Hinango…

Nagmaganda akong gumawa ng maikling kwento ilang buwan na ang nakakaraan pero hindi ko kinaya. Binasa kong muli ang hindi natapos na kwento at may magaganda din naman pala akong naisulat. He he…Heto ang mga ilang linyang hinango sa dapat ay maikling istorya ko….

– May mga relasyong parang istasyon ng radyo. Humihina yung frequency pag dinadaanan ng bagyo. Mas lalo mong ginagalaw yung antena para maayos ito, mas lalo namang nawawala.

– Lahat tayo ay may kanya kanyang destinasyon. Kung hanggang dito na lang ang sa akin ay malugod ko itong tatanggapin.

– Sa sobrang tagal na puro sakit lang ang nadama ko, nagising na lang ako isang araw na yung sakit at ligaya ay parang iisa na lang.

– May mga taong malaya na parang ibon. Kaya lang minsan mayroong mga hindi na marunong bumalik sa kanilang pugad.

16 responses to “Hinango…”

  1. 25pesocupnoodles Avatar
    25pesocupnoodles

    abangers mode sa complete stories.

    Like

    1. hindi ko na ata makukumpleto hahaha…nawalan ako ng pag-asa wahaaha

      Like

      1. 25pesocupnoodles Avatar
        25pesocupnoodles

        ganun ba, habang may buhay may pag-asa, haha, wag ka lang mauubusan ng tinta.

        Like

        1. ha ha ha…sige susubukan ko ulet

          Like

  2. Wow, panalo! Quotable quotes.hehe.

    Like

    1. naks…talaga? bwahahaha

      Like

      1. Oo, parang pang-Bob Ong nga. Kaw siguro un. Hahaha

        Like

        1. bwaahahah…isa lang masisiguro ko. Babae ako wahahaha kaya hindi ako si Bob Ong tahahaha

          Like

  3. Parang pang love song to a. Hehehe.

    Like

    1. wehehe…marubdob naman na love song un kung ganon haha

      Like

  4. aba monica pa-quote quote ka na ha hehehe…ang totoo gusto ko mabasa ang short stories mo. nag judge ako kamakailan ng pa-contest kuno ng short stories magugulat ka. not because ang gagaling pero anak ng tokwa, mabubwisit ka! ginawang text message ang pagsusulat at may icon pang dinadagdag dahil di nila magawang i-express ang nararamdaman.

    pero in fairness ay may mahuhusay talaga. Top 12 daw ang unang pipiliin out of the 60+ who submitted their entries. 9 lang ang nagustuhan ko dahil di ko trip ang jejemon writing style. ipo-post ko sa blog yung top 9, tingnan mo kung magustuhan mo din sila. as in, yung creativity andun, nakakatuwa lang. tapos feel free okrayin mo sila sa blog ko hehehe

    Like

    1. Hello NIcole….wehehe may quote wala namang kwento. aba ayoko nga ipa basa sayo mga short stories ko, judge ka pala ng writing contest eh bwahahahah…di na lang

      mabuti nga at parang buhay na buhay ang pagsusulat sa mga bata ngayon…jejemon nga lang…maganda nga sana kung isasama sa curriculum ng high school yan para madevelop ang mga bata….

      talagang feel free na okrayin sila ha bwahahahahahaha. salbahe 😛

      ang hirap naman maging judge nyan…so yung 60++ na short stories ay binasa mo talaga lahat? wahuhu at gaano naman kahaba ang isang storya? 1000 words?

      Like

      1. oo at isa-isa kong inokray. di na mga bata yun. kaya nga nakaka bad trip kasi elementary pa lang tinuturuan na tayo pa’no gumawa ng essay.

        kailangan din nila malaman yung deperensya sa writing style nila. kesa naman masanay sila sa ganun. di ko alam bakit nagsulputan yung ganung mga writing styles. ang iba pa sa kanila gumawa ng blog at dun pa ipo-post ang mga ginawa nilang kwento aside from wattpad. nakakalungkot lang.

        alam ko naman iba’t iba ang style ng pagsusulat ng isang manunulat. pero yung ginawa ng mga iyon ay di makatwiran. san ka ba nakakita ng sentence small letter ang umpisa? okay lang kung comment na kagaya nitong ginagawa ko. tapos yung isa pa, naka center ang alignment! parang lyrics lang ng kanta. yung iba ginawang script, kulang na lang ilagay: music up! music fade!

        kaloka…

        Like

        1. bwahahaha baka kasi puro sa wattpad wattpad lang sila nagbabasa kaya ganyan din ang nakokopya nilang writing style…

          hulaan ko….ay itatanong ko na lang pala….ang mga istorya ba ay puro contemporary romanticism (makabagong pakikipaglandian) bwahahahah kung walang ganitong termino sa mga uri ng literatura, ako na magcocoin ng term yahahahaah

          natawa naman ako sa music up at music fade bwahahahah…..ano ba yan wala bang mechanics o instructions kung paano ang format pag nagsubmit ng story at may naka center align pa? yahahahahah

          Like

          1. naku kaya nabad trip ako. kasi di ko sukat akalain ganun halos lahat! pero yung 9 talaga, ipabasa ko sa’yo. mahusay. wala lang akong time para kontakin sila para pumayag na i-post ko sa blog yung entries nila. yung iba pa dun mahusay pa sa akin magsulat.

            oo yung mga inokray ko mga kilig moments ata nila sa mga crush nila ang isinulat. meron nga gumamit ng title “PA-PARAPAP…LUV KO TO!” okay na sana kasi catchy yung title. anak ng tokwa nung binasa ko…! tungkol sa crew ng mcdo na everytime kumakain siya dun ay dadaanan siya at kakanta ng “pa-parapap..luv ko to!” sarap lang iuntog sa pader ang ulo para lumabas ang utak at gawin kong inihaw na isaw.

            Like

          2. bwahahaha natawa ko sa pa-parapap na yan…ansarap ngang iuntog hahaha

            sige antayin kong ipost mo yung top 9 mo hehehe

            Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: