Responde

Alas syete kinse nung makasakay ako ng tren, hindi naman sikisikan pero walang bakanteng upuan. Nilabas ko ang librong nasa bag. Responde. Nakatayo ako sa tren habang nagbabasa at nagbabalanse na parang nasa gitna ng tsubibo, parang pumepreno rin and mga paa kasabay ng pagtigil ng tren sa bawat istasyon para di matumba sa mga ungas na lalaking nagtutulug-tulugan at walang pakialam kung ang nakatayo sa tren ay babae, buntis o matanda, basta sila nakaupo.

Maliit yung libro, napakanipis kung ikukumpara sa iba, halos kasing nipis lang ng mga Precious Hearts pero punong puno ng angas, pangarap, kirot at galit.

Marami akong nakikita sa aking peripheral vision na sumisilip sa cover ng libro o kaya sa summary sa likod. Baka nais nilang malaman kung bakit hindi 50 shades and binabasa ko.

Responde by Norman Wilwayco
Responde by Norman Wilwayco

Manipis lang yung libro pero di ko pa ito natatapos basahin, di ko kasi minamadali. Ninanamnam ko ang bawat mensahe, bawat linya na nababasa ko. Anong meron at anong wala. Andaming naglalaro sa aking utak. Mga ideyang inagiw na sa matagal na pagkakahimlay na muling nagising dahil sa mga nabasa ko.

Andaming ideya, naguumapaw sa utak ko. Di ko alam kung paano isusulat.

9 responses to “Responde”

  1. tungkol saan tong aklat na to? bihira lang ako magbasa ng tagalog. And i think dalawa lang ang binili kong local book… isa dun si Amapola… na hindi ko nagustuhan ang ending, parang gumulo na hahaha…

    Like

    1. bwahaha…ito ang unang libro ni Ginoong Wilwayco na nabasa ko…transgresibo sya magsulat harhar….habang binabasa ko ito…nasasaktan ako dahil sa mga isyung nabanggit, well kung hango man ang mga ito sa tunay na buhay ay mas masakit….may mga parte sa librong ito na habang binabasa ko ay gusto ko mag welga sa Mendiola bwahahahah…. maganda naman yung Amapola ah…daming Noranians LOL…maraming magandang Tagalog na libro pramis harhar

      Liked by 1 person

      1. hahaha sample nga ng mga masasakit na statement sa librong yan! gusto ko pa naman yung mga libro na maaapektuhan ako. 😀 tagal ko na di nagbabasa eh x_x

        Liked by 1 person

        1. bwahahahah…heto di ko alam kung maapektuhan ka na neto “habang tumatanda ako, padalang na nang padalang ang mga pagkakataong naalala ko sila, ang mga pangarap kong sing-ilap ng mga kuto ko. Kung babalikan ko ngayon, parang nabibigatan akong isiping minsan, hinangad ko ring pumiglas, lumipad, at lumaya.”

          Liked by 1 person

  2. Sana mabasa yan ng mga “ungas na lalaking nagtutulug-tulugan…”lol naintriga ako sa libro ah.Makahanap nga nyan…

    Like

    1. well…marami na talagang ungas at di na mababago un harhar…ui…maganda ung book ha ha kaso di ko alam kung available yan sa mga bookstore…kasi by order lang dati yan….pwede mong I-pm si Sir NW sa facebook nya https://www.facebook.com/nwilwayco

      Liked by 1 person

      1. naintriga ako sa title pa lang “Responde”.btw, related ba siya sa artist na si edwin wilwayco?

        Liked by 1 person

        1. hahah…oo nakakaintriga talaga…may mas bago pa syang book “Rekta” ay ang olats ko, di ko kilala si Edwin Wilwayco wahahah

          Like

  3. […] 2. Responde – Norman Wilwayco […]

    Like

Leave a Reply to Mell Odee Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: