Bakit Kailangang Puso ay Masaktan

Ang sakit ng ulo ko.

Ang init kasi. Nakakainis yung mga Briton. Binabalita pang may heatwave sa kanila eh anak ng teteng 32 degrees celsius lang pala. UK, please be our guest. Mag-Dubai kaya kayo para makaranas kayo ng 48 degrees.

image by dubaiunveiled.files.wordpress.com

Anyway, medyo nananahimik ako dito dahil nangangapitbahay ako sa Pinoysite. Saka ginawan ko ng schedule ang sarili ko. Dapat kako every Wednesday lang ako magbubukas ng WordPress at tatawagin ko itong WordPress Wednesday (tulad ng Laundry Sunday, Ironing Monday atbp)   pero di ako nakatiis. Nangati ang kamay ko na mag log-in kahit Tuesday pa lang dahil sa kakulitan ni M.I.C.H.A.E.L.A. na binuko ang aking tunay na identity sa blog niya grrrr at dahil nagpapa shout out ang isang  chika babe na nakasalubong ko dito sa tabi-tabi at finollow ko na din. Siya si Aislinnpaula. Kayhirap bigkasin ng pangalan aysos. Anyway, kontakin niyo siya kung gusto niyo ng New York French Fries. Syempre corny joke yan.

Ayon, wala akong masyadong matinong maipopost dahil super late na, masakit pa ulo ko…feeling ko natusta sa init ng panahon saka sa init ng blower at plantsa  dahil nagparebond ako. Saka hindi masarap yung palabok na kinain ko kagabi dun sa Pinoy resto. Kaasar. Saka naimbyerna ako sa opisina ni JunJun Binay sa Makati City Hall saka dun sa comment ni Kris Aquino kay Maria Ozawa na nalilink daw sa kapatid niya. Tae Lang. Mambato kayo ng tinapay pero minsan masarap mambato ng bintana para mabasag.

So see yah blog peeps! Pag nagkalaman na ulit yung sabaw.

Eto muna ang bagong kantang aking natuklasan, pamparelax.

Not Pretty Enough – Kasey Chambers

I do not own the video. KTNXBYE.

2 responses to “Bakit Kailangang Puso ay Masaktan”

  1. Homaygulay may shoutout ako! Thank you! Kulit lang ng post mo! Haha 🙂 Ingat jan! Mas gusto ko pa mainit kesa sa malamig. Buti nalang summer dito. 😉

    Liked by 1 person

    1. ayus lang ang mainit kung normal lang…hindi yung sa sobrang init kahit gabi na amoy araw ka pa rin haha

      Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: