Alas syete kinse nung makasakay ako ng tren, hindi naman sikisikan pero walang bakanteng upuan. Nilabas ko ang librong nasa bag. Responde. Nakatayo ako sa tren habang nagbabasa at nagbabalanse na parang nasa gitna ng tsubibo, parang pumepreno rin and mga paa kasabay ng pagtigil ng tren sa bawat istasyon para di matumba sa mga ungas na lalaking nagtutulug-tulugan at walang pakialam kung ang nakatayo sa tren ay babae, buntis o matanda, basta sila nakaupo.
Maliit yung libro, napakanipis kung ikukumpara sa iba, halos kasing nipis lang ng mga Precious Hearts pero punong puno ng angas, pangarap, kirot at galit.
Marami akong nakikita sa aking peripheral vision na sumisilip sa cover ng libro o kaya sa summary sa likod. Baka nais nilang malaman kung bakit hindi 50 shades and binabasa ko.

Manipis lang yung libro pero di ko pa ito natatapos basahin, di ko kasi minamadali. Ninanamnam ko ang bawat mensahe, bawat linya na nababasa ko. Anong meron at anong wala. Andaming naglalaro sa aking utak. Mga ideyang inagiw na sa matagal na pagkakahimlay na muling nagising dahil sa mga nabasa ko.
Andaming ideya, naguumapaw sa utak ko. Di ko alam kung paano isusulat.
Leave a Reply to aysabaw Cancel reply