Inaantok ako kanina sa opisina ng biglang may natanggap akong email mula sa isang kaibigan na nagtatanong ng “purpose in life” na tila ba naguguluhan. Napalaban ako sa pag-iisip ng isasagot. Nagising ang inaantok kong diwa at nabuhay ang mga dugo at laman loob ko.
Nag-feeling ako. Deepak Chopra kuno.
Ito yung mga tanong nya at mga sagot ko. Pinost ko ito dahil pakiramdam ko kasi may maitutulong din ito kahit papaano sa mga tulad ng kaibigan kong naguguluhan.
Friend: Nakakatawa pala yung daily bread kanina, parang sort of tinatanong nya kung naglilive ba daw ako/tayo sa purpose natin? Yung daw bang ginagawa natin ay nagseserve sa Kanya bago ang iba?
Sabaw: Natawa ako sa purpose. Minsan hindi ko na lang din inaalala. Kelangan mo ba malaman ang purpose mo sa buhay? Kelangan mo ba maging โawareโ kung ano ang gusto ni Lord para sayo? Bakit, alam ba ng bulaklak kung ano ang silbi nya sa mundo? Alam ba ng bulate na nakakapagpataba sya ng lupa? Alam ba ng ibon na nakakapaghasik sya ng mga seeds gayong ang gusto nya lang gawin ay kumain? Come on friend. Hindi mo kelangan malaman kung ano ang purpose mo. Nilagay ka ni Lord dyan kung nasaan ka man kasi either may nadidiligan ka o may napapaganda kang bagay or, or, or. Di mo na kelangan malaman pa kung ano yan. Masyado kang nag-iisip kaya ka naguguluhan. Yung mga dinosaurs ba alam nilang in the future ay magiging fossil sila at pag-aaralan natin? Si Jose Rizal ba alam nyang magiging bayani sya? Pero un ang naging purpose ng buhay nya. Ang maging bayani diba? Kung naiisip mong isa kang stray cat as of now, isipin mong nauubos ang mga daga dahil sa mga pusa. Ligaw man sila ng landas may silbi pa din sila, ganyan din tayo.
Kung hindi alam ng ibon na nakakapaghasik sya ng mga seeds na magiging halaman, ibig sabihin ba non ay baliwala na ang ginagawa nya just because hindi nya alam na yun ang purpose nya?
Naisip mo ba kahit minsan na baka ang purpose natin sa buhay ay just to live life as it is? ๐
Friend: Do we do what we love?
Sabaw: The Earth is not a perfect circle and so is life. Kung naiinip ka sa trabaho mo, so am I. But we donโt have any other choice, as of now. Why not do something you love after doing something you donโt? Cover your 8 hours of unhappiness and boredom with an hour of happiness and smile before you sleep? (on optimism)
Friend: Are we happy with what we do?
Sabaw: Since we donโt have a choice, make yourself happy.
Friend: Is this what we LOVE to do?
Sabaw: Certainly not. But you have 24 hours a day and only 8 hours are dedicated to doing something you are forced to. So there are (syet nag calcu ako) 16 other hours (2/3) of your day to be happy. Life is fair if you look at it that way.
Friend: Are we harnessing our fullest potentials for the love of what we do?
Sabaw: Ang hirap naman nung harness. Itโs up to you ๐ Madaling mahuli ang pag-ibig kapag pinana ni kupido.
Friend: Are we happy every time we wake up?
Sabaw: You should.
Sabi nya naiyak sya sa realization at sa kakatawa. Feeling ko, mas naiyak sya sa katatawa.
I’d love to hear from you!