Hay! Hay! Hay!
Parang kakapost ko lang nung nakaraan ng The Country Training People to Leave kung saan binanggit ko na napaka-risky maging kasambahay lalo na sa Middle East pero hinihikayat pa rin ang ating mga kababayan para maging bagong bayani.
Ilang beses ko ng nakita sa newsfeed ko ang video na ito pero pinanood ko lang nung nakita ko na sa Inquirer eh. Kala ko hindi legit. Andami kasing mga video na hindi mo alam kung totoo eh.
Ok. So, ano na ngayon? Ilang Pilipina pa ba ang hahayaan niyong mapahamak at mapariwara o masahol ay mawalan pa ng buhay bago niyo maintindihan na hindi niyo na dapat pa sila hinihikayat magkasambahay lalo na sa Middle  East.
Susme.
Wag niyo kasing ibaon sa mga bumbunan ng ating mga kababayan na pag naging kasambahay sila ay bayani na sila. Andami tuloy napapahamak. Tsk. Tsk. Tsk.
*hindi ko po pag-aari ang video
I’d love to hear from you!