Friendly ako. Sa fb, sa twitter, dito sa wordpress o sa kahit ano pa mang form ng social media. Nakikipagkwentuhan ako kahit sa mga e-strangers. Pero pinakamasaklap pag ang kausap ko ay masakit sa bangs tulad na lang ng isang ito
na babansagan kong “U”
U: Hi
Me: Hello
*after a month*
U: How are you?
Me: good and u?
U: Same as yours
…
Me:*same as mine?*
*after 3 days*
U: everything so good 😀 by the way from where are you?
Me: *sasagutin ko pa ba tanong ng hunghang na to? Ng biglang…light bulb!* I’m from Honolulu.
*after 2 days*
U: Aaaah, san ba yon?
Me: *letche nakakapagtagalog naman pala ang hunghang* hahahaha, ayan nakakapagtagalog ka naman pala eh. check mo sa googlemaps 😛
U: ahehehe..akala ko kasi english girl ka ..so saan kangayon sa honolulu parin? 😀
Me: *feeler naman to, choosy? may profile pics naman ang twitter ah. mukha ba akong ingles?* haha.so english girl pla target mo? nasa honolulu pdin ako hanggat hindi mo pa ito nahahanap sa mapa
U: hindi naman english girl lang..tagalog girl din..hahaa..isla ba yan?
Me:* kuya. Nakakapagtwitter ka di ka marunong mag-google?* haha. pwede ibrowse sa internet
U: anong region bayan?
Me: *light bulb* Region 10
Wagas.
Yung totoo. Ako ba yung nangtitrip dito oh ako na yung napapagtripan?
@__@
I’d love to hear from you!