And the Mountains Echoed by Khaled Hosseini

Haay. Kagaling lang ni Khaled Hosseini kumurot ng puso.

And the Mountains Echoed

Author si Hosseini ng Kite Runner at A Thousand Splendid Suns. Nabasa ko na din yung A Thousand Splendid Suns eh. Basta ang magiging reaksyon mo pagkatapos mong magbasa ng libro niya ay ‘napakasakit Kuya Eddie.’

Ang kwentong ito ay umikot sa buhay ng mga taong konektado sa isa’t isa pero pinaglayo-layo ng tadhana dala ng iba’t ibang sirkumstansya sa buhay. Bida dito sina Pari at Abdulla, magkapatid na Afghan. Nagkahiwalay sila dahil binenta si Pari (mas batang kapatid na babae), sa mayamang amo ng Uncle nila. Doon nagsimula ang napakaraming sala-salabid na kwento ng buhay nila at ng mga taong naapektuhan nila.

Si Pari, mula Afghanistan ay napuntang France. Si Abdulla naman, napadpad ng Amerika nung sumiklab ang gera sa bansa. Nabura ang alaala ni Pari nung kabataan niya kaya hindi niya naalala na may kapatid pala siya. Nagkita rin naman sila muli nung matatanda na sila. Kaya lang, by this time, si Abdulla naman ang hindi na nakakaalala sa kaniya.

Pinakamagandang aspeto ng librong ito ay may kaniya-kaniyang side of the story ang bawat karakter kaya makikita ng mambabasa ang point of view ng bawat isa, ang mga dahilan sa likod ng kanilang mga desisyon, etc.,

Madalas tinatalakay sa mga kwento ni Hosseini ang gera sa Afghanistan, isyu ng pamilya, isyu ng feminism, kaya para kang nagkakaroon ng glimpse sa kulturang mayroon ang bansang iyon.

Overall, napakagandang babasahin. Maganda pero napakarimdim na kwento.

PS
Ito ang mga paborito kong linya sa libro:

“They say, Find a purpose in your life and live it. But, sometimes, it is only after you have lived that you recognize your life had a purpose, and likely one you never had in mind.”

“But time is like a charm, you never have as much as you think.”

One response to “And the Mountains Echoed by Khaled Hosseini”

  1. […] 5. And the Mountains Echoed – Khaled Hosseini […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: