Modern Day Slumbook…Sort Of.

Hindi na uso ang slum book kaya wala na ding nagtatanong sa akin ng what is love, who is your crush, what’s your favorite color/song/artist/ and what’s your greatest dream and motto in life.

Sabagay sino ba naman ang interesadong malaman ang mga ito?

Well oh well, nagulat na lang ako nung ninominate ako ni Waxy Wax sa kanyang Liebster Award.

Yung totoo ay tinatamad ako dahil andaming tanong, andaming sagot at ang daming itatag at ililink.
Kaya napagdesisyunan ko na sagutin na lang ang mga tanong ni Waxy Wax (syempre binansagan ko lang sya ng Waxy Wax) kasi para naman mafeel ko na may nagtatanong din at may nagkakainteres ding malaman ang mga kakaibang detalye sa aking buhay haha.

At eto ang mga tanong ni Waxy Wax (na isa pa lang napakahusay na mang-aawit):

1. What made you smile today?

Yung maisip lang na nagising akong muli at biniyayaan ng panibagong magandang buhay

2. Backstreet Boys or NSYNC?

Yung totoo, hindi ko alam ang boy bands noon. Lumaki akong Air Supply, Guns and Roses at Bon Jovi ang pinapakinggan ng tatay ko. Batang talyer ako. Yung madusing, maitim kuko dahil naghuhugas ng mga parte ng makina at madalas kong kasama yung mga boy ng tatay ko. Doon ako namulat sa musika. Panay ang play at rewind ng nag-iisang original na tape na nabili nila na Php 180 ang halaga. At ito ay ang album ng Siakol. Yun lang ang alam kong music noon. Tapos namulat ang aking mata sa boyband nung project namin sa P.E. ay ang sumayaw ng Get Down. Pero wala akong pipiliin sa dalawa although nakikinig ako ng music nila.

3. What’s the soundtrack of your life?

Napaisip ako dito dahil sa dami ng kantang magaganda hindi ako makapili.

Syempre binalikan ko ang tanong na ito matapos kong sagutan ang lahat. May mga simpleng tanong talaga na mahirap sagutin. Siguro sa ngayon ang Soundtrack ko ay Perfect ni Pink pero may isang awit na kakaiba ang nararamdaman ko pag naririnig at ito ay ang Dumaan Ako na inawit ni Cynthia Alexander at Joey Ayala.

4. What movie made you cry?

Marami dahil mababaw ang luha ko. Pero yung mga sobrang natatandaan kong iniyakan ko ay yung Walk to Remember at ang pinaka-recent kong napanood na indie film na 100 starring Mylene Dizon.

5. What’s your favorite fruit? Why?

Saging. Kasi inuulam ko to. Lalo na kung maalat na adobo ang kasama o kahit toyo at kamatis lang basta may saging pwede na.

6. Who’s your childhood or teenage celebrity crush?

Hmmm. Hindi ko alam ang salitang crush noon kung hindi ako pinilit ng mga kaklase ko na magkaroon ng crush dahil mandatory daw ang pagkakaron ng crush para makasali sa circle of friends nila. Pero si Papa Piolo ata ang crush ko noon dahil di ko pa alam na —

7. What do you value most?

Life.

8. What do you want others to learn from your blog?

Kalokohan?

9. Where do you want to travel next (or first)?

Pangarap kong makarating sa Italy at sana nga malapit na.

Gusto ko makarating ng Italy at maramdamang maging si Juliet
Gusto ko makarating ng Italy at maramdaman kung paano maging si Juliet

10. What is the most challenging goal in your bucket list?

Yung totoo wala akong bucket list dahil hindi mukhang bucket list yung listahan ko. Pero nakasulat yung mga pangarap ko at ang mukhang ang pinakamahirap matupad ay ang makakanta ng kahit isang kanta man lang ni Amy Lee ha ha.

11. Before you die, who do you want to kiss?

Myghad. Haha wala.

20 responses to “Modern Day Slumbook…Sort Of.”

  1. Nakakatuwa naman ang mga sagot mu. Haha. Pero favorite ko ung sa huli. Haha.

    Like

    1. syempre. save the best for last.

      Wagas. He he

      Like

      1. And pinakinggan ko ung song nila Joey Ayala. Ang ganda. 🙂

        Like

        1. uu. mabuhay ang OPM diba.

          Like

          1. yep. Mabuhay! 😉

            Like

  2. Wala as in? As in as in? hahaha

    Like

    1. ha ha ha. talaga bang kontrobersyal ang sagot ko sa huling tanong haha.

      Kung siguro person i want to meet na lang kesa kiss, posible pa haha

      Like

  3. Tagal ko nang naghahanap ng #8 sa isang blog. Dito lang pala makikita. Hehehe.

    Like

    1. ha ha ha…. maraming #8 dito 🙂

      Like

  4. natawa naman ako sa sagot mo sa No. 2! piliin mo BSB please pretty puleeeeeezzzz…! bigyan kita ng isang lumang pirated na album. OR ELSE…akin lang si kuya! Tandaan mo yan MONICA! Akin lang ang KUYA mo!!! (charot)

    Like

    1. “mga hayup! sa ilalim pa ng ilong ko, ha!”

      @__@

      minahal kita Nicole ng higit pa sa isang kapatid 😛

      hahahah may isang BSB fan dine hahaha….cge cge na para sa yo BSB na lang. Si KUYA hindi na nagpost ulit haha

      Like

      1. nagtago na si KOYA. Sinampal mo eh! GO TEAM NICOLE (maiba lang hahahaha).

        Like

  5. hahaa natatawa ako sa q2 .. hahaha

    Like

    1. yahahah…ayun batang talyer eh…di uso BSB at Nsync sakin dati ha ha

      Like

  6. Ate, may parang snow po itong blog niyo. Pano po iyon? Ang danda po. 😍😍😍 Yun po agad napansin ko sa aking pagbabalik basa sa inyong mga posts. 😍😍😍😍😍😍😍😍😍

    Liked by 1 person

    1. Pag December may ganyang pakulo ang WP haha

      Liked by 1 person

      1. Ahhh, sa lahat po yun ng theme? Yun akin kasi wala po. 😔

        Liked by 1 person

        1. alam ko meron yan hehe

          Like

        2. iaactivate mo nga lang…di ko na maalala haha

          Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: