Odd Facts About Myself

Nililista ko ito at natatawa ako. Ang weird ko pala. Tutal nilista ko na lang din, ibabahagi ko na rin 🙂

1. Paborito ko (at kabisado ko) ang kantang Panaginip nila Sisa, Crispin at Basilio a.k.a. Crazy As Pinoy
2. Maraming nagugulat pag nalaman nilang nakikinig ako sa mga bandang katulad ng Keso.
3. Parang lalake daw ang may-ari ng Mp3 ko kasi puro maiingay ang mga kanta kaya naman hinaluan ko na din ng iba.
4. Paborito ko ang How to Love ni Li’l Wayne.
5. Mahilig man ako sa rakenroll, paborito ko sa Regine V.
6. Hindi ako kumakain ng keso at hindi rin ako umiinom ng gatas at hindi din ako kumakain ng baka lalo na kung may sabaw. Pwede pa siguro well done na steak? Kamusta naman ang buto ko.
7. Hindi ako sports enthusiast. Pero hindi naman ako lampa.
8. Pag inaantok ako sa office, nakikinig ako ng mga kanta ni Britney at epektibo syang pampagising. Pero ang pinapakinggan ko lang yung mga luma nya ie Baby One More Time, Oops I did It Again at yung mga kasabayan nito
9. Ang angas ni Pink!
10. Pangarap kong sasakyan ay pick up para pede pambundok at pambaha

image by cargurus.com
image by cargurus.com

11. Mahilig akong sumakay sa patok na jeep nung college ako. Yung bumabanking at makalaglag sabit.
12. Nakikinig na ako ng mga classical music ngayon dahil sa pagpupumilit ng boss ko.
13. Kahit hindi ako sports enthusiast, marunong din naman ako ng konti. Softball player ako nung high school at nakapaglaro ako habang umuulan at maputik at hindi ako nakasakay ng jeep kaya naglakad ako pauwi.
14. Mas gusgutuhin ko pa mag volleyball kesa badminton kasi hindi ko tinatamaan yung shuttlecock.
15. Hindi ako marunong manumpit.
16. Ang cute ng mga aso pero natatakot ako kapag nanghaharot sila. Nag-iisa lang ang aso namin na naging paborito ko at sya ay si tyson. Puti ang balahibo nya at napakatalino at hindi nya ako hinaharot. Tinatahol nya yung mga batang umaaway sa akin.
17. May banda ako nung hayskul pero dalawa lang ang miyembro. Ang pangalan ng banda namin ay Ulikba Sessions.
18. May pangalan yung tropa namin nung hayskul – BBBak. Beauty and Brains at the Back. Lagi kasi kaming nasa last row pero hindi dahil olats kami kundi dahil sa umpisang letra ng aming apelyido.
19. Ayoko ng coriander.
20. Pangarap kong makapagfranchise ng Jollibee.
21. Bayabas lang ang punong kaya kong akyatin.
22. Hindi pa ako nakakapag Bora or kahit Tagaytay 😦
23. Inaalmusal ko ang toblerone at kape. Pero sa Pinas ang almusal ko syempre pandesal na may tagdo-dos na margarine tapos kape *drooling* miss ko na ang pandesal
24. Paborito kong meryenda ang banana cue, turon at spanish bread at malamig na RC 😦 *drooling*
25. Mas masarap ang fries ng Burger King kesa McDo at KFC.
26. Hindi ko sinasabaw ang gravy.
27. Hindi ako nagpapalagay ng ketchup, mayo at gulay at lalo naman keso sa burger ko.
28. Marunong ako mag-welding.
29. Batang palengke ako pero di ako marunong mamili ng isda at karne.
30. Dati akong kundoktor ng jeep byaheng Cubao.

Andami na yan muna haha

35 responses to “Odd Facts About Myself”

  1. Ayos yun a “Ulikba Sessions”. Maangas nga si Pink! Sama mo naman kami sa Jollibee mo. Hehehe.

    Like

    1. hihihi,

      ung Ulikba Sessions, mukha daw kasi kaming Ulikba sabi ng tatay ng kasama ko sa banda haha. Para daw kasi kaming si Kirara kakabilad dahil sa C.A.T…

      kelangan ko muna ata manalo ng ilang beses sa lotto bago pa ko makapagfranchise ng Jollibee. In the mean time, kakain na lang muna ako ng Jolly Spaghetti tuwing uuwi ako ng Pinas hahaha

      Like

  2. Shet, nasakay ka pala sa mga kabatak nina Wagnut, Bolokskin, at Jumong! :))

    Like

    1. ha ha ha. So yung Bolokskin na pala ang hari ng marcos high way? well kakaresearch ko lang kasi hindi ko alam yang mga nabanggit mo, mga bago na kasi yan (hantanda ko na eh) hahaha

      well oo, yung mga ninuno nyang mga yan ang nasakyan ko haha

      Like

      1. Hindi ko alam kung nagpapalitan sila ng pwesto sa trono, pero si Jumong nakikita ko pa rin sa bandang Gateway (kaso di ko alam kung pumapalo pa) XD

        Sayang nga, di pa ako nakasakay sa mga ganoon 😦

        Like

        1. why o why? rich kid ka siguro kaya di ka namamatok haha. try mo sumakay pero wag kang sasabit kasi buwis buhay eh haha

          Jumong, di ba korean series yan? weheheh

          Like

          1. Maiksing distansya lang kasi yung tinatahak ng jeep na sinasakyan ko, mula Katipunan hanggang Cubao (minsan nilalakad ko pa pag tinatamad) =))

            Like

          2. katipunan to cubao nilalakad mo? myghad haha. Rambo ba tsinelas mo?

            so far cubao (aurora) hanggang anonas pa lang ang nalalakad ko, sa may TIP? hahahaha

            Like

          3. Iyan ang nagagawa ng “pagtitipid” 😉

            Like

          4. Seryoso, legit iyan 🙂

            Like

          5. hoooo, kayo magtitipid?

            😛

            Like

          6. kami pang mga Isko at Iska, oo yan magtitipid talaga haha

            Like

    1. cilantro 🙂

      Like

      1. coriander hindi ba yun yung pang strain ng gulay o kaya pantakip ng ulam hehe

        Like

        1. colander yun kuya. hinding hindi ako lalo kumakain ng takip hahahaha

          yung coriander ay cilantro yung kulay green na hawig sa kinchay haha

          Like

          1. uu niresearch ko yung parsley vs coriander. now i know. lol.

            Like

          2. wahahahah. ayan na paresearch ka pa pala hahaha

            Like

  3. Naaaliw rin ako sa mga patok na jeep. Nung isang araw nagjeep ako from Antipolo to Katipunan edi tugs tugs tugs habang nakasakay, yun lang, naaliw ako masyado. Lumagpas nako sa bababaan ko.-.-

    Like

    1. hahaha…natawa ako sa tugs tugs tugs…

      well, kahit naman pumara ka na minsan lalagpas ka pa rin dahil sa sobrang bilis. Dapat pag papara ka ilang kilometro pa ang layo bago dun sa bababaan mo hehe

      Like

  4. ahahahahaha ang dami kong tawa hahaha naisip ko tandaan ang mga paborito ko sa sinabi mo pero ang dami kaya para nalang sa lahat haha
    natatawa ako, wagas ka! haha

    Like

    1. bwahahah…binasa ko nga ulit at pati ako ay natawa. ang weird ko lang bwahahaha

      Like

      1. ang saya nga eh . cool

        Like

  5. Maria Michaela Jamora Avatar
    Maria Michaela Jamora

    Ang sarap mo kasama sa pagkainan! lalo ng may halong keso! hahahah #naghahalungkat

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha pasaway ka 😀

      Liked by 1 person

      1. Maria Michaela Jamora Avatar
        Maria Michaela Jamora

        HAHAHAH love ko kasi ung cheese!

        Liked by 1 person

        1. So pag magkasama tayong kakain ay sayo na lahat ng cheese ko lol

          Liked by 1 person

          1. Maria Michaela Jamora Avatar
            Maria Michaela Jamora

            hahah cge bah lalo na ung melty na cheeze argh!!!! *drooling**

            Like

          2. yakeee talaga. sayong sayo na yung cheese 😀

            Liked by 1 person

          3. Maria Michaela Jamora Avatar
            Maria Michaela Jamora

            Ai oo ba. gustong gusto ko yan. hahaha

            Like

  6. Wow Te, ang amazing mo po. Ung last parts, just wow.

    Liked by 1 person

    1. Kinakabahan ako sa mga comment mo eh…kelangan ko ibackread yung mga posts ko hahaha

      Liked by 1 person

      1. Ayyy, hahaha. Sorna na po agad. 😂😂😂

        Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: