I Know Why the Caged Bird Sings by Maya Angelou

Ito ang kauna-unahang libro ni Maya Angelou na nabasa ko (at hindi ito ang magiging huli). Hindi ko siya talaga kilala dati. Narinig ko lang ang pangalan niya noong pumanaw siya nung nakaraang taon.

Ang I Know Why the Caged Bird Sings ay tungkol sa buhay niya mula noong bata pa siya hanggang mag labing pitong taong gulang siya. Ito rin ang kauna-unahang libro niyang na-publish noong 1969 (hindi totoong mahilig akong mambungkal ng mga sobrang lumang libro).

Isa lang masasabi ko sa kaniyang paraan ng pagsusulat, nakaka nose bleed. Ewan ko lang, pero medyo dumugo yung ilong ko. Hindi naman dahil sa sobrang hirap ng mga salitang ginamit naiintindihan ko naman yung karamihan(pero mahirap pala yung iba ha ha), hindi naman wala sa bokabularyo yung mga salita pero yung pagkaka-construct ng sentence ang nakaka nose bleed. Ewan, baka ako lang to. Baka naninibago lang ako dahil unang beses ko pa lang nakapagbasa ng libro niya.

Tinalakay sa libro ang mga isyu ng murder, sex at mas pinakamadalas mabanggit ay yung racism bilang Black American si Maya at binanggit ang mga ito sa pananaw ng isang batang Maya Angelou. Higit sa harap-harapang pangmamaliit ng mga puti, pinapasok din sa kukote ng mga batang itim na iba sila, iba rin ang mga puti. Na dapat gumalang sila sa mga puti at di sila dapat tumawid sa teritoryo ng mga puti. Kinuwento din kung paano na lang patayin ng brutal ang mga itim pag may nagawa sila sa mga puti kahit napakaliit na bagay lang at kung paano manalbahe ang mga puti.

Minsan nabanggit ni Maya na hindi daw humans ang mga puti, mga whitefolks at powhitetrash lalo na nung bastusin ng mga batang puti ang lola niya.

Pinakamatinding diskriminasyong nabanggit sa libro ay nung magpapatingin sa dentista si Maya dahil sobrang sumasakit na yung ngipin niya at dinala siya ng lola niya sa isang puting dentista. Sinabi ng dentista na mas gugustuhin niya pang ipasok ang kamay niya sa bibig ng isang aso kaysa sa isang negro. Ang lupet lang. At to think, itong dentistang ito ay pinautang pa ng lola ni Maya noong nakaranas sila ng matinding recession. Matindi lang.

Kakaiba din ang mga pananaw ng mga itim pagdating sa relihiyon lalo na ata ng mga matatanda nung panahon noon. Biruin mo’y tinadtad ng palo si Maya ng lola niya nang sabihin niya sa kapatid niyang, By the way, Bailey, Mrs. Flowers sent you some tea cookies….Akala ko kaya nagalit yung lola niya dahil ayaw niyang tumanggap ng kahit ano mula sa iba yun pala kaya siya nagalit dahil sa term na ‘by the way’ dahil daw sabi sa biblia “Jesus was the Way, the Truth and the Light,” kaya pag sinabi mo daw na ‘By the Way’ katumbas daw noon ang ‘by Jesus’ o ‘by God’ na isang paglapastangan sa pangalan ng Diyos. At nung pinaliwanag nila na yung mga whitefolks daw ay normal na ginagamit ang ‘by the way,’ dahil daw iyon sa wala silang galang sa Diyos sabi ng lola nila. Ang weird lang.

Isang magandang babasahin ito. Pangalawang beses pa lang akong nakapagbasa ng tungkol sa diskriminasyon sa mga itim, yung unang libro ay puti ang nagkukwento at ang ‘feeling’ ay puro awa dun sa dinidiscriminate. Ito naman yung dinidiscriminate ang nagkukwento kaya iba yung atake.

At bilang panapos ng post na ito, isang napakagandang linya mula sa librong ito ang aking iiwan:

Colors weren’t true either, but rather a vague assortment of shaded pastels that indicate not so much color as faded familiarities.

I Know Why the Caged Bird Sings

pasensya na po sa image. malabo ang kuha huhu

2 responses to “I Know Why the Caged Bird Sings by Maya Angelou”

  1. […] 6. I Know Why the Caged Bird Sings – Maya Angelou […]

    Like

  2. okey lang…nababasa naman…

    Liked by 1 person

Leave a Reply to Books I’ve Read – 2015 | aysabaw Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: