Isang Handog

Madami kami. Mga ibong hindi makawala sa hawla. Taon ang bibilangin bago pa makakalipad kung papalarin. Pare parehas kaming biktima ng matatamis na pangako ng ahensya sa Pilipinas. Pero mapait. Mapait ang bawat pulot pukyutan na pumapatak sa aming mga palad na agad ding nauubos sa isang iglap.

Ama. Ina. Kapatid. Anak. Walang pinipili. Walang pinagbibigyan at iilan lang ang pinapalad at pinapakawalan.

Marahil ay isa ako sa mga pinalad na iyon at lubos na pighati ang nadama ko ng mamaalam sa itinuring na magulang sa loob ng maliit na lunggang aming pinagkasyahan sa loob ng ilang taon.

Babalik ako. Babalik ako kapag kaya na kitang tulungan.

Hayaan mo na ako at intindihin mo na lang ang iyong sarili. Hindi ka nangibang bayan para sa akin kundi para sa sarili mo at sa pamilya mo. Malaki ang problema ko at amnestiya lang ang makakatulong sa akin, alam mo yan. Hayaan mo na ako. Lahat tayo ay may kanya kanyang destinasyon. Kung hanggang dito na lang ang sa akin ay malugod ko itong tatanggapin.

Lahat tayo ay may sariling dahilan kung bakit nandito sa ibang bansa pero hindi doon nagtatapos iyon. May nakikilala tayo na bumabago sa ating buhay at sa ating pananaw. Mga taong nagiging inspirasyon at kinapupulutan ng aral. Mga taong makapag-papaalala sa atin na lubos tayong pinagpala kahit pa kakarampot lang ang ating kita.

Ang pag-asa ay hindi mo lang makikita sa liwanang na dala ng bawat sinag ng araw kung hindi sa mata ng bawat taong patuloy na lumalaban pa kahit alam nilang talo na sila.

Hinanap ko sya at binalikan noong dumating na ang natatanging araw na hinihintay nya subalit hindi ko na sya muling nakita pa.

* pinaikli ko ng husto ang aking mahabang maikling kwento
* kathang isip lamang ito ngunit hinango sa buhay ng napakaraming Pilipinong nasa ibang bansa na hindi makauwi dahil tumakas sa mga mapagsamantalang amo o kaya’y mapanggipit na kumpanya
* kung meron lamang sanang makakapagbigay ng maganda gandang titulo para dito ay paki comment lang para mapalitan ko kasi hindi ko alam kung anong magandang titulo.

* Isang handog para sa Araw ng Kalayaan at para sa ating mga bagong bayani 🙂

4 responses to “Isang Handog”

  1. 25pesocupnoodles Avatar
    25pesocupnoodles

    ang lalim ah, may naisip akong title kaso baka ma spoil ang magandang katha mo, hehe.

    Like

    1. i-comment na yan…haha malay mo bumagay yung title….

      Like

      1. 25pesocupnoodles Avatar
        25pesocupnoodles

        haha spoiler talaga ang dating, wag na, hahaha.

        Like

        1. bwahahah…angdaya

          Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: