Hanggang Kailan Pa Kaya

Ilang araw na akong nag-iisip. May gusto akong isulat pero makailang ulit ko lang iniimbak ang mga ito at nagiging draft na lang at don na nagtatapos ang istorya.

Andaming issue na gusto kong isaysay pero di ko kayang buuin at tapusin. Di ko alam kung paano sisimulan.

Isa dito ay tungkol sa mga issue ko sa mga kaibigan kong tumatawag sakin matapos ang ilang buwan o ilang taon ngunit hindi dahil namiss nila ako kundi hindi sila marunong gumawa ng resignation letter o kaya ay naubos na nilang tawagan lahat ng contacts sa phonebook nila pero walang may gustong sumama sa kanila at bilang ako ang huling tinawagan at sumagot naman ako, sa akin na lang sila magpapasama magshopping. Naiinis ako kasi nauubos ang oras ko kakapakinig sa kanilang mga issue sa buhay na binubuo ng kakulangan sa pera, kakulangan sa lablayp at kakulangan sa pansin.

Isa pang issue ay patungkol sa mga flatmates ko. Ang buhay dito ay parang pagtira sa bahay ni Kuya. Titira ka sa bahay na hindi mo lahat kakilala ang makakasama mo. Maswerte yung may mga kamag-anak dito at hindi nila kailangang makisali sa PBB Dubai chapter. At ang challenge na ibibigay sayo ni Kuya ay:

1. Pinakamalaki ang babayaran mong upa dahil kapag mas malaki ang bayad mo, mas maliit ang babayaran nung landlady mo pero ikaw ang may pinakamaliit na space sa bahay
2. Ikaw na nga ang malaki ang binabayad, ikaw pa ang hindi makakasingit sa kusina. Gutom na gutom ka na, di pa rin sila tapos magluto kaya wala kang choice kundi kumain sa labas.
3. Ikaw na pinakamalaki ang binabayad, ikaw pa ang katulong sa buhay. Matiyaga sila. Matiyaga silang tingnan ang dugyot na banyo at kusina, wag lang madumihan ang bagong pintang kuko nila sa kamay.

Pero hindi talaga tungkol sa mga negatibong issue ko sa buhay ang post na ito kundi sa larawan ng Makati na nakita ko sa Wikipedia.

Makati Skyline
Makati Skyline

Kung paano ko ito nakita? Hulaan mo. Hinanap ko sa Wikipedia ang Pilipinas. Oo, kelangan ko pang i-wikipedia.

Parte ng trabaho ko ang mangalap ng impormasyon tungkol sa mga bansa kung saan may mga project proposals at minsan pakiramdam ko mas alam ko pa ang mga detalye ng ibang bansa kesa sa Pinas.

At ayun na nga.

Nakita ko ang larawan ng Makati skyline. Madami nakong nakitaan nagpost sa mga social sites ng larawan ng Makati pero ngayong ko lang nakita itong larawan. No filter at walang kasamang pagmumukha ng nagselfie.

Ayun na nga ulit. Para akong dayuhan sa sarili kong bansa. Ngayon ko lang nakita to eh.

Mas kabisado ko pa ang mga kalye at gusali ng Dubai kesa Makati.

photo by hotel.syl.com
photo by hotel.syl.com

Hindi ko kinukumpara, hindi ko sinasabing mas maganda ang Sheikh Zayed Road kesa sa Makati, hindi yan ang intensyon ko.

Kabisado ko man ang mga kalye dito dahil sa tagal na ng aking paninirahan dito, dayuhan pa din ako pero mukhang mas dayuhan ako sa sarili kong bansa.

Kung hanggang kailan pa kaya ako magiging dayuhan dito at doon, hindi ko alam.

4 responses to “Hanggang Kailan Pa Kaya”

  1. taga saan ka ba dito sa pinas

    Like

    1. taga bundok. kaya nga di ko napupuntahan ang makati eh harhar

      Like

  2. Heyho,aysa… andito ka sa Philippines ngayon? teka,gusto ko issues ng friends, parang valid naman? 😉 tamo. ‘to, di ba those are everybody’s issues? he he….

    Like

    1. ha ha ha opo Ate San I am here…sinalubong ako nila glenda at henry at nday ha ha….issues ng friends talaga? ha ha ha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: