Narinig nyo na ba ang salitang Symbiosis? Sigurado akong ang sagot nyo dyan ay oo kung nakalagpas na kayo sa elementary at high school.
Balik aral tayo:)
Ang symbiosis ay yung interaksyon ng dalawa o higit pang biological specie. At ang mga relasyong ito ay Mutualism, Commensalism, Parasitism at iba pa.
Ang Pilipinas ay parang kingdom animalia pero ang relasyon lang ng mga specie ay parasitism at sa dalawang kategorya lang nabibilang ang tao. Sa Parasite at sa Host. Sa parasitism, ang parasite ay yung nakakakuha ng benepisyo samantalang yung host ang nagtatamo ng kapinsalaan o kaya ay namamatay. Maihahalintulad dito ang linta na humihigop ng dugo ng tao.
May iba’t ibang uri ng Parasite:
• Pulitiko: umuupo sa trono at kinakamkam ang kabang bayan
• Tusong business man: sapillitang nangangamkam ng mga pag-aari ng mga hamak na mamamayan. Kapag hindi naibigay ang gusto ay manggigipit o kaya ay papatay
• Socialite/Social Climber: Mga walang ginawa kundi magpaganda para makalanghap ng kayamanan ng mga pulitiko at mayayamang business man
• Mga pulis patola: nagpapalaki ng tyan habang nangongotong sa mga drayber na kinakalyo na ang pwet kakabyahe; naghahangad din makabingwit ng mga socialite paminsan minsan
• Kabit: parang lintang kumakapit at nang aagaw ng asawa ng may asawa pati ng sustento nito. Maaring mayaman ang host, maari ring mahirap. Ngunit mas nakakaawa yung mahihirap na host dahil mas madaling matuyo ang dugo nito pati ang bulsa.
• Mga estudyanteng nangongopya: magDoDota o kaya mag-e-FB magdamag tapos mangongopya sa kaklaseng nagpuyat para mag-aral; minsan mas mataas pa ang grado nila kaysa dun si host nilang nagsunog ng kilay
• Magnanakaw: mga taong tamad at tanghali magsigising; ayaw magbanat ng buto at gusto ay easy money; kadalasang host ng mga ito ay mga estudyante, mga pangkaraniwang manggagawa at mga commuters na halos isubsob ang mukha sa kakatrabaho, tapos ang magbebenipisyo lang pala ay mga nagkakamot ng puwet na mga magnanakaw, snatcher at hold upper
Mga uri ng Host:
• Manggagawa: madalas nagbibilang ng sweldong tira tira matapos makaltasan ng tax at kung ano ano pa; kadalasang biktima ng mga magnanakaw at snatcher
• Mga magsasaka: magtanim ay di biro maghapon nakayuko, di na nga makaupo kamote pa hapunan ko
• Mga tapat na empleyado ng gobyerno: inuuban na ay hindi pa ini-increasan; madalas pang pinapasalvage kapag may nakalabang kurakot
Ang konti ng mga uri ng host na naisulat ko. Wala na kong maisip baka may alam pa kayo.
PS: Sinulat ko to matapos kong malaman na nanakawan ng bag yung kapatid ko. Tangay ang laptop na ipinasalubong ko sa kanya na ilang buwan kong pinaghirapan bago mabili; tangay ang wallet nya pati ang kanyang perang pinaghirapan; tangay ang class record nya; grades yun na pinaghirapan ng estudyante nya.
I’d love to hear from you!