshi, Half Japanese na marunong mag Niponggo, French, Spanish at Italian at nakakaintindi ng Dutch at nakakabasa ng Arabic ay nagmarunong at ginoogle pa ang official language ng Pilipinas sabay sabing “Sorry but I googled it and you are right. But how and why?”

Haller? Ako yung Pilipino don ako pa yung pinagdudahan kung mali ang sinabi kong official language?

Anyway, kaya nga walang career sa atin ang mga translators tulad ng mga Japanese, Chinese at Russians na kapag may group tour, laging may hina-hire na translator. Syempre ang mga noypi na may kakayanan na magtravel, mayayaman lang kaya mahuhusay din mag Ingles, aanhin pa ba ang translator?

So, mabalik nga tayo sa official language natin. Bakit nga ba dalawa ang official language natin ano? Syempre mahabang istorya na hindi ko na bubungkalin pa. Sa isang banda advantage siya dahil globally competitive tayo.

Sa isang banda, medyo nakakagulo din. Halo-halong Taglish na ang lengwahe lalo na ng mga kabataan. Minsan mali na nga magEnglish, masaklap mali pa grammar kahit Tagalog. Sabi nga ng katrabaho kong Russian, ang lengwahe daw nila ay napaka rich. Yung mga tula daw ay hindi maaaring isalin sa English dahil mawawala yung ganda at walang ibang term na pwedeng gamit sa pagsasalin nito sa Ingles. Ganun din naman ang wika natin hindi ba? May nabasa nga akong post ng isang sikat na Pinoy na author na ang Tagalog daw ay may natatanging kiliti na hindi kailanman maisasalin sa wikang Ingles.

So ano na? Di ko na alam kung paano tatapusin ito pero ang alam ko, pinlano kong ang post na ito ay isasalin ko sa wikang Ingles. Titingnan ko kung parehas yung feels ng iisang post sa magkaibang wika – though parang alam ko na yung sagot.

 

**************

Oh well, I need to post something today as a fullfillment to the weekly routine that I have started. Yup, it is WordPress Wednesday today and my head still hurts. I’ve heard that Kris Aquino didn’t really diss Maria Ozawa and I’ve also heard that BongBong Marcos and Grace Poe are siblings.

For the longest time I have told myself not to read Philippine news anymore but I am just so stubborn and so my head hurts.

So, what am I going to share now?

I saw in Cheesecake’s comments on Michaela’s post (about the facebook group of WP bloggers) the reasons why all his posts are in Tagalog.

i honestly like the idea it is just that I somewhat closed my doors to the world by writing exclusively in Filipino.❤ 

no worries joining naman. but will stick on how i post things right now.

ang totoo nyan, nagsimula ako sa English na posts. then na feel ko na i-can’t really express myself and that I feel some subjects reach out to our kababayans if you are using our native language. my “minute” number of readers appreciate that i was able to relate to them things on a ‘Pinoy’ perspective.

– Cheesecake

 

Well, its true. We are Filipinos and nothing else can be sweeter than masterpieces in our own language. But I remembered something.

Last May, I enrolled for a German Class in a language school. So the basic lessons covered basic conversations, self introductions, of course numbers and letters. The German Teacher asked us to compose a sentence in German, stating the language (s) spoken in our countries.

So when it was my turn to recite, this is what I’ve said:

In den Philippinen spricht man Tagalog, Englisch und etwas Spanien.

In the Philippines the languages spoken are Tagalog, English and a little bit of Spanish.

They were all a bit schocked, the teacher and my classmates. They asked what is the official language in the Philippines. I told them Tagalog and English. I also said that legal and official documents are in English.

So they really can’t believe…one of my classmates, a Half Bangladeshi, Half Japanese who speaks Niponggo, French, Spanish and Italian, who also understands Dutch and who can read Arabic searched the Philippines’ official language in google and said “Sorry but I googled it and you are right. But how and why?”

Hello? I am the Filipino in the class and she’s doubting my knowledge on my official language?

Anyway, that’s why there’s no career for translators in the Philippines unlike with the Japanese, Chinese and Russians that usually requires translators whenever they go for  out of the country trips. Of course, the Filipinos who can afford trips are the rich ones who can also speak English very well, so why hire a translator?

Now let’s go back to our official language. Why do we have 2 official languages? Of course it is a very long story that I don’t want to dig in. On one hand it is an advantage as we have become globally competitive.

On the other hand, it also creates confusion. A mixture of Tagalog and English is now commonly used especially by the younger generations. Sometimes the English grammar is wrong, what’s worse is that Tagalog grammar is wrong too. A Russian colleague once told me that their language is very rich. The poems can never be translated in English as it won’t be as beautiful and there are no English terms that can be used. Our language is just the same right? I saw a post of a very popular Filipino author saying may natatanging kiliti na hindi kailanman maisasalin sa wikang Ingles. (Sorry, I cannot translate 🙂 ha ha)

So, what now? I don’t know how to end this post properly but all i know is that I planned to translate this post in English. I want to see the difference of a a post with the same content but in different languages – though I thought I already know it.

 

*****

All in all, I am a very bad translator. Blame it on the migraine and to Kris Aquino.

20 responses to “Translated”

  1. My mom said at least 12 units of Spanish were required to graduate in the Philippines in her time. Filipinos should relearn English, too.. If the country stops this, it’s regressing. The Koreans are all agog to learn the English language. The Japanese too. It used to be speaking a second language was a true advantage of Filipinos over other nationalities…. but not anymore.

    Liked by 1 person

    1. Hi Ren..yes we badly need to relearn English but I thought if the Spanish requirement is still on to date…that could be an additional point to us. Now I am trying hard to learn another languagr as there are places like Dubai that wherein 3rd (European) language on your resume is a plus and will give you a higher value hehe…and yes the Japs and Koreans are now English speakers esp the younger ones.

      Like

  2. You are actually good. 🙂 It’s well-translated.

    Pareho tayo, umenglish muna nang bongga, at tsaka ko napagtantong may mga salitang hindi ko kayang bigyan ng katumbas sa English. Nababawasan ang kahulugan.

    Liked by 1 person

    1. Hahaha salamat sa patuloy mong pagtitiwala hahaha. At oo..yung mga nakakatawa kong sinulat ay walang sense pag literally translated haha

      Liked by 1 person

      1. Hahaha ..
        Now, i’m wondering about your name there, ‘aysabaw’. Eh noong hinahalukay ko ang hinain mo, marami namang laman. 😀

        Liked by 1 person

        1. Aysa kasi ang nickname ko. Pero nung bata ako lagi nila kong tinatawag na Aisa Seguera-bow. Kaua naisip ko yun Aisa-bow. Hahahah may etymology ako ineng

          Liked by 1 person

          1. Hahahaha .. now I know (vit waterrr). lol.

            Liked by 1 person

  3. okay yung english pero mas masaya pa rin basahin ang tagalog 😀

    Liked by 1 person

    1. Haha…oo nga…parang naging walang kwenta sa english yung mga nakakatawa sa tagalog

      Like

  4. Katulad ng “SABAW” :)) dahil pag soup lng parang wala lang..pero and “SABAW” ibat iba na kaagad ang maiisip mong putaheng pinoy! Gutooooooooom!

    Liked by 1 person

    1. Oo nga. Example talaga yung sabaw dito hahahah

      Liked by 1 person

      1. syempre… moment mo toh eh…hehe!

        Like

  5. Kahit medyo bihasa na rin naman ako sa banyagang salitang Ingles, ay mas naisasambulat ko pa rin ang aking mas malalim na damdamin sa salitang Tagalog. Sa katunayan, mas mabenta sa aking blog ang mga likha kong sinulat sa ating sariling wika.

    Liked by 1 person

    1. Heheh totoo po yan….wala ng mas tatamis pa sa ating wika

      Like

  6. Nung nag-Education ako, trip ko sana mag-English major. Tingin ko kasi no’n ang husay-husay ko mag-English. Ayun pagdating ng kolehiyo, natameme ako sa mga kasabayan ko. Haha. Andami ko pa palang kakulangan.
    Pagdating sa pagsusulat, nagpaka-OA din ako sa Inggles noong nag-uumpisa. Nagsimula ako sa pagba-blog a couple of years ago na talagang English ang midyum. Doon ko napagtanto na may mga salita talaga sa Filipino na walang katumbas sa Inggles. Iba ang hagod ng Filipino, may natural na tunog, lambing at sariling damdamin. Pagkabasa o pagkarinig mo pa lang, may ibang tama agad. Kalabisan siguro pero ang tingin ko talaga sa kanya ay likhang-sining. Nakapanghihinayang kung hindi magagamit at mapayayabong.
    At ang husay mo sa parehong dila (Inggles at Filipino).
    Salamat sa hatid na good vibes ng posts mo kahit minsan rants mo lang sila sa mundo! Haha. Rock on 🙂

    Liked by 1 person

    1. hello! salamat at pinagtyagaan mong basahin ang post kong ito….ako din kala ko kay husay kong mag Ingles. nung makabasa ako ng mga blog na matitindi sa Ingles-an ay parang gusto kong umatras ha ha…..

      Anyway tama ang sinabi mo na walang katulad ang ating wika. At sana lahat ng Pinoy ay mahalin at paghusayan ang paggamit sa ating wika.

      Salamat muli sa pagbabasa ng rant ko \m/

      Like

  7. May facebook group ang WP Bloggers? Hahaha. Antagal ko na talaga hindi nagbubukas ng WP.

    Liked by 1 person

    1. hello…oo meron…may inimbentong group si Michaela eto sya o sali ka na din https://www.facebook.com/groups/1595891797351399/

      Like

  8. Galing ng translation ah. Minsan naisip ko din mag-blog na lang in Tagalog kaso English teacher ako at napupurol na din ata ang English skills ko dahil di ko na nagagamit in three years. Anyways, I think yung pag-sulat mo in Tagalog, mas nakikita dun yung style mo kasi may mga words ka in Tagalog na di mo naman ma-translate directly sa English tulad ng “ang tigas pa din ng coconut shell ko” (although Taglish) sa “I am just so stubborn”. Hehe.

    Liked by 1 person

    1. Bwahaha. Tama ka dyan. Meron talagang mga salitang di maisalin. Pero ok sana nga magblog in English…gaya ng sabi mo praktis din lalo’t kailangan mo eh…

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: