Restaurant Review (kuno) : Fortnum & Mason Dubai

Restaurant Review: The Aysabaw Way

Umiral ang pagkainggitera ko at sabi ko, gusto ko din gumawa ng mga restaurant reviews ng mga napupuntahan at nakakainan ko gaya ng mga ibang bloggers.

So sabi ko, game! Timer starts now!

Ilang araw na akong OTeynks at kagabi lang nagkaron ng pagkakataon mag-dinner out kasama ng aking mga peeps at pinuntahan na namin at matagal na naming inaasam puntahan, ang Fortnum & Mason Dubai, pero hindi for dinner but for coffee and tea lang.

Natuklasan ko ang Fortnum & Mason mula sa blog post ni Find Me A Break at sa isa pang blogger na si Lady and Her Sweet Escapes sabi ko ‘uy mukhang ok to ah, ganda nung resto.’ At matagal na naming gustong ma experience talaga ang British tradition na afternoon tea chuva ek ek kaso nga ito lang ang pagkakataon namin na makapunta don kaya kahit after dinner tea na lang ay ok na.

So ayun, excited kaming nagpunta dun kagabi. May tatlong palapag yung resto na ang ganda ng view lalo pa pag nasa 3rd floor ka dahil sentrong sentro ang pagkakaharap nito sa Burj Khalifa at sa Dubai Fountain, ang ganda lang talaga.

Yung ground floor nila ay isang Tea Shop. Pagpasok namin don may isang lalaking posturang postura, naka coat and tie pa na nakatayo lang doon (Pinoy ito). Inaantay namin na batiin nya kami o ngitian o i acknowledge na nakita nya kami tulad ng normal na pagtanggap sa mga customer na pumapasok sa isang resto pero tiningnan nya lang kami. Nagkunwari akong tumitingin ng mga tsaa na nakadisplay doon at dahil tinitingnan nya lang kami na para bang salesman sya na binabantayan yung mga paninda nya laban sa mga mandurukot o kaya para syang security sa museong pambata na binabantayan yung mga malilikot na bata at baka sila’y makabasag, hindi na nakatiis ang isa sa mga peeps ko na magtanong na ‘nasaan yung cafe nasa taas ba?

Saka lang sya sumagot na ‘opo nasa first floor po (tatlong palapag sila, Ground, First at Second Floor) pwede ho umakyat dyan sa hagdan

Nagbibiruan kaming umakyat sa hagdan na may red carpet pa at sabi sakin ng isang sa mga peeps ‘huy kelan nyo pa pina-renovate tong bahay nyo, ganda ng carpet ha‘ at nagtatawanan pa kami.

Pagdating namin sa First Floor ay may isang babaeng posturang postura din (Pinay ito) na naka black na blazer at skirt at may puting panloob na de-kwelyo at nakastockings at sapatos na itim. Todo make up din sa ate at propesyonal talaga tingnan. Dahil ako ang pinakauna sa follow-the-leader, ako agad ang binungaran nya ng ‘Hi, Afternoon Tea?

Di ako nakasagot agad kasi iniisip ko na alas otso pasado na ng gabi ay bakit nag-aalok pa sya ng “afternoon tea.”

Sinagot ko sya na “no we’d like to go for the a la carte menu” syempre iingleshin ko sya dahil ineenglish nya ako at nasa English Restaurant kami diba.

Ma’am we only have teas and coffees here and very few light menu” habang pinapakita nya sa akin yung menu “you can go upstairs if you want.

We would only like to have some coffee and tea, we don’t want to eat anything,” pero parang pinagtatabuyan kami ni ate talaga at sinabing

But we don’t serve the afternoon tea anymore and upstairs they have an ice cream and dessert counter. The elevator is over there,” sabay turo kung nasaan ang elevator.

Una, nagtataka ako dahil yung Kuya sa Ground floor ay pinaghagdan kami gayung may elevator naman pala.
Pangalawa, di ko alam kung bakit nya ako inalok ng afternoon tea pero gabi na, tapos bandang huli ay hindi naman pala nag-seserve ng afternoon tea dahil nga, hindi na afternoon.

Pero ayun, hindi pa rin kami nag-paapekto dahil excited kami sa ganda ng lugar. Pagdating namin sa second floor ay natuwa ako dahil pink ang mga couch at ang cu-cute ng mga platong porcelain na may gold lining at kung ano ano pang pink na bagay doon.

Sa loob ng ice cream counter ay may isang puti na bumati sa amin at ganun din may isa pang Pinoy na nagsabing ‘good evening po.

Ilang minuto na kaming nakaupo sa terrace at medyo nilalamig na pero mas malamig yung airconditioning nila sa loob kaya ayaw namin lumipat ng pwesto, ay wala pa ding lumalapit sa amin para mag-abot ng menu. Inakala namin na baka sa counter oorder pero dahil siguro nakita kami ni puti na palinga linga ay nilapitan kami at inabutan ng menu.

Umorder kami ng dalawang cafe mocha, isang cappuccino at isang Royal Blend English Tea. naks! Susyal na kami. Umeenglish tea na!

Ilang minuto pa ay sinerve na sa amin ang mga kape at tsaa at nakakatuwa ang mga kobyertos lalo na yung sa Royal Blend nila na medyo silver pa yung tea pot, may coffee art pa yung cafe mocha at may mini ice cream na kasama yung cappuccino. Inenjoy namin ang malamig pa na panahon ng Dubai habang nagkakape sa terrace ng Fortnum and Mason at nakatingin sa Burj Khalifa at Fountain. Oorder sana kami ng Eclair kaso isang piraso lang ay 40 dirhams na kaya sabi namin, wag na lang. Naalala naming may biniling isang kahong Krispy Kreme ang isa sa mga peeps kaso nahiya kaming kainin yun don ha ha. Joke time ba?

Hindi ako kumuha ng kahit anong litrato dahil pag Pinoy ang nagseselfie or kumukuha ng litrato ng pagkain ay pinagtitinginan at pinagtatawanan at parang isang mabigat na krimen na ang nagawa pero yung dalawang blonde sa tabi ng table namin ay cute tingnan kahit selfie ng selfie at walang nakikiaalam.

So wala kaming picture at inenjoy na lang ang experience na makapagkwentuhan ng tungkol sa mga bagay tulad ng exorcism, quantum phisycs, time-lapse at time travel, Ana Karenina na soap opera tuwing linggo nung 90s at Kadenang Bulaklak at si Ana Roces sa pelikula ay si Baby Abolencia na inampon ng mga Carbonell at feeling ko Ana Carbonel ang name nya don sa pelikula na walang ibang nakakaalala sa mga peeps kundi ako na nagmukha tuloy akong super tanda dahil don kahit magkakasing edad lang kami, habang ninanamnam ang masarap na kape at tsaa.

Malipas ang isang oras siguro ay nilalamig na kami talaga at kinuha na namin ang bill. 174 dirhams. Presyo na ito ng walong MCDo o Burger King Meals.

Umalis na kami at gumamit ng elevator hanggang sa ground floor at nandon pa din si Kuya Tuod. Nakatitig lang sya sa amin mula ulo hanggang paa hangang sa makalabas na kami ng museong pambata cafe.

Nairita ako ng husto.

Hindi man lang sya ngumiti o nagpasalamat o nagpaalam man lang. Nakatayo sya don na parang security guard.

So ano ba ang pinaglalaban kong talaga dito? Nasira kasi yung buong experience ko dahil kay Kuya Tuod. Naglilitanya ako dahil bilang isang hotelier/restaurateur ay hindi ko matanggap na may mga ganung klaseng tao na walang training sa customer service ang nagtatrabaho sa ganung klaseng restaurant. Hindi ako mag eexpect ng serbisyo kung nasa Burger King ako o McDo pero sad to say mas maganda pa ang serbisyo doon. HIndi ako mag-eexpect ng pagbati at pagngiti mula sa mga staff ng restaurant kung hindi 174 dirhams (almost Php 2000 na yan) ang binayaran namin para sa tatlong kape at isang tsaa.

Isa sa mga natutunan ko sa dati kong boss na kung sa hotel o restaurant ka nagtatrabaho, dapat ang turing mo sa lahat ng customer na papasok sa pinto mo ay isang naglalakad na Dollar Bill kaya dapat mo itong pagsilbihan dahil ang mga ito ang nagpapasweldo sa iyo.

Fortnum and Mason: Syempre yan na nga lang ang picture ng resto na nakuha namin ay may nakabalandra pang Rols Royce
Fortnum and Mason: Syempre yan na nga lang ang picture ng resto na nakuha namin ay may nakabalandra pang Rols Royce

Unang unang post ito sa bagong portion ng blog ko na The Misadventures of Aysabaw. Pano, lagi na lang akong tinatrato ng ganito. Hmp.

Edited: Dahil nagrequest si Kuya Keso ng more pics, piniga ko ang aking mga peeps para magproduce ng kung anong pics ang nakuha nila kagabi at ito ang nag-iisang kuha ng interior.

Fortnum and Mason interior

14 responses to “Restaurant Review (kuno) : Fortnum & Mason Dubai”

  1. Ganun talaga lagi trato sau? Asar naman. Hehe. Sayang, walang pictures. 😦 Sana nginitian mu si Kuya Tuod.

    Like

    1. hello Waxy, hindi naman lagi…..minsan lang ha ha…ay…ayoko kay Kuya Tuod…di na lang ako babalik doon ha ha para walang gulo 😛

      Liked by 1 person

  2. ayun nga. need more pics. akala ko di lang nagloload sa bagal ng net dito sa office hahaha.

    Like

    1. bwahahaha..di talaga ako nagpi-picture sa mga kainan

      Like

    2. ayan na pow may isang pics na akong nadagdag ha ha ha ha

      Like

  3. Ok lng yan…chillax lang! baka un ang pinirmahan nilang kontrata.. ang hindi ngumiti o makipagusap sa guest 🙂

    Liked by 1 person

    1. ha ha…alam na alam mo yan! walang ganyan sa kontrata ha ha

      Liked by 1 person

      1. Wala nga..ako nga dati spoiled na spoiled sa akin ung mga pinoy..may pa take out pa sila..kaya naman nawili..well, hindi siguro sila masaya sa trabaho nila na yon, kailangan lang nilang umalis ng bansa natin..ok lng yon may sarilli silang rason..buti kamo pinoy kayo pano kung hindi pinoy? Goodluck.

        Like

        1. ayun na nga. baka napipilitan lang sa ginagawa. anyways, naku

          Liked by 1 person

  4. Gustong gusto ko yung parte na “uma-atitude” ka. hehe…Ba’t nga ba parang krimen pag tayong mga Noypi and nagse-selfie. Racism yan, kapatid. Inom nalang muna tayo ng sabaw…

    Sayang lang at di ka nakakuha ng maraming litrato ng lugar. Malamang astig sana yung Burj Khalifa in the distance. Ayan umi-English na tayo.

    Sa susunod, selfie ka ng todo. Hotelier ka kaya at BLOGGER. Di ba?

    Liked by 1 person

    1. Ha ha ha. Wala pa kasi akong magandang camera nung time na yan at ung mobile ko ay nokia pa hahaha hindi gumagana ung camera kaya walang kuha. At ayaw ko pong magselfie ha ha ha. Ayoko masyado naeexpose yung kaunting kagandahan ko joke.

      Salamat sa pakikihigop ng sabaw saking karinderya ha ha ha

      Liked by 1 person

      1. Magandang gawi ang paghigop ng sabaw sa ibang karinderya paminsan-minsan. Translation: Exploring other writing themes is a good habit. Your posts are perfect monotony breakers.

        Liked by 1 person

        1. Naks. Ganda nyan Sir ah ha ha ha ibang level talaga

          Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: